Karla Estrada Binuking Na Hiwalay Na Si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

Lunes, Nobyembre 6, 2023

/ by Lovely


 Nabahala ang mga KathNiel fans nang muling pumutok ang balitang naghiwalay na ang longtime celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Ayon sa mga kumakalat na haka-haka sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites na mahigit dalawang buwan nang hiwalay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Nag-ugat ang mga usaping ito nang sa unang pagkakataon sa loob ng matagal na nilang pagiging magrelasyon, hindi na sumasama si Daniel sa mga out of time trips ni Kathryn.


May sarili din itong lakad sa Palawan kasama ang kanya out of showbiz friends.


May mga nagdududa naman sa balitang ito kung saan sinasabi nila na kung totoong naghiwalay na ang dalawa bakit nanatiling tahimik sila.


May naghinala naman na nanahimik muna ang dalawa sa kanilang paghihiwalay upang hindi mabigla ang kanilang mga fans ngayong may upcoming silang mga projects.


Dagdag pa sa hinalang ito ng mga netizens ay ang pagpunta ni Kathryn nang mag-isa sa nakaraang The Corrs concert.


Hindi rin nakasama ni Kathryn si Daniel sa kamakailang pagbabakasyon nito Indonesia.


“Hiwalay na talaga sila matagal na hindi pa lang nila masabi ngayon kasi may mga solo pa sila pelikula at may mga endo pa silang gagawin.. 


“pero wala na talaga sila marami na ang nagsasabi kasi hindi na sila nagsasama kahit nung sa magic ball hindi na din sila magkasabay naglakad kahit nung uwian na hindi pa din sila magkasama si DJ nalang umuwi mag-isa wala na si Kath pati don sa party hindi na din sila magkatabi. Kung sino-sino na lang kausap nila pareho,” komento ng isang netizen.


Samantala, ayon sa isang malapit na kaibigan ni Karla Estrada, tinanong umano ng aktres ang anak hinggil sa mga kumakalat na balitang naghiwalay na sila ni Kathryn.


Hindi naman umano ito sinagot ni Daniel Padilla.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo