Vice Ganda May Napansin Kay Barbie Forteza, David Licauco Sa It's Showtime

Martes, Nobyembre 7, 2023

/ by Lovely


 Tuwang-tuwa ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa nakakakilig na eksena mula sa tinitilian loveteam ngayon nina Barbie Forteza at David Licauco na kamakailan ay naging guest sa It's Showtime.


Ikinagulat at ikinatuwa ng mga madlang pipol ang pagbisita ni David Licauco sa show.


Kinuha ng Team nina Karylle, MC, Lassy at Tyang Amy si David Licauco na mag-voice over sa isang robot.


Hindi lubos akalain ng madlang pipol ang pagpunta ni David Licauco sa It's Showtime dahil ang ka-loveteam niyang si Barbie Forteza ay isa sa mga hurado para sa Magpasikat.


Samantala, kaagad na napansin ni Vice Ganda ang naiibang kasiyahan ni Barbie nang makita niya si David Licauco sa show.


Pabiro pang pahayag ni Vice Ganda na ito umano ang kauna-unahang pagkakataon na ang judge ang may guest.


Dinagdagan pa ni Vice Ganda ang kilig na nararamdaman ng mga BarDa fans nang si David Licauco ang pinag-introduce niya kay Barbie Forteza para mag komento sa performance nila ni Karylle.


Kapansin-pansin naman na tila kinilig si Barbie sa pag-introduce sa kanya ni David Licauco.


"What are you doing here? Oh my god na-surprise ako."


Hindi pa rito ngatatapos ang kilig moment ng dalawa sa kalagitnaan ng pagbibigay ng komento ni Barbie Forteza sa naging performance nina Karylle, napansin niyang hindi maayos na nakabutones ang suot ni David.


Malambing na inutos ni Barbie kay David na ayusin muna ang kanyang damit.


Hindi naman ito pinalagpas ni Vice Ganda at muling ipinaulit kay Barbie ang pagpapaayos nito ng damit ni David.


"Wow, paano yung 'fix your shirt', paano?"


Tinawanan lang naman nina Barbie Forteza at David Licauco ang panunukso ni Vice Ganda sa kanila.


Sa kabilang banda, marami pa rin ang nagsasabi na nababagay si Barbie na maging host ng programa dahil sa taglay nitong energy.


Matatandaan na pinuri rin noon ng maraming mga madlang pipol ang naging performance ni Barbie Forteza noong naging guest ito sa It's Showtime.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo