Richard Gutierrez Binasag Na Ang Katahimikan Tungkol Sa Hiwalayan Nila Ni Sarah Lahbati

Martes, Nobyembre 7, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan pa rin ngayon sa social media at ilang mga entertainment news sites ang isyu ng hiwalayan ng celebrty couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.


Ayon sa mga naglabasang mga haka-haka, ang pinag-ugatan ng hiwalayan ng mag-asawa ay ang hindi pagkakasundo ng kanilang mga magulang na noon pa man ay mayroon nang isyu.


Lalo pang lumakas ang isyung ito nang hindi na namamataang nagkakasama ang dalawa sa mahahalagang okasyon.


Napag-usapan din ang isyu ng hiwalayan nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa showbiz oriented vlog nina Manay Cristy Fermin, Wendell Alvarez, at Romel Chika.


Sa isang episode ng Showbiz Now Na, kamakailan naisiwalat nila na isa si Annabelle Rama sa mga itinuturong dahilan sa hiwalayan ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.


Bagama't wala pa namang kumpirmasyon, usap-usapan na hiwalay na sa asawa ang isa sa mga anak ni Annabelle Rama na si Richard Gutierrez.


Nag-umpisa ang mga bulong-bulungan ng mapansin ng kanilang mga followers na hindi na nagsasama sa iisang larawan sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


Tanging mga anak na lamang nila ang sinasama nila sa larawan. Kapansin-pansin din na tila hindi nila sabay na pinagdidiriwang ang mga okasyon na dati naman ay nagsasama sila.


Isa mga mga pinaghihinalaan ng mga netizens na naging dahilan ng hiwalayan ay ang hindi umano pagkakaunawaan ng mga ina nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


Ayon kay Cristy Fermin, may mga mababalikan ang netizens dahil may history na pala ang mga magulang ng dalawa.


"May history naman pala, kaya maari nating balikan."


Sinegundahan naman ito ng mga kasamahan ni Cristy Fermin kung saan ipinahayag nilang binabalikan na ngayon ng mga tao ang nagdaang isyu sa pagit ng mga ina nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.


Naging usap-usapan noon na umano'y nakikialam si Annabelle Rama sa desisyon nang mag-asawa na pinalagan naman ng ina ni Sarah dahil nais nitong bigyan kalayaan ang dalawa sa pagdedesisyon dahil may sarili na silang pamilya.


    Sinang-ayunan naman ni Cristy Fermin na iyon naman talaga ang tama dahil malalaki naman na ang mga ito.


"Iyon naman talaga ang tama di ba, kahit naman doon sa bible sinasabi, 'Kapag nag-asawa na ang anak, may sarili na siyang mundo. Andyan lang ang mga magulang para magpayo.' diba?"


Ayon pa sa nakarating kina Cristy Fermin, na hanggang ngayon ay nakikialam pa rin umano ang ina ni Richard Gutierrez sa desisyon nang mag-asawa kahit may mga anak na ito.


Hindi rin ito nagustuhan ni Sarah Lahbati dahil hindi na umano dapat pang manghihimasok si Annabelle dahil kaya na nila ni Richard.


Sa kabilang banda, ibinahagi din ni Manay Cristy Fermin na nakausap umano ng kanilang source si Richard Gutierrez kung saan naitanong niya rito kung totoong naghiwalay na nga sila ng kanyang asawa.


Sinagot naman umano ito ni Richard kung saan ipinahayag nito na maayos naman umano ang lahat. May mga bagay lamang umano silang ayusin at pag-usapan.


Kung pagbabasehan ang sagot ni Richard, mahihinuhang may problema nga silang dalawa ngayon ni Sarah Lahbati. Hindi pa lamang nila ito isinasapubliko dahil na rin marahil ay inaayos pa rin nila ang mga bagay-bagay sa pagitan nilang dalawa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo