Yen Santos Pinabayaang Mag-isa Si Yen Santos, May Trabaho sa Eat Bulaga

Miyerkules, Nobyembre 8, 2023

/ by Lovely


 Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang aktres na si Yen Santos na mag-isa na lamang sa kanyang pamamasyal.


Spotted sa isang mall ang aktres na si Yen Santos na mag-isang namimili ng gadgets, ito'y sa gitna ng isyung hiwalay na sila ni Paolo Contis dahil may panibago na namang pinupormahan ang actor-host na si Paolo Contis sa katauhan ni Arra San Agustin.


Makikita sa isang larawan na ibinahagi ng isang staff ng establishment na binisita ni Yen Santos, na mag-isa lamang siya sa kanyang pamamasyal.


Dahil dito, marami ang napapatanong kung nasaan na ang boyfriend ni Yen Santos na si Paolo Contis na dati naman ay kasa-kasama ng aktres sa kanyang pamimili noong nag-didate pa lamang silang dalawa.


Samantala, lalong umingay ngayon ang mga spekulasyon na naghiwalay na sina Paolo Contis at Yen Santos dahil may panibago na namang pinupormahan ang aktor.


Tila naulit umano muli ang ginawa noon ng aktor sa kanyang mga nakakarelasyon sa tuwing nakakahanap na ng panibagong babae.


Marami naman ang nakikisimpatya ngayon kay Yen Santos dahil naging biktima na rin ito ni Paolo Contis.


Gayunpaman, nilinaw naman ni Paolo Contis sa ilang mga panayam na walang namamagitan sa kanila ni Arra San Agustin.


Ginagawa lamang umano niya ang kanyang mga sweet gestures kay Arra San Agustin base sa sketch ng kanilang show.


Sa kabila nito, marami ang kumukwestiyon na kung totoong trabaho lamang ang pagpapakita ni Paolo Contis ng sweet gestures kay Arra San Agustin, bakit maging sa likod ng kamera ay naiiba pa rin ang sweetness nina Paolo at Arra.


May mga nagsasabi pa na tila binabakuran na ngayon ni Paolo Contis ang kanyang co-hosts at hinahatid pa umano ito parati sa pag-uwi.


Sa kabilang banda, hindi pa naman nagbibigay ng pahayag si Yen Santos hinggil isyung hiwalay na sila ni Paolo Contis.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo