Missing Miss Grand Philippines Na si Catherine Camilon Nakitang Inilipat ng Sasakyan

Miyerkules, Nobyembre 8, 2023

/ by Lovely

 

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinaghahanap ng mga otoridad ang nawawalang Miss Grand Philippines candidate na si Catherine Camilon. 


Unang naiulat ang pagkawala ng nasabing beauty queen noon pang October. Huling nakita si Catherine ng kanyang mga magulang at kapatid noong October 12, 2023.


Samantala, nakakuha ang mga awtoridad ng napakahalagang impormasyon tungkol sa posibleng kinaroroonan ngayon ni Miss Grand Philippines contestant Catherine Camilon.


Ayon sa ulat, ibinunyag ni CIDG Group Director Major General Romeo Caramat Jr. na nakitang duguan si Catherine Camilon habang inililipat mula sa kanyang sasakyan patungo sa ibang sasakyan.


May nakakita umano rito na hawak mismo ng person og interest na isang pulis si Catherine habang nililipat sa ibang sasakyan.


Hindi naman umano nakapalag ang mga nagpakilalang witness dahil tinutukan sila ng baril ng suspetsado.


“Umiihi du’n sa lugar, nakita n’ung suspect natin, lumapit sa kanila, at tinutukan sila ng baril,” pagbubunyag ng pulis.


Pinapaniwalaan ngayon ng mga otoridad at maging ng mga netizens na ang pagkawala ni Catherine ay may kaugnayan  sa kanyang buhay pag-ibig.


Ang mga awtoridad ay nangangalap na ngayon ng mas maraming ebidensya laban sa mga persons of interest, kabilang ang isang pulis na sinasabing boyfriend ni Catherine Camilon.


Samantala, hindi pa alam kung buhay pa si Catherine Camilon o patay, ngunit umaasa pa rin ang kanyang mga kamag-anak sa magandang balita na nabubuhay pa ito.


Nag-aalok sila ng P250,000 sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa eksaktong lokasyon ni Catherine Camilon na huling nakitang naglalakad sa loob ng isang mall.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo