Awkward Moment Sa Event Na Last Spotted Sina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati

Martes, Nobyembre 7, 2023

/ by Lovely


 Umaani ngayon ng samu't-saring komento mula sa mga netizens at followers nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ang kumakalat na larawan kung saan magsama sila sa isang event ni Vito Selma.


Kamakailan lamang ay naging mainit na usapin sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment new sites ang balitang nagkahiwalay na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


Nag-ugat ang isyu nang mapansin ng kanilang mga fans na tila nanahimik ang dalawa sa social media. Ikinabahala ito ng kanilang mga tagahanga dahil noon pa man ay ipinapakita nila sa kanilang mga tagsuporta ang kanilang pagmamahalan sa pamamagitan ng mga social media post.


Sa gitna nang usaping ito, lumutang ang isang post kung saan nagkasama sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa isang event.


Sa isang Facebook post ni Vito Sema, ibinahagi niya ang mga larawan ng mga artistang nagpunta sa kanyang launching.


“It’s been a week and we’re still on a cloud. Sarah Lahbati Gutierrez, Casa Selma PH and I are so grateful for everyone that came to visit. 2 years of work lead to the Manila FAME launch but it’s only the beginning. We have many more surprises from this collection that was inspired from a life by the sea,” caption ni Selma sa kanyang post.


Subalit, lalo lamang itong ikinabahala ng kanilang mga tagasuporta dahil tila may nabago umano sa kanila. Ramdam na ramdam na umano ang kanilang awkwardness na tila ba ayaw nilang maglapit.


“I’m not an expert… Pero yung body gesture nila sa picture nato parang hindi sila ganun ka okay talaga… Just my opinion po.”


“Very good point. Parang distant si Sarah. Compare this photo to the one with Derek Ramsay and Ellen Adarna.”


Gayunpaman, may mga nakapansin na suot pa rin nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ang kanilang mga wedding rings kaya naman hinala na lamang ng nakakarami na may tampuhan lamang ang mag-asawa.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo