Dating MTRCB Member Gladys Reyes Nilaglag Si Lala Sotto?

Miyerkules, Nobyembre 8, 2023

/ by Lovely


Isa sa mga naging member of the board ng Movie and Television Review and Classification Board ang aktres na si Gladys noong si Sen. Grace Poe pa ang chairperson ng nasabing ahensya.


Naitanong kay Gladys Reyes kung ano ang kanyang opinyon sa naging isyu ng It's Showtime dahil sa pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez sa cake icing.


Matatandaan na ang insedenteng ito ang naging dahilan ng pagkakasuspinde ng It's Showtime dahil marami umanong natanggap na reklamo ang MTRCB.


Bilang dating kasapi ng MTRCB Board Member at naging hurado ng Mini Miss U segment ng It's Showtime, naitanong kay Gladys kung ano ang kanyang masasabi sa isyung ito ng It's Showtime.


Ayon kay Gladys Reyes, noon pa man nang kabilang pa siya sa committee ay hindi umano maaring bawiin maging ng Chairperson ang napagdesisyunan na.


Gayunpaman, naniniwala pa rin si Gladys Reyes na may opportunity sa bawat nangyayari.


May maganda namang nangyari sa mga hosts ng show dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na makapag relax at makapagbonding.


Samantala, sinabi ni Gladys Reyes na may mga nagawa na in the past ang mga noontime shows kaya naman ginagawa ng MTRCB ang mga desisyon kapag nakatanggap sila ng reklamo kagaya nang nangyari sa It's Showtime.


"Ang ginawa kasi nila, umaksyon sila dahil may nagreport may nakarating na mga report sa kanila, pinag-aralan nila iyon. Ako syempre I can only speak noong mga panahon namin.


"Sa ngayon syempre hindi ko naman ilalagay ang sarili ko sa kanila kasi baka may naiba na sa mga ruling at kung paano ang pagpataw ng suspension siguro, kaya naman nila sinuspend.


"Kung may makikita rin sila sa ibang programa, I think, isususpend din nila."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo