Ogie Diaz, Awang-Awa Kay Dennis Padilla Dahil Itinakwil Na Ng Mga Anak

Miyerkules, Nobyembre 8, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng pahayag ang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz hinggil sa ginagawa ng mga anak ni Marjorie Barretto sa kanilang ama na si Dennis Padilla.


Ayon kay Ogie Diaz, hindi umano niya mapigilan na makaramdam ng awa kay Dennis Padilla dahil patuloy pa rin itong dinidedma ng kanyang mga anak.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na palaging nagpapadala ng mensahe si Dennis Padilla sa kanyang mga anak at palagi rin niyang binabati ang mga ito sa tuwing may mga mahahalagaang okasyon.


Kamakailan lamang ay binati pa ni Dennis Padilla si Dani Barretto sa naging kaarawan nito.


Samantala, ayon kay Ogie Diaz naitanong niya kay Dennis Padilla kung nakatanggap na ba siya ng tugon mula sa kanyang mga anak. Subalit, ayon kay Dennis ay hindi pa rin siya nakakatanggap ng anumang tugon mula sa kanyang mga anak kay Marjorie.


“Naaawa na naman ako kay Dennis Padilla. ‘Di ba lahat ng anak niya, kada birthday binabati niya. So ito namang huli, ang binati niya si Dani Barretto dahil nag-birthday. Tinanong ko si Dennis kung ‘nagre-reply ba sa’yo ‘yung mga anak mo kapag binabati mo?’ Wala pa rin daw,” pahayag ni Ogie Diaz sa kanyang showbiz oriented vlog.


Gayunpaman, hindi naman umano nawawalan ng pag-asa si Dennis Padilla na balang araw ay makakatanggap siya ng positibong tugon mula sa kanyang mga anak.


Hindi naman mapigil ni Ogie Diaz na makaramdam ng lungkot para sa kanyang kaibigan dahil kahit simpleng mensahe lamang ay hindi pa rin naibibigay ng mga anak niya rito, na para bang tuluyan na nila itong itinakwil at kinalimutan.


“Grabe ‘no? ‘Yung ano lang, ‘yung rereplyan lang o i-appreciate lang ‘yung pagbati dahil naalala… Naaano lang ako, parang – hindi ko alam, ano ba ‘to? Itinakwil na ba nila si Dennis bilang tatay?”


“What if ‘di ba, hindi natin kabisado ang buhay. Kinabukasan may maganap kay Dennis ‘di ba? Siyempre alam ng mga tao ‘yung istorya, anong magiging reaksyon ng mga bata?"


Ramdam umano ni Ogie Diaz ang nararamdaman ni Dennis Padilla dahil isa rin siyang ama. Kaya naman iniiwasan niyang mangyari sa kanya ang pambabalewala ng mga anak.


“Tatay rin kasi ako kaya iiwasan kong mangyari sa akin ‘yan at sa mga anak ko.”






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo