Rendon Labador Napahiya Kay Vice Ganda!

Walang komento

Martes, Nobyembre 7, 2023


 Muli na namang binanatan ng social media personality at self proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kanyang panibagong Facebook account.


Matatandaan na bago na unpublished ang Facebook page ni Rendon Labador, ilang beses muna niya binanatan si Vice Ganda at tinawag ng kung ano-ano.


Nagsimula ang labis na pambabatikos ni Rendon Labador kina Vice Ganda at Ion Perez nang hindi niya magustuhan ang paraan ng pagkain ng mga ito sa cake icing.


Kabilang din si Rendon Labador sa mga hayagang tumawag sa attention ng MTRCB upang aksyunan nila ang tinatawag niyang kahayupan ng mga host sa show at sa harap pa mismo ng kanilang mga batang guest sa show.


Samantala, muling pinuna ni Rendon Labador ang naging hand gesture ni Vice Ganda dahil nag dirty finger umano ito sa It's Showtime.


Subalit tila napahiya ang social media personality nang mapag-alaman na ang ibinahagi niyang larawan ay kuha noon pang nagdaang taon.


Agad naman itong binura ni Rendon Labador nang mapagtanto niya ang kanyang pagkakamali.


Sa kanyang Facebook stories, nagbigay ng pahayag si Rendon patungkol sa kanyang pagkakamali.


“Deleted ang Vice dirty finger post.. So alam ninyo na? nagbago na ako pero huwag pa rin kayon magkakamali dahil itatama ko pa rin kayo.”


Dagdag pa ni Rendon Labador, “Huwag kayong kampante.”


Ipinunto pa ni Rendon Labador na bagama't matagal na ang video na iyon ni Vice Ganda, mali pa rin ang ginawa nito sa show.


Iginiit pa niya na hindi nabubura ng panahon ang pagkakamali ng isang tao.


Gayunpaman, napagpasyahan umano ni Rendon na burahin na lamang ang video na ito ni Vice Ganda dahil napagtanto niya na nagbago na pala siya.


"Kahit ilang taon na ang nakalipas, mali parin yun. Hindi tumatama ang mga mali dahil lang sa tagal ng panahon."


"Ni-remove ko nalang dahil bigla kung naalala na nagbago na pala ako."


Matatandaan na kamakailan lamang ay inamin ni Rendon Labador na sa lahat ng mga celebrities na binanatan niya ay si Vice Ganda ang pinakamalakas dahil nabura ang kanyang account dahil sa mass reporting.


Hindi tumigil ang mga fans noon ni Vice Ganda sa pareport sa kanyang mga naging contents hanggang sa tuluyan nang binura ng Meta ang kanyang Facebook account.


Sa kabilang banda, ibinahagi ni Rendon na nagkaayos at okay na umano sila ni Vice Ganda dahil nakahingi na siya ng paumanhin rito.


Ipinahayag naman ni Vice Ganda na wala siyang personal na galit sa Unkabogable Star.


Iginiit lamang niya na trabaho lamang ang kanyang ginawa. Sa kabilang banda, ipinahayag naman ni Rendon ang kanyang pagbabago na nakapagpagaan umano sa kanyang pakiramdam.






Awkward Moment Sa Event Na Last Spotted Sina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati

Walang komento


 Umaani ngayon ng samu't-saring komento mula sa mga netizens at followers nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ang kumakalat na larawan kung saan magsama sila sa isang event ni Vito Selma.


Kamakailan lamang ay naging mainit na usapin sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment new sites ang balitang nagkahiwalay na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


Nag-ugat ang isyu nang mapansin ng kanilang mga fans na tila nanahimik ang dalawa sa social media. Ikinabahala ito ng kanilang mga tagahanga dahil noon pa man ay ipinapakita nila sa kanilang mga tagsuporta ang kanilang pagmamahalan sa pamamagitan ng mga social media post.


Sa gitna nang usaping ito, lumutang ang isang post kung saan nagkasama sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa isang event.


Sa isang Facebook post ni Vito Sema, ibinahagi niya ang mga larawan ng mga artistang nagpunta sa kanyang launching.


“It’s been a week and we’re still on a cloud. Sarah Lahbati Gutierrez, Casa Selma PH and I are so grateful for everyone that came to visit. 2 years of work lead to the Manila FAME launch but it’s only the beginning. We have many more surprises from this collection that was inspired from a life by the sea,” caption ni Selma sa kanyang post.


Subalit, lalo lamang itong ikinabahala ng kanilang mga tagasuporta dahil tila may nabago umano sa kanila. Ramdam na ramdam na umano ang kanilang awkwardness na tila ba ayaw nilang maglapit.


“I’m not an expert… Pero yung body gesture nila sa picture nato parang hindi sila ganun ka okay talaga… Just my opinion po.”


“Very good point. Parang distant si Sarah. Compare this photo to the one with Derek Ramsay and Ellen Adarna.”


Gayunpaman, may mga nakapansin na suot pa rin nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ang kanilang mga wedding rings kaya naman hinala na lamang ng nakakarami na may tampuhan lamang ang mag-asawa.





Kim Chiu, Inilibre Ang It’s Showtime Family Ng P100,000 Dinner Sa Hong Kong

Walang komento

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang naging bakasyon ng It's Showtime family sa Hong Kong na naganap noong na suspende ang kanilang show sa loob ng 12 days.


Nauna roon ang mga kasamahan ni Kim Chiu dahil bago ang pagbabakasyon nila ay nasa Los Angeles si Kim Chiu.


Samantala, sa isang vlog ibinahagi ni Kim Chiu kung magkano ang binayaran niya sa dinner nila noon sa Hong Kong.


Sa kanyang vlog, ipinakita ni kim chiu ang resibo ng binayaran niyang pagkain para sa kanyang mga kasamahan sa pamamasyal nila sa hong kong, na umabot sa mahigit p105,000.


Kahit na isa na siyang matagumpay na aktres, hindi maitago ni Kim Chiu ang pagkagulat sa halagang ibinayad niya para sa nasabing hapunan.


“ipapa-frame ko po ito. Nabutasan po tayo ng 100K,” pabirong pahayag ni Kim Chiu.


Sinabi rin ng co-host ni Kim Chiu na si Vice Ganda na ang halagang ginastos ng aktres ay maikukumpara sa isang gumastos para sa kanilang departure.


Gayunpaman, tila hindi naman ito alintana ng aktres dahil mas mahalaga sa kanya ang kanyang It's Showtime family.


“As the saying goes, family is not defined only by its last names or by blood. It is defined by commitment and by love. It’s means showing up when needed most. It means having each other’s back. It means choosing to love each other. Even on those days when you struggle to like each other. It means never giving up on each other.”


Samantala, narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens na pumuri kay Kim Chiu sa uri ng pagmamahal niya para sa kanyang It's Showtime Family.


"The suspension of your show is truly a blessing indisguise. Nabigyan lang kayo ng time to travel and make precious memories in HK. Sabi nga nasasa atin kung paano natin ihahandle yung mga bagay na binabato sa atin. And you guys, choose to make a beautiful memories out of your shows suspension. By that you guys, that family is a winner! Congrats kimmy! Super happy ng vlog na ito. Happy that you are part of it. Showtime family is 💙"


"Kimmie makes me cried and laughed at the same time and it’s true Family is love and feel ko love ng showtime family sa isat isa yes they have differences and some have more than others pero pantay pantay lang kayo sa samahan. More years to showtime family and madlang people love you guys"


"Yes Kimmy , tama lahat ng sinabi mo at kahit ang mahal ng binayaran mo sa kinain nyo , bale wala yun sa pagiging masaya mo habang kasama mo sila (showtime fam) ... God bless you Kim & stay happy & kind "




Richard Gutierrez Binasag Na Ang Katahimikan Tungkol Sa Hiwalayan Nila Ni Sarah Lahbati

Walang komento


 Usap-usapan pa rin ngayon sa social media at ilang mga entertainment news sites ang isyu ng hiwalayan ng celebrty couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.


Ayon sa mga naglabasang mga haka-haka, ang pinag-ugatan ng hiwalayan ng mag-asawa ay ang hindi pagkakasundo ng kanilang mga magulang na noon pa man ay mayroon nang isyu.


Lalo pang lumakas ang isyung ito nang hindi na namamataang nagkakasama ang dalawa sa mahahalagang okasyon.


Napag-usapan din ang isyu ng hiwalayan nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa showbiz oriented vlog nina Manay Cristy Fermin, Wendell Alvarez, at Romel Chika.


Sa isang episode ng Showbiz Now Na, kamakailan naisiwalat nila na isa si Annabelle Rama sa mga itinuturong dahilan sa hiwalayan ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.


Bagama't wala pa namang kumpirmasyon, usap-usapan na hiwalay na sa asawa ang isa sa mga anak ni Annabelle Rama na si Richard Gutierrez.


Nag-umpisa ang mga bulong-bulungan ng mapansin ng kanilang mga followers na hindi na nagsasama sa iisang larawan sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


Tanging mga anak na lamang nila ang sinasama nila sa larawan. Kapansin-pansin din na tila hindi nila sabay na pinagdidiriwang ang mga okasyon na dati naman ay nagsasama sila.


Isa mga mga pinaghihinalaan ng mga netizens na naging dahilan ng hiwalayan ay ang hindi umano pagkakaunawaan ng mga ina nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


Ayon kay Cristy Fermin, may mga mababalikan ang netizens dahil may history na pala ang mga magulang ng dalawa.


"May history naman pala, kaya maari nating balikan."


Sinegundahan naman ito ng mga kasamahan ni Cristy Fermin kung saan ipinahayag nilang binabalikan na ngayon ng mga tao ang nagdaang isyu sa pagit ng mga ina nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.


Naging usap-usapan noon na umano'y nakikialam si Annabelle Rama sa desisyon nang mag-asawa na pinalagan naman ng ina ni Sarah dahil nais nitong bigyan kalayaan ang dalawa sa pagdedesisyon dahil may sarili na silang pamilya.


    Sinang-ayunan naman ni Cristy Fermin na iyon naman talaga ang tama dahil malalaki naman na ang mga ito.


"Iyon naman talaga ang tama di ba, kahit naman doon sa bible sinasabi, 'Kapag nag-asawa na ang anak, may sarili na siyang mundo. Andyan lang ang mga magulang para magpayo.' diba?"


Ayon pa sa nakarating kina Cristy Fermin, na hanggang ngayon ay nakikialam pa rin umano ang ina ni Richard Gutierrez sa desisyon nang mag-asawa kahit may mga anak na ito.


Hindi rin ito nagustuhan ni Sarah Lahbati dahil hindi na umano dapat pang manghihimasok si Annabelle dahil kaya na nila ni Richard.


Sa kabilang banda, ibinahagi din ni Manay Cristy Fermin na nakausap umano ng kanilang source si Richard Gutierrez kung saan naitanong niya rito kung totoong naghiwalay na nga sila ng kanyang asawa.


Sinagot naman umano ito ni Richard kung saan ipinahayag nito na maayos naman umano ang lahat. May mga bagay lamang umano silang ayusin at pag-usapan.


Kung pagbabasehan ang sagot ni Richard, mahihinuhang may problema nga silang dalawa ngayon ni Sarah Lahbati. Hindi pa lamang nila ito isinasapubliko dahil na rin marahil ay inaayos pa rin nila ang mga bagay-bagay sa pagitan nilang dalawa.




Michelle Dee Pinayuhan Ng Ama Tungkol Sa Paninira Sa Kanya Ng Thai Pageant Fans

Walang komento


 Nagbigay ng payo ang ama ng Miss Universe Philippines 2023 candidate Michelle Dee ang kanyang ama laban sa mga bumabatikos rito lalong-lalo na ang mga Thai pageant fans.


Hindi makakapunta sa EL Salvador ang ama ni Michelle Dee para panoorin ng personal ang paglaban ng anak dahil sa pagkakasangkot nito sa isang aksidente.


Bagama't hindi siya makakapunta sa El Salvador, buong-buo naman ang pagsuporta niya para kay Michelle. Ipinapakita at ipinapahayag niya ito sa pamamagitan ng kanyang social media posts.


Sa isang exclusive interview kay Derek Dee, ama ni Michelle Dee, ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit hindi siya nakapunta sa Grand Coronation night ng Miss Universe Philippines 2023 na naganap sa Mall of Asia Arena noong May 13, 2023.


“It’s in the news that I got into an accident that’s why I was not in her Miss Universe Philippines win in Mall of Asia Arena."


Sinabi rin niya ang naging dahilan kung bakit lumalabas na hindi niya binati ang anak sa pagkakapanalo nito sa bilang Miss Universe 2023.


“Why it looks like I didn’t greet her in her win is because I lost the password in my first Facebook account.”


“I only got my second account a few months after the contest but I greeted her in private.”


Binabalak sana ni Derek na pumunta sa El Salvador upang personal na makita at masupurtahan ang anak subalit hindi pa rin siya maaring magtravel dahil kasalukuyan pa rin siyang nagpapagaling sa tinamo niya mula sa car accident.


“I thought I would be okay for El Salvador but am not fully recovered. I am healing okay and will be back to normal in a few months,” saad pa niya.


Nagbigay din siya ng payo para sa kanyang anak sa gitna ng mga pang-iintriga at pambabatikos ng ilang mga pageant fans.


"Stay cool and don't mind the noise."


May kinalaman ang mensahe na ito ni Derek sa mga pambabatikos kay Michelle mula sa isang Thai pageant fans.


Naging personal at wala nang basehan ang paninira ng mga Thai pageant fans laban kay Michelle. Ipinagpipilitan nila na nagparetike si Michelle upang gumanda.


Pinabulaanan naman ito ng kampo ni Michelle, noon pa man ay kapansin-pansin na ang ganda nito sa pagsisimula pa lamang niya sa pagmomodelo.


Halata ring photoshopped ang mga kumakalat na larawan ni Michelle Dee mula sa mga basher sa Thailand.




Sikat Na Kapamilya Aktor Inooferan Ng Big Network

Walang komento

Lunes, Nobyembre 6, 2023


 Pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang aktor na gusto umanong kuning ng isang malaking TV network kapalit ng isang malaking halaga.


Sa isang segment ng Marisol Academy, naibahagi nila ang isang blind item patungkol sa isang aktor na nakatanggap umano ng malaking offer mula sa kabilang network katumbas ang malaking halaga ng pera.


Tila hindi naman umano matatanggihan ng aktor na ito ang inoffer sa kanya lalo pa't involved rito ang malaking halaga ng pera.


Tiyak din umanong mapag-uusapan ang gagawin nitong teleserye dahil malaking role ang kanyang gagampanan.


Gayunpaman, kung utang na loob na ang usapan hindi umano magagawa ng aktor na ito ang iwan ang network na nagpasikat sa kanya kahit pa malapit nang magtapos ang kanilang kontrata.


Samantala, sa isang panayam, ipinahayag ng aktor kung gaano siyang nagpapasalamat sa network na ito na siyang tumupad sa kanyang mga pangarap. Kaya naman nanatili siyang loyal sa Kapamilya network sa loob ng mahabang panahon.


"ito talaga ang nagbigay ng liwanag sa buhay ko. Ang laki ng utang na loob ko lahat ng mga pangarap ko. Sila yung talagang naging pangalawang magulang ko. Talagang mahal ko at hindi ko ito iiwan."


Dagdag pa niya, "Noong dati, noong walang-wala ako nitong pandemic hindi nila ako pinabayaan sila yung talagang binuhay ako. Yung mga gamit ko nainvest ko sa kanila ito."


Ayon pa sa aktor na susuklian umano niya ang nagawa ng network sa pamamagitan ng kanyang katapatan.


"Ang maibibigay ko nalang ay yung loyalty ko sa management ko at yung pagmamahal, respeto, babalik tayo. Mag-wait-wait  lang tayo, babalik tayo guys.


"Hangga't kaya I don't want to leave because they was the one who make me what I am. And I appreciate and love, everything they've done to me, they've guided me. They've given me all the projects. They change my life and as long as I can stay with them, as long as they need me, I will stay."




Ogie Diaz, Pinag Bantaan si Paolo Contis Sakaling Makipagrelasyon Kay Arra San Agustin

Walang komento


 Pinagbabantaan ng showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz ang actor-host na si Paolo Contis hinggil sa isyung kinakasangkutan nito ngayon kasama ng kanyang co-host sa Eat Bulaga na si Arra San Agustin.


Sinabi ni Ogie Diaz na bibigyan niya ng sampal si Paolo Contis kung sakaling matuklasan niya na totoong mayroong romantic relationship sila ni Arra San Agustin.


Sa kanyang online show, ipinahayag ni Ogie ang sinabi sa kanya ni Paolo Contis na  professional ang relasyon nila ni Arra at bahagi lamang ng sketch ng noontime show.


“Sinabi ni Paolo sa akin… na bahagi ng kanilang drama doon,” pahayag ni Ogie Diaz.


Gayunpaman, hindi umano siya magdadalawang isip na komprontahin si Paolo Contis kung sakaling malaman niyang nagsisinungaling ang huli sa kanya.


“Sasampalin kita Paolo! Hindi ‘yun naman ang sinabi sa’kin ni Paolo so okay, kung ‘yun ang sinabi mo edi ‘yun ang ibabalita ko,” tila pagbabanta ni Ogie Diaz.


Matatandaan na marami ang naghinala na mayroong romantic relationship sina Paolo Contis at Arra San Agustin nang kumalat sa social media ang mga sweet moment nila sa harap ng kamera.


May mga nagsasabi pa na tila binabakuran na umano ngayon ni Paolo ang kanyang co-host at palaging hinahatid sa kanilang bahay.


Sa kabilang banda, hindi pa naman nagpapalabas ng pahayag si Yen Santos ang kasalukuyang girlfriend ni Paolo Contis.




Nawat Itsaragrisil TInawag Na worst Beauty Queen si MJ Lastimosa

Walang komento


 Binatikos rin ni Mr. Nawat Itsaragrisil ang Miss Universe Philippines 2014 na si MJ Lastimosa ang sinabihang pang 'the worst beauty queen of the Philippines'.


Agad na nakarating kay Mr. Nawat Itsaragrisil ang isang vlog ni MJ Lastimosa kung saan kinapanayam niya si Maki Gingoyon.


Kabilang sa mga naitanong ni MJ Lastimosa rito ay kung ano ang worst beauty pageant dito sa Pilipinas. Agad naman itong sinagot ni Maki na 'Miss Grand'.


Ipinahayag pa ni Maki na para sa kanya ang worst pageant ay Miss Grand Philippines at Miss Grand International. Matapos ang pahayag ni Maki nagtawanan naman sila ni MJ Lastimosa.


Ikinagalit naman ni Mr. Nawat Itsaragrisil ang naging vlog ni MJ Lastimosa lalo na ang pagtatawanan nila habang sinasabing Miss Grand ang worst pageant.


Dahil sa naging vlog ni MJ Lastimosa, pinutol ni Nawat ang kanilang ugnayan at kanilang pagkakaibigan.


Pinagbawalan na din ni Nawat si MJ Lastimosa na pumunta sa MGI pageants.


“If it true, I don’t. It’s not true. I got the prize. I got best beauty pageant of the year. I have a good production. But you do that like this. I think we are no more, any more relationship in between MJ and our organization and myself.


“Don’t come to Miss Grand anymore. Okay? We don’t know each other from now. I don’t want to meet the people like you. It’s below standard. It’s not sincere,” saad ni Mr. Nawat Itsaragrisil.


Kinuntra rin ni Nawat ang naging pahayag nina MJ Lastimosa na worst pageant ang kanyang Miss Grand International.


“Oh my God, everybody say MJ. Thank you,” pahayag ni Nawat habang pumapalakpak.


“My question is who is the worst beauty queen from Philippine, you answer a lot MJ… She will sad, Filipino say MJ [is the worst]… I agree,” dagdag pa niya.



Alex Gonzaga Inamin Na IVF Procedure Ang Second Pregnancy Nila Ni Mikee Morada

Walang komento


 Marami ang nalungkot at naawa sa sinapit ng actress-TV host, vlogger na si Alex Gonzaga dahil muling nalaglag sa ikalawang pagkakataon ang kanyang ipinagbubuntis.


Ibinahagi ni Alex Gonzaga ang lahat ng mga pinagdaanan niyang hirap at sakit sa unang pagkakataon sa vlog mismo ng kanyang ate na si Toni Gonzaga.


Sa pagbabalik ni Toni Gonzaga sa Toni Talks, unang kinapanayam niya ang kanyang nakababating kapatid na si Alex.


Napag-usapan nila sa pagkakataong ito ang dalawang beses nang pagkalaglag ng pinagbubuntis ni Alex.


Unang nakunan si Alex Gonzaga noong October 2021 labis itong ikinalungkot ni Alex. Gayunpaman, hindi tumigil ang mag-asawa sa pagsubok na makabuo muli.


Subalit, nitong October 2023, muli na naman nakunan sa ikalawang pagkakataon si Alex Gonzaga.


Ang ikinagulat pa ng marami ang inamin ni Alex na hindi naturally conceived ang pangalawang anak nila ni Mikee. Gumamit umano sila ng science, sa pamamagitan ng IVF procedure.


Ipinahayag pa ni Alex ang pressure na pinagdadaanan niya mula sa mga tao sa kanyang paligid at mga pinagdaanang isyu lalo na noong nakaraang kaarawan niya.


“Nung time na iyon kasi naisip ko talaga na I’m so pressured na. Pressured na ako sa mga tao na, ‘Uy, hindi pa ba manganganak iyan?’ Tapos siyempre, yung nangyari sa akin this year dun sa birthday ko.


“So, parang every time na may name-meet ako sasabihin na parang, ‘Ah, mabait ka naman pala,’ na parang sabi ko, ‘Ba’t kaya naging ganun yung connotation sa akin this year?’” pag-amin ni Alex.


Nagbigay pa ng mensahe si Alex sa mga anak mula sa IVF na mahalin nila ang kanilang mga ina dahil hindi biro ang pinagdaanan nito para lamang magkaroon ng anak.


Samantala, sinabi umano sa kanila ng kanilang doktor na nasa 50% hanggang 60% chances lamang ang sucessful rate ng isinagawa nilang procedure.


Sa kabila ng kanilang pinagdadaanan, ipinakita naman ni Mikee ang pagsuporta kay Alex.




Untold Story! Daniel Padilla, Andrea Brillantes past Issue, Pinagseselosan Ni Kathryn Bernardo

Walang komento


Kabilang sa mga napag-usapan sa kamakailang showbiz oriented vlog nina Ogie Diaz sa kanilang YouTube channel ang naging pahayag ng mga magulang ni Ricci Rivero hinggil sa naging hiwalayan noon nina Ricci at Andrea Brillantes.


Ayon sa isang komento ng netizen, patuloy pa rin umanong nakikipagkita si Andrea Brillantes sa kanyang ex boyfriend habang sila pa ni Ricci Rivero. Ito rin umano ang totoong dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawa.


Dahil dito, marami ang nag-iisip ng hindi maganda kay Andrea Brillantes.


Samantala, sa kamakailang vlog ni Ogie Diaz, nabanggit niya na may isang taga-ABS-CBN na nakipagpustahan sa kanya na hindi papayag si Kathryn na makasama sa iisang proyekto si Andrea Brillantes.


Kasunod nito, muling naungkat ang naging isyu noon nina Daniel Padilla at Andrea Brillantes.


"So may nag tsika sa akin, pustahan daw kami, hindi papayag si Kathryn Bernardo na makasama sa pelikula si Andrea Brillantes."


Matatandaan na noong interview kay Andrea Brillantes noong 2013, habang 10 years old pa lamang ito, hayagan niyang inamin na super crush niya si Daniel Padilla.


Hinahabol pa ito noon ng aktres para lamang magpapicture.


“Kinilig po ako noon dahil naka akbay si Kuya Daniel sa akin, tapos kiniss niya ako sa noo,” pag-amin noon ni Andrea.


Sinabi naman ni Andrea noon na bagama't may crush siya kay Daniel Padilla magpopokus muna siya sa kaniyang career dahil 10 years old pa lamang siya.


Ngayong nasa tamang gulang na si Andrea Brillantes, muling naungkat ang isyu sa pagitan nila ni Daniel Padilla.


Matatandaan na noong 2022 naging matunog ang isang blind item na tinago sa initials na DP at KB. Isang celebrity couple a umano'y nagkakalabuan nang mahuli umano ng actress na si KB ang aktor na si DP na palihim na nakipagkita sa aktres na si AB.


Malakas ang hinala ng mga netizens na ang tinutukoy sa blind items ay walang iba kundi sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo at Andrea Brillantes.


Matatandaan na kumalat din noon ang intriga na si Andrea Brillantes ang naging dahilan ng tampuhan ng celebrity couple noon.


Subalit, pinabulaanan naman ito nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pamamagitan ni MJ Felipe.


“Spoke to two very reliable sources close to Kathryn & Daniel.


“Netizens have been mentioning the couple after a blind item, coincidentally with their initials, came out that a certain loveteam have decided to call it quits.


“Both sources vehemently denied the rumors.”


Sa kabilang banda, dahil sa mga isiniwalat ni Ogie Diaz sa kanyang vlog patungkol sa hindi papayag si Kathryn na masama sa iisang pelikula si Andrea Brillantes, hinala ng mga netizens na totoo ang naging isyu noon.


May mga naglabasang intriga na may namamagitan nga kina Andrea Brillantes at Daniel Padilla noon na hanggang ngayon ay apektado pa rin si Kathryn.


Maging ang pag-amin noon ni Seth Fedelin sa pagseselos niya kay Daniel Padilla at iniugnay na rin ngayon ng mga netizens sa isyu.



 

Karla Estrada Binuking Na Hiwalay Na Si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

Walang komento


 Nabahala ang mga KathNiel fans nang muling pumutok ang balitang naghiwalay na ang longtime celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Ayon sa mga kumakalat na haka-haka sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites na mahigit dalawang buwan nang hiwalay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Nag-ugat ang mga usaping ito nang sa unang pagkakataon sa loob ng matagal na nilang pagiging magrelasyon, hindi na sumasama si Daniel sa mga out of time trips ni Kathryn.


May sarili din itong lakad sa Palawan kasama ang kanya out of showbiz friends.


May mga nagdududa naman sa balitang ito kung saan sinasabi nila na kung totoong naghiwalay na ang dalawa bakit nanatiling tahimik sila.


May naghinala naman na nanahimik muna ang dalawa sa kanilang paghihiwalay upang hindi mabigla ang kanilang mga fans ngayong may upcoming silang mga projects.


Dagdag pa sa hinalang ito ng mga netizens ay ang pagpunta ni Kathryn nang mag-isa sa nakaraang The Corrs concert.


Hindi rin nakasama ni Kathryn si Daniel sa kamakailang pagbabakasyon nito Indonesia.


“Hiwalay na talaga sila matagal na hindi pa lang nila masabi ngayon kasi may mga solo pa sila pelikula at may mga endo pa silang gagawin.. 


“pero wala na talaga sila marami na ang nagsasabi kasi hindi na sila nagsasama kahit nung sa magic ball hindi na din sila magkasabay naglakad kahit nung uwian na hindi pa din sila magkasama si DJ nalang umuwi mag-isa wala na si Kath pati don sa party hindi na din sila magkatabi. Kung sino-sino na lang kausap nila pareho,” komento ng isang netizen.


Samantala, ayon sa isang malapit na kaibigan ni Karla Estrada, tinanong umano ng aktres ang anak hinggil sa mga kumakalat na balitang naghiwalay na sila ni Kathryn.


Hindi naman umano ito sinagot ni Daniel Padilla.




Leren Mae Bautista, Nagsalita Tungkol Sa Relasyon Nila Ni Ricci Rivero

Walang komento


 Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang relasyon nina Leren Mae Bautista at Ricci Rivero.


Naging kontrobersyal ang relasyon ng dalawa dahil nauna na silang nalink nang maghiwalay noon sina Ricci Rivero at Andrea Brillantes.


Nag-viral din noon sa social media ang mga larawan na kuha umano mula sa condo unit ni Ricci Rivero. Si Leren Mae ang tinuturo ng marami na babae ni Ricci Rivero na naging dahilan ng hiwalayan noon nila ni Andrea Brillantes.


Gayunpaman, nilinaw noon nina Leren Mae Bautista at Ricci Rivero na wala silang relasyon. Ipinagdidiinan pa ni Ricci Rivero na hindi naman sa kanya ang babaeng nadatnan ni Andrea Brillantes sa kanyang condo.


Iginiit din ni Ricci na hindi si Leren Mae ang babae. Sa kabilang banda, naglabas naman ng pahayag noon ang kampo ni Leren Mae kung saan pinabulaanan nila ang isyu na may relasyon ang konsehala at si Ricci Rivero.


Subalit, matapos ang ilang linggo lumutang ang mga larawan kung saan sweet na magkasama sina Leren Mae at Ricci Rivero.


Makalipas ang ilang araw, tuluyan nang inamin ni Ricci ang kanilang relasyon.


Dahil dito, hindi napigilan ng ilang mga netizens na batikusin sina Ricci Rivero at Leren Mae Bautista. Tinatawag sila bilang ang manloloko at mang-aagaw.


Gayunpaman, pilit na pinabubulaanan ito ng mga pamilya at maging ni Ricci Rivero.


Ipinagdidiinan ni Ricci na matagal na silang naghiwalay ni Andrea Brillantes kaya naman hindi umano maituturing na cheater siya at mang-aagaw naman si Leren Mae.


Samantala ibinahagi naman ni Leren Mae Bautista sa kanyang social media post ang panonood nila ni Ricci Rivero sa kamakailang concert ni Gary Valenciano.


Ipinahayag ni Leren Mae na wala silang dapat ikabahala dahil alam umano ng Diyos ang lahat nang nangyayari.


“You came at the right time in my life. God knows the truth. We don’t have to defend ourselves anymore.”


“Ang mahalaga alam natin ang totoo,” caption ni Leren Mae sa kanyang post kalakip ang clip ng pagkanta ni Gary  V. sa How Did You Know.


Sa kabilang banda, maging ang ama ni Ricci Rivero ay dumipensa na rin sa naging relasyon ngayon ng anak at ni Leren Mae Bautista.


“You can guys can say anything but in the end our family can still go to bed and have a good sleep because we know KUNG SINO ANG SINUNGALING AT SINO ANG GUMAGAWA NG KWENTO AT PA-PANIWALAIN ANG MGA TAGA SUPORTA and asking others to spread false information just to gain sympathy. She might not be taking in public but definitely asking her friends to post and spread false rumors, alam mo yan iha,” depensa ng ama ni Ricci Rivero.




MJ Lastimosa Nagsalita Na Kaugnay Sa Mga Pahayag Ng MGI Founder Na Si Nawat Itsaragrisil

Walang komento


 Sinagot ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa si Miss Grand International President Nawat Itsaragrisil, na kamakailan lamang ay labis na bumatikos sa kanya at tinapos ang kanilang pagkakaibigan. 


Tila labis na nadismaya ang Miss Grand International founder na si Nawat Itsaragrisil kay MJ Lastimosa sa pagtawa ng huli nang sabihin ng kanyang guest na si Maki, na ang worst beauty pageant ay ang Miss Grand, mapa Philippines man o International.


Sa isang Facebook live ipinahayg ni Nawat Itsaragrisil ang kanyang disappointment kay MJ Lastimosa.


Ibinahagi pa ng founder na sinabi noon ni MJ sa kanya na number one pageant ang Miss Grand noong may hinihingi itong pabor sa kanya.


Hiniling umano ni MJ Lastimosa sa kanya na kapanayamin ang mga kandidata ng Miss Grand International at maging siya mismo.


“I met her many times. I’m really friendly and offer her a lot of things. She always said, ‘O, Miss Grand is number one and the huge production.’ So, that’s why last year she fly, buy her own ticket to Indonesia, and ask me favor the ticket, favor going inside backstage to doing the clip or interview, even interview myself,” pagbubulgar ni Nawat.


Ipinahayag din ni Mr. Nawat na ilang beses niyang tinulungan noon si MJ Lastimosa dahil sa pagiging magkaibigan nilang dalawa.


“I help her everything because I’m friendly and appreciate in that time because I think if friend it must be better than others. So when I went to Manila, anytime we keep calling, we are the good friend and I help her a lot."


Ibinulgar pa ni Mr. Nawat na nito lamang katatapos na Miss Grand International na ginanap sa Vietnam ay nakasama at nakausap pa niya si MJ Lastimosa kung saan ipinahayag umano nito kung gaano ka ganda at number one pageant ang Miss Grand.


“Even this year in Vietnam, she come to Ho Chi Minh, she came to Ho Chi Minh, she came to watch Miss Grand. Before she leave from the hotel, Rex Hotel, at the lobby. I meet her at the lobby before she leave. A couple day after coronation night, we say, ‘Oh, I love you. I like Miss Grand. Miss Grand is okay, number one.'”


Bukod pa rito napagpasyahan ni Nawat na iban na ng tuluyan si MJ Lastimosa sa kanyang pageant at tinapos na rin niya ang kanilang ugnayan.


“If it true, I don’t. It’s not true. I got the prize. I got best beauty pageant of the year. I have a good production. But you do that like this. I think we are no more, any more relationship in between MJ and our organization and myself.”


“Don’t come to Miss Grand anymore. Okay? We don’t know each other from now. I don’t want to meet the people like you. It’s below standard. It’s not sincere.”


Samantala, sinagot na ni MJ Lastimosa ang naging banat ni Nawat Itsaragrisil laban sa kanya. Ipinaalala ni MJ Lastimosa na may disclaimer naman ang kanyang programa kung saan nakasaad na ang opinyon ng kanyang mga guests ay walang kinalaman sa kanila.


“May disclaimer naman yung show namin mare baka kelangan lang itranslate , pagod ang kumare nyo,” caption ni MJ Lastimosa sa kanyang Facebook post.


Narito naman ang nakalagay na disclaimer sa post ni MJ Lastimosa.


“The views and opinions expressed in this program are those of the guests and do not necessarily reflect the views or positions of the hosts, the production and its management.”


Narito naman ang ilang komento mula sa mga followers ni MJ Lastimosa.


"Nawat will never understand a simple disclaimer. His english comprehension is at lowest level"


"Mareng Merijin wala ka dapat i-explain. Ganyan talaga pag walang utak react ng react sa mga bagay kahit meron namang maayos na explanation. "


"Angkol's level of comprehension and professionalism is 10 feet below the ground."



Kim Chiu, Nagsalita Na Tungkol Sa Rumored Breakup Nila Ni Xian Lim

Walang komento

 

Marami sa mga KimXi fans ang nabahala nang ilang linggo nang hindi namamatan na nagkasama sina Xian Lim at Kim Chiu mula noong ABS-CBN's Ball hanggang nitong Holloween.


Maging sa kani-kanilang mga social media accounts ay wala rin silang ginawang posts patungkol sa kanilang dalawa.


Napansin pa ng ilang mga netizens na hindi na nila-like nina Kim Chiu at Xian Lim ang ginagawa nilang post.


May mga nagsasabi naman na low key lamang ang relasyon ng dalawa upang hindi maapektuhan ang kani-kanilang mga showbiz career. 


Nagsimula ang mga usap-usapan patungkol sa diumano'y break up ng longtime celebrity couple na sina Kim Chiu at     Xian Lim nang maging madalang ang pagkikita nilang dalawa.


Maging sa mga pagbabakasyon ay nagso-solo na lamang si Kim Chiu o di kaya ay kasama niya ang kanyang mga kaibigan, gayundin naman si Xian Lim.


Samantala sa kamakailang media con para sa serye na pinagbibidahan ni Kim Chiu na Linlang, hayagang naitanong sa kanya kung ano na ang estado ng relasyon nila ni Xian.


"Kayo talaga, baka nalilinlang lang kayo."





Nilinaw din ni Kim Chiu sa nasabing media conference na hindi totoo ang kumakalat na tsismis na umano'y on the rocks na ang relasyon nila ni Xian Lim.


"Okay naman po kami ni Xi."


Paglilinaw pa ni Kim Chiu, "Mapanlinlang ang showbiz pero maayos naman. Masaya naman po kami."


Samantala, noong November 2, 2023 episode ng It's Showtime, naitanong ni Vice Ganda kay Kim Chiu kung sino ang nagpapasaya sa kanya.


Agad naman itong sinagot ni Kim Chiu na ang nagpapasaya sa kanya ay ang kanyang mga kamag-anak at pamilya.


Kalaunan sa kanilang pag-uusap muling tinanong ni Vice Ganda si Kim Chiu kung ano ang kulang sa kanya.


Agad naman itong sinagot ni Kim Chiu kung saan sinabi niyang kulang siya kapag walang usap.


“Kulang ‘pag walang usap. Because in everything that we do, communication is the key.”


Muli pang tinanong ni Vice Ganda si Kim Chiu kung sino ang gusto niyang makausap iyong pakiramdam na hindi buo ang araw kung hindi umano sila nagkakausap.


Sinagot naman ni Kim Chiu na ang kanyang pamilya at si Xi.


Matatandaan na mag-isa lamang na dumalo noon si Xian Lim sa Preview Ball 2023 habang mag-isa ring rumampa si Kim Chiu sa ABS-CBN's Ball 2023.


Nilinaw naman kaagad ni Kim Chiu noon na nasa India si Xian noong ABS-CBN's Ball kaya hindi siya nito nasamahan. Nilinaw din ng aktres na maayos naman itong nagpaalam sa kanya sa pagpunta sa India kasama ang kanyang mga kaibigan upang mag-motor.


"Nasa India siya, kasama niya yung mga friends niya, nag-motor. Noong na-schedule, na-timing sa ball. Sabi ko sige, go lang."


Hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na napabalitang nagkahiwalay ang dalawa.


Taong 2012 unang napabalita ang padi-date ng dalawa. Taong 2015 naman nang inamin ni Kim Chiu na may romantic relationship na sila.




Paolo Contis, Sinabing 'Friend' Lang Sila Ni Arra San Agustin

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa mga netizens ang umano'y namumuong relasyon ng Eat Bulaga host na sina Paolo Contis at Arra San Agustin.


Trending ngayon sa social media ang ilang mga video clips na kuha mula sa noontime show na Eat Bulaga kung saan kapansin-pansin ang closeness nina Paolo Contis at Arra San Agustin.


Marami ang naghinala na may namumuo nang relasyon sa pagitan ng dalawa dahil palaging nakaalalay si Paolo Contis kay Arra San Agustin na hindi naman niya ginagawa sa iba pang mga host sa kanilang show.


Hindi ito nagustuhan ng mga maraming netizens lalo pa't hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang relasyon nina Paolo Contis at Yen Santos.


Bukod pa rito hindi rin maganda ang naging history ni Paolo Contis sa mga nauna pang babae na kanyang nakarelasyon.


Sa kabilang banda, may mga naghinala naman na ginagawa lamang ito nina Paolo Contis at Arra San Agustin para umingay ang kanilang show.


May mga nagsasabi naman na nagbabalak si Paolo Contis na makipag-loveteam kay Arra San Agustin.


Gayunpaman, hindi pa rin nagugustuhan ng mga netizens ang ginagawa ni Paolo Contis dahil sa naging track record niya sa mga naunang nakarelasyon at sa kanyang current girlfriend na si Yen Santos.


Bukod pa rito, pinupuna rin ng ilang manonood ng Eat Bulaga na hindi na umano angkop sa programa ang mga ginagawa nina Paolo Contis at Arra San Agustin.


May ilan pang hayagan nang tinawag ang atensyon ng Movie and Television Review and Classification Board chairperson na si Lala Sotto dahil sa patuloy na pananahimik nila sa isyu gayung lumalampas na umano sa boundaries sina Paolo Contis at Arra San Agustin.


Sa kabilang banda, nagbigay na ng reaction si Paolo Contis hinggil sa pang-iintriga sa kanila ng mga netizens.


Sa isang panayam, nagkibit balikat lamang si Paolo Contis nang matanong sa kanya kung ano ang real score sa pagitan nila ni Arra San Agustin.


Nilinaw din niya na ang mga ginawa nila sa show ay nauna nang nakunan.


May paglilinaw din si Paolo Contis sa video clips nila ni Arra San Agustin na kuha mula sa isang gym na pinapalabas na magkasama silang dalawa na mag-work out.


“Sana kinunan nila yung buong grupo, hindi yung kaming dalawa lang. Lahat kami nag-gym.”


Samantala, narito naman ang ilang mga komento mula sa mga netizens na patuloy pa ring naghinala na may namumuong romantic relationship nina Paolo Contis at Arra San Agustin.


“Kabahan kana Yen.. ang friend mo kinikilig na naman sa iba.”


“Sayang ka Arra pagpinatulan mo yan si Paolo.”


“Hello MTRCB unfair naman sa showtime yarn”




Richard Gutierrez at Sarah Lahbati 'Love Story' Ganito Nagsimula

Walang komento

Biyernes, Nobyembre 3, 2023


 Trending ngayon sa social media ang hiwalayan isyu ng celebrity couple na sina Richard Guttierrez at Sarah Lahbati.  Bagama't hindi naman kumpirmado ang isyung ito dahil wala ni isa man sa mag-asawa ang nagsasalita hinggil sa isyu. 


Samantala ating balikan ang kanilang kwentong pag-ibig na kinakiligan ng maraming netizens. 


Si Sarah Lahbati ay isa sa mga artistang masasabing may natural na ganda noon pa man. Kaya naman nakitaan ng opportunity sa pagiging artista sa murang edad.  


Si Sarah Lahbati ay ipinanganak sa Geneva Switzerland ng filipina mother. ang kanayng ama naman ay isang Morrocan. Sa Switzerland nanatili at lumaki si Sarah Lahbati subalit, paminsan-minsan ay nagbabakasyon siya sa Pilipinas. 


Dumating naman ang pagkakataon  na nakapagdesisyon ang kanyang mga magulag na dumito na lamang siya sa Pilipinas at ipagpatuloy ang pag-aaral. 


Kalaunan, nagkaroon ng interes si Sarah sa showbiz at madalas na nagpupunta sa mga audition para  sa mga tv commericals. Noong 2009 napabilang si Sarah sa mga finalist ng Starstruck season 5 kung saan siya ang nagwagi bilang ultimate female  survivor. Mula rito ay nabigyan na si Sarah ng pagkakataon na mas makilala sa showbiz. 


Si Richard naman ay kilala na showbiz noon pa man. Bukod sa pagiging Gutierrez, nagpakita rin siya ng husay sa kanyang acting career kung saan ilang beses na rin siyang naging leading man sa mga teleserye at mga pelikulla. 


Taong 2012, nagtagpo ang landas nina Richard at Sarah sa teleserye ng GMA7 na 'Makapiling Kang Muli'. Supporting female actress lang si Sarah sa palabas na ito sapagkat ang bumida rito ay si Carla bilang leading lady ni Richard. 


Nagkaroon ng magandang pagtitinginan sina Richard at Sarah habang ginagawa ang naturang serye pero ayon sa kanilang panayam bago pa man sila nagkasama sa trabaho, crush na nila ang isa't-isa. 


Sa panahong ito agad na niligawan ni Ricahrd si Sarah, bago magtapos ang filming ng serye, sila ay opisyal nang naging magkasintahan. 


Inamin mismo ni Sarah sa isang panayam ang real score sa pagitan nila ni Richard. Ibinahagi rin ni Sarah na ang bakasyon sa Switzerland ay regalo ni Richard sa kanyang sa 19th birthday. Matapos lang ang tatlong buwan mula ng kanilang pag-amin, nagpaalam si sarah sa kanyang mga followers at sinabing siya ay babalik muna sa Switzerland upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. 


Hindi naniwala ang marami sa dahilan ni Sarah dahil pumutok na rin ang balitang buntis ito. Hindi naman ito kinumpirma ng magjowa at pilit na itinatanggi.


Noong June 2014, ikinagulat ng madla ang pagbubunyag ni Richard hinggil sa kanilang anak ni Sarah na si Zion. Ayon kay Richard nagpagdesisyunan nila ni Sarah na wag ipaalam sa publiko ang pagbubuntis dahil ayaw nilang maging circus ang kwento. 


Matapos ang tatlong taon, nagpropose naman si Richard kay Sarah na nangyari sa Switzerland. Kalaunan matapos ang anim na buwan, inanunsyo ng celebrity couple ang pagdating ng kanilang seond baby, dahilan para ipagpaliban muna nila ang kanilang kasal.


Natuloy naman ang kasal ng dalawa noong March 2020. Mula noon ay naging maayos naman ang kanilang pagsasama.


Sa katunayan, isa sina Richard at Sarah Lahbati sa mga couple na hindi nahihiyang ipakita ang affection nila sa isa't-isa.


Kaya naman naging palaisipan sa mga netizens kung bakit tila bigla na lamang itong nagbago ngayon.




Kylie Ipinaglaban Marriage Nila Ni Aljur, Ayaw Makipaghiwalay

Walang komento


 Sa kamakailang episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong November 3, 2023 isiniwalat ni Kylie Padilla na ipinaglaban niya hanggang sa dulo ang marriage nila ni Aljur Abrenica subalit hindi sila ipinaglaban ni Aljur.


Inilahad din ni Kylie Padilla sa nasabing episode ng programa ni Boy Abunda kung ano ang pinakaimportanteng leksiyon na natutunan niya sa naging relasyon nila ng kanyang estranged husband.


“Medyo cliché eh, but I wish nagtira ako para sa sarili ko. Kasi, I gave my all talaga,” pahayag ni Kylie Padilla.


Ipinahayag pa ni Kylie Padilla kung paano niya ipinaglaban noon ang kanilang marriage ni Aljur Abrenica sa kabila ng pagsubok na pinagdadaanan nila bilang mag-asawa.


Hindi umano siya bumitaw sa kabila ng paghihirap niya sa kanilang relasyon dahil ayaw niyang magkaroon ng broken family na katulad niya ang kanyang mga anak.


“For a time, sa relationship namin, there was a point in my life na… dadaanan n’yo talaga, as people in relationship will go through struggles, mayroon talaga, kasama talaga ‘yun.


"But because I made the promise of marriage even if sabi ko sa sarili ko, ‘Okay if I’m unhappy now and magiging ganito na ang setup namin, ipaglalaban ko pa rin para sa mga anak ko. Inubos ko… nauwi din sa hiwalayan.


“Galing ako sa broken family, so ayokong matulad like, I hate it when people say, ‘Artista ‘yan, palit-palit lang’… but people don’t know how much it hurt me,” emosyunal na pag-amin ni Kylie.


Dagdag pang pag-amin ni Kylie Padilla na kahit nahihirapan siya sa pagdaan sa postpartum stage, ipinaglaban pa rin niya at pinanindigan ang marriage nila ni Aljur subalit hindi umano ito sinuklian ng dati niyang asawa.


Nagpakasal umano si Kylie Padilla sa kabila ng hindi niya paniniwala sa kasal para lamang magkaroon ng buong pamilya ang kanyang mga anak at hindi matulad sa kanya.


Subalit sa huli ay iniwan pa rin siya at nangyari sa kanyang mga anak ang pinagdaanan niya noon nang maghiwalay rin ang kanyang mga magulang.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo