Nawat Itsaragrisil TInawag Na worst Beauty Queen si MJ Lastimosa

Lunes, Nobyembre 6, 2023

/ by Lovely


 Binatikos rin ni Mr. Nawat Itsaragrisil ang Miss Universe Philippines 2014 na si MJ Lastimosa ang sinabihang pang 'the worst beauty queen of the Philippines'.


Agad na nakarating kay Mr. Nawat Itsaragrisil ang isang vlog ni MJ Lastimosa kung saan kinapanayam niya si Maki Gingoyon.


Kabilang sa mga naitanong ni MJ Lastimosa rito ay kung ano ang worst beauty pageant dito sa Pilipinas. Agad naman itong sinagot ni Maki na 'Miss Grand'.


Ipinahayag pa ni Maki na para sa kanya ang worst pageant ay Miss Grand Philippines at Miss Grand International. Matapos ang pahayag ni Maki nagtawanan naman sila ni MJ Lastimosa.


Ikinagalit naman ni Mr. Nawat Itsaragrisil ang naging vlog ni MJ Lastimosa lalo na ang pagtatawanan nila habang sinasabing Miss Grand ang worst pageant.


Dahil sa naging vlog ni MJ Lastimosa, pinutol ni Nawat ang kanilang ugnayan at kanilang pagkakaibigan.


Pinagbawalan na din ni Nawat si MJ Lastimosa na pumunta sa MGI pageants.


“If it true, I don’t. It’s not true. I got the prize. I got best beauty pageant of the year. I have a good production. But you do that like this. I think we are no more, any more relationship in between MJ and our organization and myself.


“Don’t come to Miss Grand anymore. Okay? We don’t know each other from now. I don’t want to meet the people like you. It’s below standard. It’s not sincere,” saad ni Mr. Nawat Itsaragrisil.


Kinuntra rin ni Nawat ang naging pahayag nina MJ Lastimosa na worst pageant ang kanyang Miss Grand International.


“Oh my God, everybody say MJ. Thank you,” pahayag ni Nawat habang pumapalakpak.


“My question is who is the worst beauty queen from Philippine, you answer a lot MJ… She will sad, Filipino say MJ [is the worst]… I agree,” dagdag pa niya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo