Kim Chiu, Inilibre Ang It’s Showtime Family Ng P100,000 Dinner Sa Hong Kong

Martes, Nobyembre 7, 2023

/ by Lovely

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang naging bakasyon ng It's Showtime family sa Hong Kong na naganap noong na suspende ang kanilang show sa loob ng 12 days.


Nauna roon ang mga kasamahan ni Kim Chiu dahil bago ang pagbabakasyon nila ay nasa Los Angeles si Kim Chiu.


Samantala, sa isang vlog ibinahagi ni Kim Chiu kung magkano ang binayaran niya sa dinner nila noon sa Hong Kong.


Sa kanyang vlog, ipinakita ni kim chiu ang resibo ng binayaran niyang pagkain para sa kanyang mga kasamahan sa pamamasyal nila sa hong kong, na umabot sa mahigit p105,000.


Kahit na isa na siyang matagumpay na aktres, hindi maitago ni Kim Chiu ang pagkagulat sa halagang ibinayad niya para sa nasabing hapunan.


“ipapa-frame ko po ito. Nabutasan po tayo ng 100K,” pabirong pahayag ni Kim Chiu.


Sinabi rin ng co-host ni Kim Chiu na si Vice Ganda na ang halagang ginastos ng aktres ay maikukumpara sa isang gumastos para sa kanilang departure.


Gayunpaman, tila hindi naman ito alintana ng aktres dahil mas mahalaga sa kanya ang kanyang It's Showtime family.


“As the saying goes, family is not defined only by its last names or by blood. It is defined by commitment and by love. It’s means showing up when needed most. It means having each other’s back. It means choosing to love each other. Even on those days when you struggle to like each other. It means never giving up on each other.”


Samantala, narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens na pumuri kay Kim Chiu sa uri ng pagmamahal niya para sa kanyang It's Showtime Family.


"The suspension of your show is truly a blessing indisguise. Nabigyan lang kayo ng time to travel and make precious memories in HK. Sabi nga nasasa atin kung paano natin ihahandle yung mga bagay na binabato sa atin. And you guys, choose to make a beautiful memories out of your shows suspension. By that you guys, that family is a winner! Congrats kimmy! Super happy ng vlog na ito. Happy that you are part of it. Showtime family is 💙"


"Kimmie makes me cried and laughed at the same time and it’s true Family is love and feel ko love ng showtime family sa isat isa yes they have differences and some have more than others pero pantay pantay lang kayo sa samahan. More years to showtime family and madlang people love you guys"


"Yes Kimmy , tama lahat ng sinabi mo at kahit ang mahal ng binayaran mo sa kinain nyo , bale wala yun sa pagiging masaya mo habang kasama mo sila (showtime fam) ... God bless you Kim & stay happy & kind "




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo