Paolo Contis, Arra San Agustin Susunod Na AlDub ng Eat Bulaga

Miyerkules, Nobyembre 8, 2023

/ by Lovely


 Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang Eat Bulaga hosts na sina Paolo Contis at Arra San Agustin dahil sa pagpapakita nila ng sweet moments sa harap ng kamera.


Tumaas ang kilay ng ilang mga netizens nang mapansin na tila naiiba ang turing ni Paolo Contis kay Arra San Agustin sa lahat ng mga host sa noontime show na Eat Bulaga.


Agad na binatikos si Paolo sa pagiging extra sweet at caring niya kay Arra San Agustin dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang kanyang controversial na relasyon sa aktres na si Yen Santos.


Samantala, sa isang panayam nilinaw naman umano ni Paolo Contis na walang namamagitan sa kanila ni Arra San Agustin. Ang kanilang mga ginagawa ay para lamang umano sa kanilang show.


Dahil dito, hinala ng mga netizens na tila kinukondisyon na umano ngayon ng Eat Bulaga sina Paolo Contis at Arra San Agustin na maging susunod na AlDub.


Matatandaan na naging phenominal ang loveteam na nagmula sa Kalye Serye ng Eat Bulaga na tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza noong 2015. Nakakuha rin ng world record ang show dahil sa tambalan ng dalawa.


Ito rin ang paniniwala ng  beteranong kolumnista na si Cristy Fermin, posibleng gusto ng umano ng Eat Bulaga na gayahin ang kanilang tagumpay noong 2015 sa gitna ng higpit na rating contest sa pagitan nila at ng iba pang noontime shows.


Subalit, naniniwala si Manay Cristy Fermin na hindi magtatagumpay ang tambalan nina Paolo Contis at Arra San Agustin.


“Kung gimik ito na mala-AlDub dahil nagtagumpay ang Eat Bulaga noon dahil kina Alden Richards at Maine Mendoza, hindi na po ito panahon na ganoon. Ibang klase na po ang labanan ngayon. Alam na nating kumilatis kung ano ang de-color at kung ano ang puti,”” pahayag ni Manay Cristy Fermin. 


Sa kabilang banda, may mga naniniwala naman na totoong may relasyon na sina Paolo Contis at Arra San Agustin na hindi lamang nila inamin sa publiko.


Matatandaang mahigpit ding pinabulaanan noon nina Yen Santos at Paolo Contis ang kanilang relasyon kung saan iginigiit nila sa pagtatanong ng media na magkaibigan lamang sila.


Ngayon, ang show naman na Eat Bulaga ang dinadahilan ni Paolo Contis para pabulaanan ang relasyon nila ni Arra San Agustin.


Samantala, hindi naman nagbibigay ng pahayag ang nobya ni Paolo Contis na si Yen Santos patungkol sa isyu.


Narito naman ang komento ng ilang mga netizens.


"Kung ako tatawanan kita Yen aba syempre ngayon alam mo na kung gano kasakit ang maagawan diba buti nga yan sayo kasi ikaw ang dahilan bat nasira ang pamilya nila noon"


"mali naging instrument lang si yen para mapatunayan kung gaanunkawang kwenta si guy. Biktima din siya kasi naniwala at pinaasa. Swerte si lj kasi nakahanap na siya ng guy na desrve niya"


"true saklap mga kapwa babae pa ang nagdodown sa kapwa babae the thing is un lalaki talaga ang homewrecker at salbahe at hindi c yen.. kawawang yen bugbog na bugbog na nga tapos sinasaktan pa ng lalaki emotionally i feel sorry for her."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo