Sharon Cuneta at BF ni KC Concepcion Pareho ng Ugali!

Martes, Nobyembre 7, 2023

/ by Lovely


 Marami sa mga fans ng Megastar na si Sharon Cuneta ang natuwa nang malaman ang panibagong kaalaman patungkol sa kanilang idol, patungkol sa pagkakahilig ng actress sa mga mamahaling relo.


Kinilig din ang mga fans ni KC Concepcion sa kaalamang ito dahil matatandaan na nauna nang napag-alaman na mahilig din sa mamahaling relo ang boyfriend ngayon ni KC na si Mike Wuethrich.


Hinuha ng mga fans ng aktres na talagang magkakasundo sila dahil pareho ang mga kinahihiligan nilang bagay.


Sa katatapos lamang na Dear Heart Concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion napansin ng isang netizens ang suot na relo ni Sharon na aniya'y mamahalin.


“OMG! High horology (HH) on your wrist! I can’t help but notice!”


Napatanong naman ang isa pang netizen kung ano ang brand na suot ni Sharon.


Muling sagot ng netizen na hindi niya masiguro kung ano ito. Maari umano itong isang custom-made Cartier.


“I can’t figure it out, too. It could be a custom-made Cartier, Van Cleef & Arpels or a Piaglet. Only Sharon can confirm what it is.”


Matatandaan na naibahagi na noon ni Sharon Cuneta ang ilang mga mamahaling collection niya ng Watch na mula sa iba't-ibang brand.


Dahil sa magkapareho nilang hilig, marami ang nagsasabi na tiyak umanong magkakasundo sina Sharon Cuneta at Mike Wuethrich pagdating sa magkakapareho nilang hobby at collections.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo