Asawa Ni Baron Geisler Sinugod Ng Kabit na Artista

Huwebes, Nobyembre 30, 2023

/ by Lovely


 Hindi na nakapagtimpi si Jamie Evangelista sa isang Kapuso actress na diumano'y nanlalandi sa kanyang asawang si Baron Geisler.


Sa kanyang online program, ibinunyag ng talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz ang nangyaring komprontasyon sa pagitan ni Jamie Evangelista at ng nasabing Kapuso actress.


Ipinahayag pa ni Ogie Diaz na nagpakita ng mga resibo ang kanyang source para patunayan na totoong nangyari ang paghaharap ng dalawa.


“Nakakaloka. Talagang may mga resibong pinakita sa akin at pinarinig,” saad ni Ogie Diaz.


Ipinahayag din niya ang ilan sa naging linya ni Jamie Evangelista sa naging harapan nila ng babae na nais umanong mag-finance sa annulment nilang mag-asawa.


“Gusto mo ‘yon na alam mo na married man ‘yung lalake, gusto mo ‘yon? You have two sons, meron din akong mga anak. May anak kami ni Baron,” saad umano ni Jamie.



“It’s disgusting,” dagdag pang pahayag ni Jamie.


Ayon pa kay Ogie Diaz na handa ang nasabing babae na bayaran ang lahat ng fees sa annulment nina Jamie at Baron Giesler upang mapasakanya na si Baron.


“Ito hindi ko ito kinaya. Diyos ko, sa sobrang in-love ni ‘Kapuso person’ dito kay Baron e parang nag-alok pa ito kay Jamie, sa asawa ni Baron, na siya raw gagastos sa annulment nila if ever. Willing siyang saluhin si Baron,” pahayag ni Ofie Diaz.


Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag si Baron Giesler hinggil sa nasabing isyu.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo