Sikat Na Kapamilya Aktor Inooferan Ng Big Network

Lunes, Nobyembre 6, 2023

/ by Lovely


 Pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang aktor na gusto umanong kuning ng isang malaking TV network kapalit ng isang malaking halaga.


Sa isang segment ng Marisol Academy, naibahagi nila ang isang blind item patungkol sa isang aktor na nakatanggap umano ng malaking offer mula sa kabilang network katumbas ang malaking halaga ng pera.


Tila hindi naman umano matatanggihan ng aktor na ito ang inoffer sa kanya lalo pa't involved rito ang malaking halaga ng pera.


Tiyak din umanong mapag-uusapan ang gagawin nitong teleserye dahil malaking role ang kanyang gagampanan.


Gayunpaman, kung utang na loob na ang usapan hindi umano magagawa ng aktor na ito ang iwan ang network na nagpasikat sa kanya kahit pa malapit nang magtapos ang kanilang kontrata.


Samantala, sa isang panayam, ipinahayag ng aktor kung gaano siyang nagpapasalamat sa network na ito na siyang tumupad sa kanyang mga pangarap. Kaya naman nanatili siyang loyal sa Kapamilya network sa loob ng mahabang panahon.


"ito talaga ang nagbigay ng liwanag sa buhay ko. Ang laki ng utang na loob ko lahat ng mga pangarap ko. Sila yung talagang naging pangalawang magulang ko. Talagang mahal ko at hindi ko ito iiwan."


Dagdag pa niya, "Noong dati, noong walang-wala ako nitong pandemic hindi nila ako pinabayaan sila yung talagang binuhay ako. Yung mga gamit ko nainvest ko sa kanila ito."


Ayon pa sa aktor na susuklian umano niya ang nagawa ng network sa pamamagitan ng kanyang katapatan.


"Ang maibibigay ko nalang ay yung loyalty ko sa management ko at yung pagmamahal, respeto, babalik tayo. Mag-wait-wait  lang tayo, babalik tayo guys.


"Hangga't kaya I don't want to leave because they was the one who make me what I am. And I appreciate and love, everything they've done to me, they've guided me. They've given me all the projects. They change my life and as long as I can stay with them, as long as they need me, I will stay."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo