Richard Gutierrez at Sarah Lahbati 'Love Story' Ganito Nagsimula

Biyernes, Nobyembre 3, 2023

/ by Lovely


 Trending ngayon sa social media ang hiwalayan isyu ng celebrity couple na sina Richard Guttierrez at Sarah Lahbati.  Bagama't hindi naman kumpirmado ang isyung ito dahil wala ni isa man sa mag-asawa ang nagsasalita hinggil sa isyu. 


Samantala ating balikan ang kanilang kwentong pag-ibig na kinakiligan ng maraming netizens. 


Si Sarah Lahbati ay isa sa mga artistang masasabing may natural na ganda noon pa man. Kaya naman nakitaan ng opportunity sa pagiging artista sa murang edad.  


Si Sarah Lahbati ay ipinanganak sa Geneva Switzerland ng filipina mother. ang kanayng ama naman ay isang Morrocan. Sa Switzerland nanatili at lumaki si Sarah Lahbati subalit, paminsan-minsan ay nagbabakasyon siya sa Pilipinas. 


Dumating naman ang pagkakataon  na nakapagdesisyon ang kanyang mga magulag na dumito na lamang siya sa Pilipinas at ipagpatuloy ang pag-aaral. 


Kalaunan, nagkaroon ng interes si Sarah sa showbiz at madalas na nagpupunta sa mga audition para  sa mga tv commericals. Noong 2009 napabilang si Sarah sa mga finalist ng Starstruck season 5 kung saan siya ang nagwagi bilang ultimate female  survivor. Mula rito ay nabigyan na si Sarah ng pagkakataon na mas makilala sa showbiz. 


Si Richard naman ay kilala na showbiz noon pa man. Bukod sa pagiging Gutierrez, nagpakita rin siya ng husay sa kanyang acting career kung saan ilang beses na rin siyang naging leading man sa mga teleserye at mga pelikulla. 


Taong 2012, nagtagpo ang landas nina Richard at Sarah sa teleserye ng GMA7 na 'Makapiling Kang Muli'. Supporting female actress lang si Sarah sa palabas na ito sapagkat ang bumida rito ay si Carla bilang leading lady ni Richard. 


Nagkaroon ng magandang pagtitinginan sina Richard at Sarah habang ginagawa ang naturang serye pero ayon sa kanilang panayam bago pa man sila nagkasama sa trabaho, crush na nila ang isa't-isa. 


Sa panahong ito agad na niligawan ni Ricahrd si Sarah, bago magtapos ang filming ng serye, sila ay opisyal nang naging magkasintahan. 


Inamin mismo ni Sarah sa isang panayam ang real score sa pagitan nila ni Richard. Ibinahagi rin ni Sarah na ang bakasyon sa Switzerland ay regalo ni Richard sa kanyang sa 19th birthday. Matapos lang ang tatlong buwan mula ng kanilang pag-amin, nagpaalam si sarah sa kanyang mga followers at sinabing siya ay babalik muna sa Switzerland upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. 


Hindi naniwala ang marami sa dahilan ni Sarah dahil pumutok na rin ang balitang buntis ito. Hindi naman ito kinumpirma ng magjowa at pilit na itinatanggi.


Noong June 2014, ikinagulat ng madla ang pagbubunyag ni Richard hinggil sa kanilang anak ni Sarah na si Zion. Ayon kay Richard nagpagdesisyunan nila ni Sarah na wag ipaalam sa publiko ang pagbubuntis dahil ayaw nilang maging circus ang kwento. 


Matapos ang tatlong taon, nagpropose naman si Richard kay Sarah na nangyari sa Switzerland. Kalaunan matapos ang anim na buwan, inanunsyo ng celebrity couple ang pagdating ng kanilang seond baby, dahilan para ipagpaliban muna nila ang kanilang kasal.


Natuloy naman ang kasal ng dalawa noong March 2020. Mula noon ay naging maayos naman ang kanilang pagsasama.


Sa katunayan, isa sina Richard at Sarah Lahbati sa mga couple na hindi nahihiyang ipakita ang affection nila sa isa't-isa.


Kaya naman naging palaisipan sa mga netizens kung bakit tila bigla na lamang itong nagbago ngayon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo