Ogie Diaz May Isiniwalat Tungkol Kina Daniel Padilla, Andrea Brillantes

Walang komento

Huwebes, Nobyembre 9, 2023


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media at mga entertainment news sites ang tsikang isiniwalat ni Ogie Diaz patungkol kina Andrea Brillantes at Daniel Padilla.


Sa kamakailang episode ng showbiz oriented vlog nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs na Showbiz Update, isiniwalat ng talent manager at showbiz reporter ang chikang nakarating sa kanya patungkol sa palihim na pagkikita nina Andrea Brillantes at Daniel Padilla.


Ipinahayag naman ni Ogie Diaz na hindi siya naniniwalang totoo ang tsika dahil kilala niya si Daniel Padilla bilang conservative type na tao.


Bukod pa rito nasubaybayan na niya at nakikita kung gaano kamahal ni Daniel Padilla ang kanyang nobyang si Kathryn Bernardo.


“May nagtsika pa sa akin na nagkikita nang lihim o pasikretong nagkikita si Daniel at si Andrea… Sabi ko lumang tao si Daniel eh at medyo may pagka-conservative yon… kasi talagang grabe niyang mahal si Kathryn,” saad ni Ogie Diaz.


“Eh siyempre hindi naman to confirmed. Kaya dapat marinig din natin ang panig nila. Kasi nili-link si Daniel kay Andrea Brillantes, hindi ba nakakaloka. Huwag muna tayong basta basta maniwala. Hayaan natin na sila ang maringgan natin kung ano ang real status na kanilang relasyon,” dagdag pa niya.


Samantala, hiling naman niya na kung totoo mang may pinagdadaanan ang KathNiel na sana ay magkaayos ang mga ito.


“Kung may problema man ang Kathniel, sana magkaayos sila. Sayang din. Ang tagal na din ung 11 or 12 years nilang pinagsamahan.”


Agad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga KathNiel fans ang tsikang isiniwalat ni Ogie Diaz.


May iba na nabahala dahil hindi naman umano puputok ang balitang ito kung walang pinagmulan.


Binalikan pa ng ilan ang naging isyu noon kung saan inamin ni Andrea Brillantes ang pagkakaroon ng crush kay Daniel Padilla.


Kumalat din noon ang isyu kung saan inamin ni Seth Fedelin ang pagseselos kay Daniel Padilla dahil nagkikita umano ng palihim ang dalawa.


Sa kabilang banda, hindi pa rin nagbibigay ng anumang pahayag sina Daniel Padilla at Andrea Brillantes. Maging ang nobya ni Daniel na si Kathryn Bernardo ay hindi pa rin naglalabas ng anumang pahayag.




Dating MTRCB Member Gladys Reyes Nilaglag Si Lala Sotto?

Walang komento

Miyerkules, Nobyembre 8, 2023


Isa sa mga naging member of the board ng Movie and Television Review and Classification Board ang aktres na si Gladys noong si Sen. Grace Poe pa ang chairperson ng nasabing ahensya.


Naitanong kay Gladys Reyes kung ano ang kanyang opinyon sa naging isyu ng It's Showtime dahil sa pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez sa cake icing.


Matatandaan na ang insedenteng ito ang naging dahilan ng pagkakasuspinde ng It's Showtime dahil marami umanong natanggap na reklamo ang MTRCB.


Bilang dating kasapi ng MTRCB Board Member at naging hurado ng Mini Miss U segment ng It's Showtime, naitanong kay Gladys kung ano ang kanyang masasabi sa isyung ito ng It's Showtime.


Ayon kay Gladys Reyes, noon pa man nang kabilang pa siya sa committee ay hindi umano maaring bawiin maging ng Chairperson ang napagdesisyunan na.


Gayunpaman, naniniwala pa rin si Gladys Reyes na may opportunity sa bawat nangyayari.


May maganda namang nangyari sa mga hosts ng show dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na makapag relax at makapagbonding.


Samantala, sinabi ni Gladys Reyes na may mga nagawa na in the past ang mga noontime shows kaya naman ginagawa ng MTRCB ang mga desisyon kapag nakatanggap sila ng reklamo kagaya nang nangyari sa It's Showtime.


"Ang ginawa kasi nila, umaksyon sila dahil may nagreport may nakarating na mga report sa kanila, pinag-aralan nila iyon. Ako syempre I can only speak noong mga panahon namin.


"Sa ngayon syempre hindi ko naman ilalagay ang sarili ko sa kanila kasi baka may naiba na sa mga ruling at kung paano ang pagpataw ng suspension siguro, kaya naman nila sinuspend.


"Kung may makikita rin sila sa ibang programa, I think, isususpend din nila."




Hiwalayan Nina Xian Lim, Kim Chiu Kinumpirma Ng Isang Source

Walang komento


 Pinag-uusapan ngayon sa social media ang mga spekulasyon na naghiwalay na ang long time celebrity couple na sina kim chiu at xian lim.


Nagsimula ang rumor na ito nang mapansin ng mga netizens na hindi na nagpopost ng mga picture na magkasama sina Kim Chiu at Xian Lim.


Hindi rin sinamahan ni Xian si Kim Chiu noong ABS-CBN's Ball 2023. Mas pinili pa nitong magbakasyon sa India kasama ang mga kaibigan para magmotor.


Hindi na rin nakasama ni Kim Chiu sa kanyang mga naging pagbabakasyon si Xian Lim. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na madalas niyang travel buddy si Xian Lim. 


Nakadagdag pa sa usapin ay ang latest vlog ni Ogie Diaz kung saan sinabi nito sa kanyang online show na may isang source na nagsabi sa kanya na naghiwalay na umano sina Kim Chiu at Xian Lim. 


"Tapos bigla akong may nakausap na, di naman to confirmed no, yun lang yung nakarating sa kanya, na wala na nga daw si Xian Lim at si Kim Chiu." 


Base sa paraan ng pagsasalita ni Ogie Diaz hindi naman niya pinaninindigan ang mga nakuhang impormasyon sa source dahil hindi naman umano ito confirmed.


Mga salitang nakarating lang din mula sa ibang mga kakilala sa showbiz. Subalit, hindi pa rin mapakali ang ilang mga fans dahil bagama't lowkey mula pa noon ang relasyon ng dalawa ay mararamdaman pa rin sa kani-kanilang social media ang sweetness.




Ogie Diaz, Awang-Awa Kay Dennis Padilla Dahil Itinakwil Na Ng Mga Anak

Walang komento


 Nagbigay ng pahayag ang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz hinggil sa ginagawa ng mga anak ni Marjorie Barretto sa kanilang ama na si Dennis Padilla.


Ayon kay Ogie Diaz, hindi umano niya mapigilan na makaramdam ng awa kay Dennis Padilla dahil patuloy pa rin itong dinidedma ng kanyang mga anak.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na palaging nagpapadala ng mensahe si Dennis Padilla sa kanyang mga anak at palagi rin niyang binabati ang mga ito sa tuwing may mga mahahalagaang okasyon.


Kamakailan lamang ay binati pa ni Dennis Padilla si Dani Barretto sa naging kaarawan nito.


Samantala, ayon kay Ogie Diaz naitanong niya kay Dennis Padilla kung nakatanggap na ba siya ng tugon mula sa kanyang mga anak. Subalit, ayon kay Dennis ay hindi pa rin siya nakakatanggap ng anumang tugon mula sa kanyang mga anak kay Marjorie.


“Naaawa na naman ako kay Dennis Padilla. ‘Di ba lahat ng anak niya, kada birthday binabati niya. So ito namang huli, ang binati niya si Dani Barretto dahil nag-birthday. Tinanong ko si Dennis kung ‘nagre-reply ba sa’yo ‘yung mga anak mo kapag binabati mo?’ Wala pa rin daw,” pahayag ni Ogie Diaz sa kanyang showbiz oriented vlog.


Gayunpaman, hindi naman umano nawawalan ng pag-asa si Dennis Padilla na balang araw ay makakatanggap siya ng positibong tugon mula sa kanyang mga anak.


Hindi naman mapigil ni Ogie Diaz na makaramdam ng lungkot para sa kanyang kaibigan dahil kahit simpleng mensahe lamang ay hindi pa rin naibibigay ng mga anak niya rito, na para bang tuluyan na nila itong itinakwil at kinalimutan.


“Grabe ‘no? ‘Yung ano lang, ‘yung rereplyan lang o i-appreciate lang ‘yung pagbati dahil naalala… Naaano lang ako, parang – hindi ko alam, ano ba ‘to? Itinakwil na ba nila si Dennis bilang tatay?”


“What if ‘di ba, hindi natin kabisado ang buhay. Kinabukasan may maganap kay Dennis ‘di ba? Siyempre alam ng mga tao ‘yung istorya, anong magiging reaksyon ng mga bata?"


Ramdam umano ni Ogie Diaz ang nararamdaman ni Dennis Padilla dahil isa rin siyang ama. Kaya naman iniiwasan niyang mangyari sa kanya ang pambabalewala ng mga anak.


“Tatay rin kasi ako kaya iiwasan kong mangyari sa akin ‘yan at sa mga anak ko.”






@reellifegerlie Elegant in white dress 🤍 Claudia Isabelle Barreto 👰🏻‍♀️ #claudiabarretto #bastilorenzo #congratulationscouple #LorenzoFamily #fypシ゚viralシ ♬ original sound - kynokho

Yen Santos Pinabayaang Mag-isa Si Yen Santos, May Trabaho sa Eat Bulaga

Walang komento


 Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang aktres na si Yen Santos na mag-isa na lamang sa kanyang pamamasyal.


Spotted sa isang mall ang aktres na si Yen Santos na mag-isang namimili ng gadgets, ito'y sa gitna ng isyung hiwalay na sila ni Paolo Contis dahil may panibago na namang pinupormahan ang actor-host na si Paolo Contis sa katauhan ni Arra San Agustin.


Makikita sa isang larawan na ibinahagi ng isang staff ng establishment na binisita ni Yen Santos, na mag-isa lamang siya sa kanyang pamamasyal.


Dahil dito, marami ang napapatanong kung nasaan na ang boyfriend ni Yen Santos na si Paolo Contis na dati naman ay kasa-kasama ng aktres sa kanyang pamimili noong nag-didate pa lamang silang dalawa.


Samantala, lalong umingay ngayon ang mga spekulasyon na naghiwalay na sina Paolo Contis at Yen Santos dahil may panibago na namang pinupormahan ang aktor.


Tila naulit umano muli ang ginawa noon ng aktor sa kanyang mga nakakarelasyon sa tuwing nakakahanap na ng panibagong babae.


Marami naman ang nakikisimpatya ngayon kay Yen Santos dahil naging biktima na rin ito ni Paolo Contis.


Gayunpaman, nilinaw naman ni Paolo Contis sa ilang mga panayam na walang namamagitan sa kanila ni Arra San Agustin.


Ginagawa lamang umano niya ang kanyang mga sweet gestures kay Arra San Agustin base sa sketch ng kanilang show.


Sa kabila nito, marami ang kumukwestiyon na kung totoong trabaho lamang ang pagpapakita ni Paolo Contis ng sweet gestures kay Arra San Agustin, bakit maging sa likod ng kamera ay naiiba pa rin ang sweetness nina Paolo at Arra.


May mga nagsasabi pa na tila binabakuran na ngayon ni Paolo Contis ang kanyang co-hosts at hinahatid pa umano ito parati sa pag-uwi.


Sa kabilang banda, hindi pa naman nagbibigay ng pahayag si Yen Santos hinggil isyung hiwalay na sila ni Paolo Contis.




Michelle Dee Nagsalita Na Sa Balitang Naaksidente Sa Gitna Ng Miss Universe 2023 Pageant Activity

Walang komento




 Nabahala ang mga tagahanga at supporters ng Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee nang kumalat ang ulat na naaksidente ito sa isang pageant activity.


Unang kumalat sa ilang mga social media platforms ang balitang naaksidente sa El Salvador ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2023 sa isang activity.


Sa El Salvador gaganapin ang Miss Universe 2023 magaganap naman ang grand coronation nito sa darating na November 18, 2023.


Samantala, nang makarating kay Michelle Dee ang hindi makatotohanang balita na kumakalat sa social media kaagad siyang naglabas ng pahayag.


Sa pamamagitan ng kanyang mga social media account ipinahayag niyang hindi makatotohanan ang isyu at maayos ang kanyang kalagayan roon.


“Idk where the rumor came from that I got into accident but don’t believe it. We’re all good!" saad ni Michelle Dee sa kanyang Twitter post.


Sa ngayon, patuloy ang paghahanda ni Michelle Dee para sa nalalapit na preliminary competition ng Miss Universe pageant this year at sa inaabangang grand coronation.


Positibo ang ilang mga pageant fans at followers ni Michelle Dee na maiuwi niya sa bansa ang panibagong corona ng Miss Universe dahil sa taglay niyang confidence sa pagsabak sa competition.


Dagdag din umano sa puntos ng actress-beauty queen ang kanyang positive aura na nakikita sa kanyang mga performance na napansin ng kanyang mga tagahanga at iba maging ng kapwa niya kandidata.


Samantala, kumakalat ngayon ang mga usap-usapan na nangunguna umano ang pambato ng Pilipinas sa may pinakamataas na boto para sa Voice for a Change segment ng Miss Universe.


Dahit dito, malaki ang pasasalamat ng Miss Universe Philippines Organization sa suportang natatanggap ni Michelle Dee sa nasabing online poll.


“Salamat, Pilipinas! Thank you to all the supporters, pageant fans, bloggers, FB Groups, queens, talents, influencers, and general public who have been continously helping.


“Through Bayanihan, we have achieved the top spot for Miss Universe Philippines Michelle Dee in the Voice for Change category.”


Nananawagan din ang Miss Universe Philippines Organization sa mga Pilipino na bumuto kay Michelle Dee sa pamamagitan ng website ng CITalks.


Sa Voice for Change category binibigyan ng pagkakataon ang mga kandidata sa pamamagitan ng 3 minute video na ibandera at ihayag ang kanilang adbokasiya at hikayatin ang buong Universe na maki-isa sa kanilang mga ipinaglalaban.


Samantala, sa isang panayam noon kay Michelle Dee, ipinahayag niya ang dahilan kung bakit nagpaputol siya ng buhok ilang araw bago ang grand coronation ng pageant.


Nais umanong iparating ng pambato ng Pilipinas ang isang mahalagang mensahe sa naturang beauty contest para sa Universe ang kaugnayan sa kanyang ipinaglalaban.


Sa isang video ipinahayag ni Michelle na ang pagpapaikli niya ng buhok bago lumipad sa Amerika para ipagpatuloy kanyang training ay upang ipakita ang kanyang paniniwala na, 'Everyone can shine in their own individuality'.


“I really believe it highlights my personality. You know being in the pageant with short hair symbolizes breaking the barrier.


“And it symbolizes what I truly stand for also which is to empower everyone that you don’t have to fit in just to become Miss Universe.”




Niligwak Ni Nawat Si Nikki De Moura Dahil Si Herelene Nicole Budol Ang Gusto Niya Sa MGI

Walang komento


 Tila ipinahayag na mismo ng Miss Grand International pageant founder at CEO na si Mr. Nawat Itsaragrisil  na may iisa lamang siyang kandidata na mula sa Pilipinas na nais niyang sumabag sa kanyang beauty pageant, walang iba kundi si Herlene Nicole Budol.


Tila matagal nang ninanais ni Mr. Nawat Itsaragrisil na sumabak si Herlene Budol sa kanyang patimpalak dahil sinusubaybayan na niya ito mula pa man sa journey ng beauty queen sa Bb. Pilipinas 2022.


Matatandaan na personal na pumunta si Mr. Nawat Itsaragrisil sa bansa at tila ipinahayag ang kanyang pagsuporta kay Herlene Budol.


Subalit, hindi pinalad si Herlene Budol na makuha ang Miss Grand Philippines crown. Itinanghal lamang siya bilang 1st Runner Up sa Bb. Pilipinas.


Sa panahong iyon si Roberta Tamondong ang hinirang bilang Miss Grand Philippines 2022.


Sa ikalawang pagkakataon, muling lumaban si Herlene Nicole Budol para sa korona ng Miss Grand Philippines 2023, sa pagkakataong ito, naroon din si Nawat at nanonood sa SM Mall Arena.


Subalit, muling nabigo si Herlene Budol sa pagsungkit ng korona sa Miss Grand Philippines.


Noon paman ay napansin na ng mga netizens na tila paborito ni Nawat Itsaragrisil si Herlene Nicole Budol.


Sa katunayan, noong nasa Uganda ito para sa Miss Planet International 2022 ay nakipag video call pa si Nawat sa beauty  queen para i-goodluck ito sa kanyang laban.


Subalit, tanong ngayon ng maraming pageant fans, nais nga ba talaga ni Mr. Nawat na manalo si Herlene Nicole Budol at ang Pilipinas sa Miss Grand International o nais lamang ni Nawat na gamitin ang million followers ni Herlene Budol sa kanyang social media accounts.


May mga nagdududa sa intensyon ni Nawat dahil hindi naman umano lingid sa kaalaman ng lahat na talagang ginagawa ni Mr. Nawat ang lahat para lamang mapag-usapan ang kanyang beauty pageant.


Tiyak umano na malaki ang makukuha ni Nawat Itsaragrisil, sakaling makuha ni Nawat ang attention at engagement mula sa mga followers ni Herlene Nicole Budol.


Matatandaan na tila ilang beses nang ginamit ni Nawat ang mga kandidatang ipinadala ng Pilipinas sa kanyang pageant subalit ni isa sa mga ito ay hindi niya ipinanalo.


Samantala, narito ang ilang komento ng mga netizens hinggi sa usapin ng pagpapadala kay Herlene Budol para sa Miss Grand International.


"miss grand international....puro mukha at katawan...hindi utakan...yan ang brand ng org...pambobong pageant....walang sense..."


"Naku gagamitin lng dn ang pagkapopularidad ne harlene...kaya gusto.ne nawat na ilaban sa mGI para sa kanyang kasikatan"


"Drop this stupid pageant....She needs a famous delegate not a beauty and brains...So what's the significance of close door interviews? its not a beauty and brains or an advocate for war and violence, its a business and popularity...Anyways, the advocacy is impossible... Local organizers should drop the franchise."




Roderick Paulate, Naglabas Ng Hinanakit Sa Panghuhusga Sa Kanya Ng Mga Netizens

Walang komento


Inilabas na ng actor-comedian na si Roderick Paulate hinggil sa mga isyung kinakaharap niya kabilang na ang isyu ng kanyang pagkakakulong.


Sa naging panayam niya kay Ogie Diaz, inilabas ni Roderick Paulate ang lahat ng kanyang mga hinanakit sa mga masasakit na salitang ngatatanggap niya ngayong napasama siya sa iisang project kung saan kasama niya ang beteranang aktres na si Maricel Soriano.


Matatandaan na naging laman ng mga usap-usapan noon sa social media at sa ilang mga entertainment news sites ang politician-host actor na si Roderick Paulate dahil sa pagkakasangkot niya sa mga kasong Gaft and Corruption at Falsificaion of Public Documents.


Dahil sa pagkalat ng balitang ito, hinusgahan ng nakakarami si Roderick Paulate sa kabila ng kanyang pananahimik. Marami ang naniniwalang isa siyang corrupt na tao at mukhang siyang pera.


Naiulat din kasi noon na guilty ang naging hatol sa kanya kung saan sinentenyahan siya ng hindi bababa sampong taon  hanggang 62 taon na pagkakakulong.


Kaya naman marami ang nagulat nang makitang malaya pa rin ito hanggang ngayon at nakakagawa pa ng mga projects sa showbiz.


Samantala sa naganap na panayam ni Ogie Diaz kay Roderick Paulate, sinagot ng huli ang mga akusasyon laban sa kanya at nilinaw kung ano nga ang katotohanan sa isinampang kaso sa kanya.


Ipinahayag ni Roderick kung paano siya nalungkot dahil hindi na nabibigyan ng panahon ngayon ang mga taong nasasangkot sa isyu na magpaliwanag.


Base ito sa kanyang karanasan kung saan wala umanong humingi sa side niya at patuloy lamang siyang idinidiin sa kaso.


Nilinaw naman ni Roderick na hindi niya itinatanggi na may kinaharap nga siyang kaso noon subalit ang nakasakit umano ng damdamin ay wala umanong nagtanong sa kanya kung ano ang totoo at basta na lamang siyang hinusgahan.


“Bat ganun? noong negatibo, ang laki-laki ng balita pinagpyestahan ako. Pero bakit nung in-acquit ako at dinismiss ang kaso ng Court of Appeals, bakit hindi niyo rin pinagpyestahan?” hinaing ni Roderick Paulate.


“Bakit noong lumabas yun, sa isang ganito lang kaliit na tabloid lang,” dagdag pa nito.


Nilinaw pa ni Roderick na hindi naman siya nakulong kahit pa noong matapos ang kanyang conviction.


“Once and for all, hindi po ako nakulong…Minsan lagyan ko na lang kunyari yung, ‘Di ba nakakulong siya,’ lagyan ko na lang ng [open mouth emoji], nakaganun, kasi kung sasagot pa ako, baka humaba.” 


“Yung iba naman nilalagyan ko na lang ng heart…parang ganun na lang. Wala na tayong magagawa eh, hindi naman lahat nakakaintindi.”


Iginiit pa ni Roderick Paulate na hindi niya kailanman sisirain ang kanyang pangalan dahil lamang sa pera.


“Hindi ko sisirain ang pangalan ko sa pera,” pagdidiin niya pa.


Matatandaang hinatulan ng Sandiganbayan si Roderick ng hindi bababa sa 10.5 taon hanggang 62 taon sa pagkakakulong dahil sa umano’y pagkuha ng mga ‘non-existent’ na empleyado sa kanyang termino.


Napag-alaman din nila na ang mga empleyadong kinuha ni Roderick ay walang birth certificate, walang tirahan, at hindi rin rehistradong mga botante, patunay na wala talaga siya hi-nire sa mga panahong iyon.





Missing Miss Grand Philippines Na si Catherine Camilon Nakitang Inilipat ng Sasakyan

Walang komento

 

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinaghahanap ng mga otoridad ang nawawalang Miss Grand Philippines candidate na si Catherine Camilon. 


Unang naiulat ang pagkawala ng nasabing beauty queen noon pang October. Huling nakita si Catherine ng kanyang mga magulang at kapatid noong October 12, 2023.


Samantala, nakakuha ang mga awtoridad ng napakahalagang impormasyon tungkol sa posibleng kinaroroonan ngayon ni Miss Grand Philippines contestant Catherine Camilon.


Ayon sa ulat, ibinunyag ni CIDG Group Director Major General Romeo Caramat Jr. na nakitang duguan si Catherine Camilon habang inililipat mula sa kanyang sasakyan patungo sa ibang sasakyan.


May nakakita umano rito na hawak mismo ng person og interest na isang pulis si Catherine habang nililipat sa ibang sasakyan.


Hindi naman umano nakapalag ang mga nagpakilalang witness dahil tinutukan sila ng baril ng suspetsado.


“Umiihi du’n sa lugar, nakita n’ung suspect natin, lumapit sa kanila, at tinutukan sila ng baril,” pagbubunyag ng pulis.


Pinapaniwalaan ngayon ng mga otoridad at maging ng mga netizens na ang pagkawala ni Catherine ay may kaugnayan  sa kanyang buhay pag-ibig.


Ang mga awtoridad ay nangangalap na ngayon ng mas maraming ebidensya laban sa mga persons of interest, kabilang ang isang pulis na sinasabing boyfriend ni Catherine Camilon.


Samantala, hindi pa alam kung buhay pa si Catherine Camilon o patay, ngunit umaasa pa rin ang kanyang mga kamag-anak sa magandang balita na nabubuhay pa ito.


Nag-aalok sila ng P250,000 sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa eksaktong lokasyon ni Catherine Camilon na huling nakitang naglalakad sa loob ng isang mall.




Paolo Contis, Arra San Agustin Susunod Na AlDub ng Eat Bulaga

Walang komento


 Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang Eat Bulaga hosts na sina Paolo Contis at Arra San Agustin dahil sa pagpapakita nila ng sweet moments sa harap ng kamera.


Tumaas ang kilay ng ilang mga netizens nang mapansin na tila naiiba ang turing ni Paolo Contis kay Arra San Agustin sa lahat ng mga host sa noontime show na Eat Bulaga.


Agad na binatikos si Paolo sa pagiging extra sweet at caring niya kay Arra San Agustin dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang kanyang controversial na relasyon sa aktres na si Yen Santos.


Samantala, sa isang panayam nilinaw naman umano ni Paolo Contis na walang namamagitan sa kanila ni Arra San Agustin. Ang kanilang mga ginagawa ay para lamang umano sa kanilang show.


Dahil dito, hinala ng mga netizens na tila kinukondisyon na umano ngayon ng Eat Bulaga sina Paolo Contis at Arra San Agustin na maging susunod na AlDub.


Matatandaan na naging phenominal ang loveteam na nagmula sa Kalye Serye ng Eat Bulaga na tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza noong 2015. Nakakuha rin ng world record ang show dahil sa tambalan ng dalawa.


Ito rin ang paniniwala ng  beteranong kolumnista na si Cristy Fermin, posibleng gusto ng umano ng Eat Bulaga na gayahin ang kanilang tagumpay noong 2015 sa gitna ng higpit na rating contest sa pagitan nila at ng iba pang noontime shows.


Subalit, naniniwala si Manay Cristy Fermin na hindi magtatagumpay ang tambalan nina Paolo Contis at Arra San Agustin.


“Kung gimik ito na mala-AlDub dahil nagtagumpay ang Eat Bulaga noon dahil kina Alden Richards at Maine Mendoza, hindi na po ito panahon na ganoon. Ibang klase na po ang labanan ngayon. Alam na nating kumilatis kung ano ang de-color at kung ano ang puti,”” pahayag ni Manay Cristy Fermin. 


Sa kabilang banda, may mga naniniwala naman na totoong may relasyon na sina Paolo Contis at Arra San Agustin na hindi lamang nila inamin sa publiko.


Matatandaang mahigpit ding pinabulaanan noon nina Yen Santos at Paolo Contis ang kanilang relasyon kung saan iginigiit nila sa pagtatanong ng media na magkaibigan lamang sila.


Ngayon, ang show naman na Eat Bulaga ang dinadahilan ni Paolo Contis para pabulaanan ang relasyon nila ni Arra San Agustin.


Samantala, hindi naman nagbibigay ng pahayag ang nobya ni Paolo Contis na si Yen Santos patungkol sa isyu.


Narito naman ang komento ng ilang mga netizens.


"Kung ako tatawanan kita Yen aba syempre ngayon alam mo na kung gano kasakit ang maagawan diba buti nga yan sayo kasi ikaw ang dahilan bat nasira ang pamilya nila noon"


"mali naging instrument lang si yen para mapatunayan kung gaanunkawang kwenta si guy. Biktima din siya kasi naniwala at pinaasa. Swerte si lj kasi nakahanap na siya ng guy na desrve niya"


"true saklap mga kapwa babae pa ang nagdodown sa kapwa babae the thing is un lalaki talaga ang homewrecker at salbahe at hindi c yen.. kawawang yen bugbog na bugbog na nga tapos sinasaktan pa ng lalaki emotionally i feel sorry for her."




Anji Salvacion, Dedma Sa Mga Nangbabash Sa Kaniyang Pag Arte

Walang komento


 Naglabas na ng saloobin ang aktres na si Anji Salvacion hinggil sa natatanggap niyang pambabatikos at pagnenega sa kanyang pag-arte ng mga netizens.


Matatandaan na naging laman ng mga usap-usapan sa social media at ilang mga entertainment sites ang aktres na si Anji Salvacion dahil sa kanyang pag-arte.


Marami sa mga netizens ang hindi nagustuhan ang pag-arte ni Anji Salvacion. Marami rin ang hindi natutuwa sa ipinapakitang performance ni Anji Salvacion sa seryeng Linlang.


Maging ang kilalang showbiz reporter at talent manager na si Ogie Diaz ay pinuna rin ang naging performance ni Anji at hayagan pang sinabi na dapat ay tanggalin na lamang ito sa serye.


Nag-offer din ito ng free acting workshop para sa aktres upang kahit papaano ay matulungan din ito sa kanyang kakulangan sa pag-arte.


Samantala, nagbigay na ng pahayag ang akres hinggil sa pambabatikos sa kanya dahil sa kanyang poor acting skills.


Sa isang panayam inamin ni Anji Salvacion na binabasa niya ang mga komento ng mga netizens hinggil sa kanyang acting skills.


Ayon kay Anji, ginagawa niya ito upang malaman kung ano pa ang kailangan niyang i-improve pagdating sa kanyang acting performance.


“I’ve read comments, and yes, I’m taking them seriously, especially the constructive ones, because I know they would really help improve my craft.”


Dagdag pa ng aktres, “I see myself as a work in progress, which is why I welcome comments on my acting, and I believe that learning is a contininuous process.”


Nilinaw pa ng aktres na hindi niya kailanman papatulan ang mga bashers tanging mga komento lamang na nakakatulong sa pag-improve sa kanyang sarili ang kanyang tini-take seriously.


“Some comments were just making fun of me, and they weren’t helpful anyway.”


Nilalaktawan naman din umano ni Anji Salvacion ang mga komento at mensahe ng mga bumabatikos sa kanyang lalo pa iyong labis kung makapanglait gayung alam umano niyang hindi naman sila marunong umarte.


“Reading their messages will break you if you don’t know how to deal with them, kasi kung iisipin mo itong mga taong nanglalait sa akin, I don’t think they can act well either.”


Mas mabuti na lamang umanong laktawan na lamang ang mga komentong ito kaysa pagtuunan pa ng pansin. Subalit, bukas naman umano siya sa mga komento na nagbibigay ng payo sa kanya upang ma-improve ang kanyang paraan sa pag-arte.


“That’s why it’s better to ignore them and focus on the helpful comments and I want to emphasize once again that I am open to comments that I believe will help me improve my acting skills.”


Inamin din ni Anji Salvacion na naapektuhan at nakakaremadam siya ng pressure sa power cast ng Linlang kung saan nakasama niya ang mga magagaling na artista sa industriya. Kabilang na sina  Kim Chiu, Paulo Avelino, JM De Guzman at Maricel Soriano.


Inamin din ni Anji Salvacion na nagulat siya sa intensity ng mga scenes sa Linlang.


“Yes, I was shocked by the intensity of every scene and deeply affected by it.”


“t took me a while to adjust. This is the very first teleserye I’ve done, and it’s a heavy drama.”


Aminado rin si Anji Salvacion na nahihirapan siyang mag-adjust sa drama, subalit sa tulong ng kanyang mga kasamahan at mga directors ay naipapalabas niya ang kanyang best performance.


“I would say that I had a difficult time adjusting, but with the help of my co-actors and directors, I was able to give my best.”


Labis naman ang pasasalamat ni Anji sa kanyang mga kasamahan sa trabaho sa paggabay umano sa kanya para mairaos ang mahihirap na scenes.


Unang nakilala si Anji Salvacion nang sumali siya sa Idol Philippines Season 1 noong 2019. Hindi naman siya ang maswerteng nanalo rito.


Pumasok naman si Anji sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 kung saan siya ang hinirang bilang big winner noong 2022.




Vice Ganda Naglabas Ng Hinaing Sa Higpit Ng Sistema Ngayon Sa Telebisyon

Walang komento

Martes, Nobyembre 7, 2023


 Nagpahayag ng isang sentimyento si Vice Ganda kung saan kinumpara niya ang panahon ngayon at noong unang panahon sa pagpapatawa.


Sa nakaraang episode ng It's Showtime, nagbigay ng tribute sina Vhong Navarro, Teddy Corpus, at Jugs Jugueta sa mga namayapang komedyante sa bansa na sina Dolphy, Babalu at Redford.


Agad na nag viral sa social media ang naging performance ng tatlo dahil sa paggaya nila sa mga namayapang komedyante sa tulong ng Artificial Intelligence.


Pagkatapos ng performance, ikinuwento ni Vice Ganda kung paano nag-iingat ngayon ang mga kasalukuyang komedyante na tulad niya na baka hindi magustuhan ng mga manonood ang mga biro nila, hindi tulad noong panahon nina Dolpy, Babalu, at Redford.


“tsaka dati nung panahon nila, mahirap nang magpatawa no’n. Pero grabe ‘yung hirap magpatawa ngayon. Minsan ‘pag nanonood ako ng mga lumang comedy, sasabihin ko ‘nakakatawa ‘yan ano? Pa’no ‘pag sinabi ko ngayon ‘yan, anong mangyayari sakin? Pa’no ‘pag ginawa ko ngayon ‘yan, anong mangyayari sa’kin?’” saad ni Ganda.


“ang sarap magpasaya ng mga pilipino pero lately, ang hirap niyo ding pasayahin. Konting kibot, konting utot ‘di ba, merong panget na reaksyon. Ang hirap-hirap magpatawa ngayon kaya nakakatuwa na makita ‘yung maraming litrato nung komedyante. Sabi ko ‘ang sarap oh, andami ng komedyante.’ pero ngayon sana dumami pa ‘yung komedyante kahit ang hirap-hirap nang magpatawa,” dagdag pa niya.


Sinang-ayunan naman ni Tirso Cruz ang naging hinaing ni Vice Ganda.


Ipinahayag nito na totoo ang sinabi ni Vice Ganda kung saan ipinahayag niyang maraming mga bawal ngayon lalo na sa mga komedyante.


"Madaming bawal para sa mga komedyante, maraming bawal ngayon. Yun ang problema kaya mahirap magpatawa ngayon. Kahit marami kang material may mga magbabawal  sa materyal na ginagamit mo.


"Maganda sana ang sana ang ideya kaso pagbibitawan mo baka may mabash na naman tayo. Yung gusto lang nating magpaligaya makakasama pa pala tayo kaya sabi ko mahirap magpaliwanag.


"Pero, ayun nga marami ang bawal ngayon."


Binalikan naman ni Vice Ganda ang natamo nilang pambabatikos noon ni Ion Perez dahil hindi nagustuhan ng ilang mga netizens ang paraan nila sa pagkain ng cake icing.



Vice Ganda May Napansin Kay Barbie Forteza, David Licauco Sa It's Showtime

Walang komento


 Tuwang-tuwa ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa nakakakilig na eksena mula sa tinitilian loveteam ngayon nina Barbie Forteza at David Licauco na kamakailan ay naging guest sa It's Showtime.


Ikinagulat at ikinatuwa ng mga madlang pipol ang pagbisita ni David Licauco sa show.


Kinuha ng Team nina Karylle, MC, Lassy at Tyang Amy si David Licauco na mag-voice over sa isang robot.


Hindi lubos akalain ng madlang pipol ang pagpunta ni David Licauco sa It's Showtime dahil ang ka-loveteam niyang si Barbie Forteza ay isa sa mga hurado para sa Magpasikat.


Samantala, kaagad na napansin ni Vice Ganda ang naiibang kasiyahan ni Barbie nang makita niya si David Licauco sa show.


Pabiro pang pahayag ni Vice Ganda na ito umano ang kauna-unahang pagkakataon na ang judge ang may guest.


Dinagdagan pa ni Vice Ganda ang kilig na nararamdaman ng mga BarDa fans nang si David Licauco ang pinag-introduce niya kay Barbie Forteza para mag komento sa performance nila ni Karylle.


Kapansin-pansin naman na tila kinilig si Barbie sa pag-introduce sa kanya ni David Licauco.


"What are you doing here? Oh my god na-surprise ako."


Hindi pa rito ngatatapos ang kilig moment ng dalawa sa kalagitnaan ng pagbibigay ng komento ni Barbie Forteza sa naging performance nina Karylle, napansin niyang hindi maayos na nakabutones ang suot ni David.


Malambing na inutos ni Barbie kay David na ayusin muna ang kanyang damit.


Hindi naman ito pinalagpas ni Vice Ganda at muling ipinaulit kay Barbie ang pagpapaayos nito ng damit ni David.


"Wow, paano yung 'fix your shirt', paano?"


Tinawanan lang naman nina Barbie Forteza at David Licauco ang panunukso ni Vice Ganda sa kanila.


Sa kabilang banda, marami pa rin ang nagsasabi na nababagay si Barbie na maging host ng programa dahil sa taglay nitong energy.


Matatandaan na pinuri rin noon ng maraming mga madlang pipol ang naging performance ni Barbie Forteza noong naging guest ito sa It's Showtime.






Sharon Cuneta May Paki-Usap Sa Mga Bashers Ng Mga Anak Na Sina KC Concepcion, Kakie Pangilinan

Walang komento


 Matapos ang matagumpay na reunion concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, nagrerelax muna ang Megastar kasama ang kanyang asawa na si Kiko Pangilinan.


Sa kamakailang post ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account ibinahagi niya sa kanyang mga followers ang ginawa nilang celebration sa ika-40th birthday ng panganay niyang si Miguel.


Isa lamang itong simpleng hapunan sa isang restaurant na paborito nito.


"Kahit may Cebu concert pa sa 17th, back to reality muna kayo mga anak!😂 My son Miguel celebrated his 14th birthday with us on Oct.29! A simple dinner at the place he wanted to go to."


Ipinahayag din niya sa caption ng kanyang post kung gaano niyang namimiss ang kanyang mga anak na sina KC at Kakie.


"Missed our Kakie and KC but I am happy to have been able to be with my family between the MOA Arena and Okada Manila shows!"


May naisip na rin umanong paraan si Sharon Cuneta para maprotektahan ang mga nararamdaman ng kanyang mga anak. Kapag may mga okasyon ay sa mga notes na lamang umano niya ito babatiiin at hindi na sa social media.


"From now on, to avoid risking all four of my children’s feelings being targeted by trolls, even on their birthdays I will give them all my loving messages not on social media na but in personal notes na lang."


Hiniling din ni Sharon sa mga netizens at bashers na huwag pagsabungin ang kanyang mga anak dahil nananahimik ang mga ito.


"To those who find pleasure in hurting the feelings of my family members, please, tama na. Nananahimik kaming lahat and they don’t deserve any negativity."


Ibinahagi din ni Sharon na bago siya  pumayag sa comeback concert nila ni Gabby Concepcion ay nauna niyang kinausap ang kanyang mga asawa at anak kung ok lamang ba sa kanila. Naging bukas naman umano ang mga isip nila at pumayag.


"Never ko sana nagawa ang shows namin ni Gabby without my husband and kids’ approval. They were the first to congratulate me after MOA! Malawak kasi isip ng pamilya namin sorry naman!"


Tanggap na rin umano niya na hindi siya perpekto subalit hiuling niya na huwag pagsabungin ang kanyang mga anak dahil mahal niya ang mga ito.


"Tanggap ko na habangbuhay hati ang katawan ko kasi naging 2 ang pamilya ko. Pero ako ang nahihiya sa mga anak ko kasi nadadamay sila just because I am their mommy…it hurts me. And pls i am not a ‘mamananggal!’ Please, kindly stop making my kids sabong or pinagaaway di naman sila mga manok. Ngek."



Sharon Cuneta at BF ni KC Concepcion Pareho ng Ugali!

Walang komento


 Marami sa mga fans ng Megastar na si Sharon Cuneta ang natuwa nang malaman ang panibagong kaalaman patungkol sa kanilang idol, patungkol sa pagkakahilig ng actress sa mga mamahaling relo.


Kinilig din ang mga fans ni KC Concepcion sa kaalamang ito dahil matatandaan na nauna nang napag-alaman na mahilig din sa mamahaling relo ang boyfriend ngayon ni KC na si Mike Wuethrich.


Hinuha ng mga fans ng aktres na talagang magkakasundo sila dahil pareho ang mga kinahihiligan nilang bagay.


Sa katatapos lamang na Dear Heart Concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion napansin ng isang netizens ang suot na relo ni Sharon na aniya'y mamahalin.


“OMG! High horology (HH) on your wrist! I can’t help but notice!”


Napatanong naman ang isa pang netizen kung ano ang brand na suot ni Sharon.


Muling sagot ng netizen na hindi niya masiguro kung ano ito. Maari umano itong isang custom-made Cartier.


“I can’t figure it out, too. It could be a custom-made Cartier, Van Cleef & Arpels or a Piaglet. Only Sharon can confirm what it is.”


Matatandaan na naibahagi na noon ni Sharon Cuneta ang ilang mga mamahaling collection niya ng Watch na mula sa iba't-ibang brand.


Dahil sa magkapareho nilang hilig, marami ang nagsasabi na tiyak umanong magkakasundo sina Sharon Cuneta at Mike Wuethrich pagdating sa magkakapareho nilang hobby at collections.




Janice De Belen, Umayaw Na Makasama Sa Iisang Proyekto si John Estrada

Walang komento


 Hindi na ikinagulat ng ilang mga netizens ang naging pahayag ni Janice De Belen hinggil sa pakikipag-collab sa dati niyang asawa na si John Estrada.


Sa isang vlog ni Kaila Estrada, anak nina Janice De Belen at John Estrada, kinausap ng aktres ang kanyang ina kung handa pa ba itong makasama sa iisang proyekto ang kanyang mga ex kabilang na ang kanyang ama.


"If ever in the future, you know, someday, are you willing to work with Tito Aga or Dad again? In a movie or soap?" tanong ni Kaila Estrada sa ina.


Agad naman itong sinagot ni Janice De Belen na handa siyang makatrabahong muli si Aga Muhlach pero ayaw niyang makasama muli sa trabaho ang dating asawa na si John Estrada.


"Aga, Yes, I would be open to be working with Aga. Your dad no," pahayag ni Janice De Belen.


Tila napansin naman ni Janice na naging pilit ang ngiti ni Kaila sa kanyang naging pahayag kaya naman nilinaw at ipinaliwanag niya sa anak kung bakit ayaw niyang makasama muli ang dating asawa.


Ayon kay Janice, may kaibahan sina Aga Muhlach at John Estrada. Hindi naman umano niya naging asawa Aga Muhlach at magkaiba ang naging pakiramdam niya sa mga ito.


"Alam mo kasi, hindi kami naging mag-asawa ni Aga. So it's different. The, relationship is different. It's different with your dad kasi naging mag-asawa kami."


"Yung mga disagreements namin where not tiny disagreements. The reason for us separating where not, it's not a tiny thing. It's not just a disagreement."


Marami rin umano siyang mga pinagdadaanang masakit sa piling noon ng dating asawa. Bukod pa rito may malaki umanong rason kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila magkaibigan.


Dahil umano rito, kaya hindi na sila nararapat na muling magkatrabaho pa dahil magiging inconvenient lamang sila sa mga taong makakatrabaho nila.


Sa kabila nito, nilinaw naman ni Janice De Belen na civil naman sila sa isa't-isa ngayon.


Ikinasal noong 1992 sina Janice De Belen at John Estrada. Kasalukuyang buntis sa panganay nila noon ang aktres. Makalipas ang ilang taon ng pagsasama nabiyayaan pa ng tatlong anak sina Janice at John na sina Moira, Kaila at Yuan.


Noong 2002, napabalitang hiwalay na ang aktor sa dating asawang si Janice de Belen matapos itong ma-link sa kanyang Magandang Tanghali, Bayan co-host na si Vanessa del Bianco. Hanggang ngayon ay hindi nagkomento sina John o Priscilla sa mga akusasyon.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo