Hiwalayan Nina Xian Lim, Kim Chiu Kinumpirma Ng Isang Source

Miyerkules, Nobyembre 8, 2023

/ by Lovely


 Pinag-uusapan ngayon sa social media ang mga spekulasyon na naghiwalay na ang long time celebrity couple na sina kim chiu at xian lim.


Nagsimula ang rumor na ito nang mapansin ng mga netizens na hindi na nagpopost ng mga picture na magkasama sina Kim Chiu at Xian Lim.


Hindi rin sinamahan ni Xian si Kim Chiu noong ABS-CBN's Ball 2023. Mas pinili pa nitong magbakasyon sa India kasama ang mga kaibigan para magmotor.


Hindi na rin nakasama ni Kim Chiu sa kanyang mga naging pagbabakasyon si Xian Lim. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na madalas niyang travel buddy si Xian Lim. 


Nakadagdag pa sa usapin ay ang latest vlog ni Ogie Diaz kung saan sinabi nito sa kanyang online show na may isang source na nagsabi sa kanya na naghiwalay na umano sina Kim Chiu at Xian Lim. 


"Tapos bigla akong may nakausap na, di naman to confirmed no, yun lang yung nakarating sa kanya, na wala na nga daw si Xian Lim at si Kim Chiu." 


Base sa paraan ng pagsasalita ni Ogie Diaz hindi naman niya pinaninindigan ang mga nakuhang impormasyon sa source dahil hindi naman umano ito confirmed.


Mga salitang nakarating lang din mula sa ibang mga kakilala sa showbiz. Subalit, hindi pa rin mapakali ang ilang mga fans dahil bagama't lowkey mula pa noon ang relasyon ng dalawa ay mararamdaman pa rin sa kani-kanilang social media ang sweetness.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo