MJ Lastimosa Nagsalita Na Kaugnay Sa Mga Pahayag Ng MGI Founder Na Si Nawat Itsaragrisil

Lunes, Nobyembre 6, 2023

/ by Lovely


 Sinagot ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa si Miss Grand International President Nawat Itsaragrisil, na kamakailan lamang ay labis na bumatikos sa kanya at tinapos ang kanilang pagkakaibigan. 


Tila labis na nadismaya ang Miss Grand International founder na si Nawat Itsaragrisil kay MJ Lastimosa sa pagtawa ng huli nang sabihin ng kanyang guest na si Maki, na ang worst beauty pageant ay ang Miss Grand, mapa Philippines man o International.


Sa isang Facebook live ipinahayg ni Nawat Itsaragrisil ang kanyang disappointment kay MJ Lastimosa.


Ibinahagi pa ng founder na sinabi noon ni MJ sa kanya na number one pageant ang Miss Grand noong may hinihingi itong pabor sa kanya.


Hiniling umano ni MJ Lastimosa sa kanya na kapanayamin ang mga kandidata ng Miss Grand International at maging siya mismo.


“I met her many times. I’m really friendly and offer her a lot of things. She always said, ‘O, Miss Grand is number one and the huge production.’ So, that’s why last year she fly, buy her own ticket to Indonesia, and ask me favor the ticket, favor going inside backstage to doing the clip or interview, even interview myself,” pagbubulgar ni Nawat.


Ipinahayag din ni Mr. Nawat na ilang beses niyang tinulungan noon si MJ Lastimosa dahil sa pagiging magkaibigan nilang dalawa.


“I help her everything because I’m friendly and appreciate in that time because I think if friend it must be better than others. So when I went to Manila, anytime we keep calling, we are the good friend and I help her a lot."


Ibinulgar pa ni Mr. Nawat na nito lamang katatapos na Miss Grand International na ginanap sa Vietnam ay nakasama at nakausap pa niya si MJ Lastimosa kung saan ipinahayag umano nito kung gaano ka ganda at number one pageant ang Miss Grand.


“Even this year in Vietnam, she come to Ho Chi Minh, she came to Ho Chi Minh, she came to watch Miss Grand. Before she leave from the hotel, Rex Hotel, at the lobby. I meet her at the lobby before she leave. A couple day after coronation night, we say, ‘Oh, I love you. I like Miss Grand. Miss Grand is okay, number one.'”


Bukod pa rito napagpasyahan ni Nawat na iban na ng tuluyan si MJ Lastimosa sa kanyang pageant at tinapos na rin niya ang kanilang ugnayan.


“If it true, I don’t. It’s not true. I got the prize. I got best beauty pageant of the year. I have a good production. But you do that like this. I think we are no more, any more relationship in between MJ and our organization and myself.”


“Don’t come to Miss Grand anymore. Okay? We don’t know each other from now. I don’t want to meet the people like you. It’s below standard. It’s not sincere.”


Samantala, sinagot na ni MJ Lastimosa ang naging banat ni Nawat Itsaragrisil laban sa kanya. Ipinaalala ni MJ Lastimosa na may disclaimer naman ang kanyang programa kung saan nakasaad na ang opinyon ng kanyang mga guests ay walang kinalaman sa kanila.


“May disclaimer naman yung show namin mare baka kelangan lang itranslate , pagod ang kumare nyo,” caption ni MJ Lastimosa sa kanyang Facebook post.


Narito naman ang nakalagay na disclaimer sa post ni MJ Lastimosa.


“The views and opinions expressed in this program are those of the guests and do not necessarily reflect the views or positions of the hosts, the production and its management.”


Narito naman ang ilang komento mula sa mga followers ni MJ Lastimosa.


"Nawat will never understand a simple disclaimer. His english comprehension is at lowest level"


"Mareng Merijin wala ka dapat i-explain. Ganyan talaga pag walang utak react ng react sa mga bagay kahit meron namang maayos na explanation. "


"Angkol's level of comprehension and professionalism is 10 feet below the ground."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo