Dennis Padilla May Mensahe Para Sa Kanyang Anak Na Si Dani Barretto!

Walang komento

Huwebes, Oktubre 20, 2022


 Labis na kinakaawaan ng kanyang mga tagahanga ang actor-comedian na si  Dennis Padilla dahil sa umano'y pambabaliwala ng kanyang mga anak rito.

Tila idinadaan na lamang ni Dennis Padilla sa kanyang social media posts ang mga nais niyang iparating sa kanyang mga anak. Ilang beses na ring nagbahagi ng saloobin si Dennis para sa kanyang mga anak ngunit minsan ay minamasama pa ng mga ito ang pagbabahagi ni Dennis.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi maganda ang relasyon sa pagitan ng mag-aama. Sa kabila nito tila ipinaparamdam pa rin naman ni Deniece ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga anak sa sarili nitong pamamaraan. Ang mga mensahe na nais niyang ipahayag sa mga ito ay idinadaan na lamang nito sa kanyang mga social media posts.t

Nitong nakaraan ay naglabas ng open letter si Dennis para sa kanyang anak na si Dani Barretto upang batiin ito sa kanyang kaarawan. Sa liham, ipinahayag ni Dennis ang labis ng pagmamahal para sa anak at proud din umano ito rito sa mga success na tinatamasa nito sa buhay.

"Dearest Dani,

Happy birthday anak! You are a very good mother and wwife! An effectieve vlogger and businesswoman! We are proud of you anak!! God Bless you more!! PAPA"

Kalakip ng letter ay ang picture ni Dani noong maliit pa ito. Ayon pa kay Dennis na nasa wallet niya ang larawang ito sa loob ng mahigit 15 years.

Agad namang bumuhos ang komento ng mga netizens na nakikisimpatya kay Dennis. Hiling ng mga ito na sana ay magkaayos na ang mag-aama at mapag-usapan ang dapat nilang pag-usapan.


Anak Ni Angelica Panganiban Mukang Manika Blue Eyes!

1 komento


Masayang ibinahagi ni Angelica Panganiban ang unang photo shoot ng kanyang anak na si Amila Sabine.

Nitong huwebes, October 20,2022 ibinahagi ni Angelica Panganiban sa kanyang Instagram account ang mga larawan ng kanyang anak. Ito ang unang pagkakataon na ipinakita sa publiko nina Angelica Panganiban at Gregg Homan ang mukha ng kanilang anak.

Matatandaang, tanging mata lamang ang ipinakita ni Angelica sa mga snaps na ibinahagi nila sa kanilang social media accounts.

"Hello world! It’s been a month 💞 mom and dad are finally ready to share me with you. So, here i am." caption ni Angelica sa kanyang Instagram post.

Agad namang bumuhos ang komento mula sa mga tagahanga at kapwa celebrities na labis na humahanga sa anak ng aktres. Makikita din sa mga larawan ang pagkakaroon nito ng greyish blue eyes na lalong nagpapacute rito.


Ang Magkaibang Mukha Ng Hustisya Sa Ating Bansa!

Walang komento


Kamakailan ay naging usapin ng mga netizens sa social ang ipinagtabing larawan ng aktor na si Mark Anthony Fernandez noong October 2, 2016 nang naaresto ito dahil sa ipinagbabawal na gamot katabi nito ay ang larawan ng anak ni Justice Secretary Boying Remulla na si Juanito Jose Remulla III.

Parehong naaresto ang dalawa dahil sa violation of RA 9165. Kapansin-pansin ang pagbu-blurred ng mukha ng anak ni Justice Secretary gayung ipinakita naman ng buo ang mukha Mark Anthony. Hindi din umano isinailalim sa drug test si Juanito Jose Remulla III.

Ayon sa aming nakalap na information, tumangging magpa-drug test si Remulla dahil na rin sa payo ng kanyang abogado. Kaya naman  komento ng ilang mga netizens na ito ay ang magkaibang mukhha ng hustisya dito sa ating bansa. Kung saan hindi pantay ang pagtrato sa mga akusado.



Atom Araullo Pinabulaanan Ang Isyu Tungkol Sa Kanyang Ina!

Walang komento


Tila hindi na nakatiis si Atom Araullo sa pagpapakalat ng ilang mga netizens ng umano'y fake news tungkol sa kanyang ina.

Matatandaang kamakailan lamang ay pumutok ang balita tungkol sa pagiging kasapi umano ng NPA ang kanyang ina na si Carol Araullo. May ilang netizens din na nagtweet at sinabi mismo na kasapi ng mga aktibista ang kanyang ina. Inakusahan din ng mga ito na isa sa mga utak sa Mendiola Bombing ang ina ng news anchor.

Agad naman itong inalmahan ni Atom at sinabing kailan pa naging katanggap-tanggap ang pagrered flag sa ating bansa.

Ayon kay Atom, "I don’t usually call out private individuals here, but behavior like this should not be normalized. Disinformation is a huge problem globally, one that can have deadly consequences."

Kalakip nito ay ang mga screenshots ng mga tweets ng ilang mga netizens na nagpapakalat ng fake news sa kanyang ina.


Pinagtulungan?! Skusta Clee at Wilbert Tolentino, Nagsanib Pwersa Laban Kay Zeinab Harake!

Walang komento


Mainit pa rin na usapin sa mundo ng showbiz ang tila pagpaparinigan ng dating magkaibigan na sina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake.

Kamakailan lamang ay nagbahagi si Wilbert Tolentino sa kanyang social media account tungkol sa isang tao na mahilig magpavictim at ginagamit umano ang mga karanasan sa buhay upang makakuha ng maraming views at followers. Nagbabait-baitan din umano ito sa harap ng kamera ngunit ang totoo ay masama ang ugali nito.

Wala mang pangalang binanggit si Wilbert ngunit hinuha ng mga netizens na si Zeinab Harake ang tinutukoy nito. Sina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino ay dating malapit sa isa't-isa. Isa din sa mga ninong ni Bia si Wilbert.

Samantala, nakadagdag pa ngayon sa mga isyu ay ang pagkomento ng dating partner ni Zeinab na si Skusta Clee. Ayon sa komento ni Skusta, "Kalma ma!" Agad din naman itong sinagot ni Wilbert Tolentino, sinabi nitong alam ng diyos ang kabutihan ng isang tao at sa isa pang magaling magpa-victim umano.

Hindi pa rito natatapos ang tila pakikisawsaw ni Skusta Clee sa tila bangayan nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino. Nagpost din si Skusta Clee sa kanyang Facebook account tungkol sa isang tao na lumaking walang modo dahil hindi umano naturuan ng maayos ng mga magulang.

"Pag di ka nagabayan ng magulang mo ng maayos lalaki ka talagang walang modo. Kahit gano kapa ka wealthy kung bastos ka, walang respeto na para sayo."



Agad namang umani ng samu't saring komento mula sa mga netizens ang nasabing post ni Skusta Clee. Bagama't hindi rin nito pinangalanan ang taong tinutukoy hinuha ng ilan na si Zeinab Harake ang tinutukoy nito.

Talent Manager Na Naka-Discover Kina Alden Richards at Liza Soberano Puma-naw Na!

Walang komento

Miyerkules, Oktubre 19, 2022


Isang nakakalungkot na balita, aming napag-alaman na pumanaww na ang talent manager na naka-discover sa dalawang magagaling na artista sa industriya na sina Alden Richards at Liza Soberano.

Si Dudu Unay ang isa sa mga naging dahilan kaya nakuha ni Alden Richards ang kauna-unahang lead role sa isang teleseryeng Alakdana kung saan nakatambal niya ang aktres na si Louis Delos Reyes. Ito ang naging umpisa ng showbiz career ni Alden.

Si Dudu Unay rin ang naka discover sa talent ni Liza Soberano na kalaunan ay lumipat sa management ni Ogie Diaz.

Samantala isa sa labis na nasaktan sa pagpanaw ni Dudu Unay ay ang kanyang alaga na si Lance Carr. Agad itong nagpost sa kanyang Instagram account at sinabing, "Isa ka sa mga unang tao nagtiwala na kaya kong pumasok sa showbiz. You opened a door for me and gave me an opportunity na akala ko napaka impossible. Sa limang taon na pinagsamahan natin ang dami nating pinagdaanan tito du. May arguments, may mga lakad na unforgettable, mga raket, project, tsaka chikka. Tito du ang dami pa sana nating project na gagawin😓 gagalingan ko po sa showbiz tito para sayo and alam ko bawat proyekto ko papanoorin mo diyan sa heaven. Thank you for being my manager for 5 years tito hinding hindi kita makakalimutan. Rip tito du. Labyu tito. Kaloka."

Agad namang bumuhos ang pakikiramay para sa mga naiwan ng talent manager.


Mel De Guia Nagsalita Na Sa Pangsasabong Ng Mga Fans Kina Sheryn Regis at Morissette!

Walang komento


Nagbigay ng pahayag ang partner ni Sheryn Regis na si Mel De Guia tungkol sa tila pangsasabong ng ilang mga fans kina Sheryn Regis at Morissette.

Nag-ugat ang isyu ng lumabas ang video ng dalawa na kumakanta ng Gusto Ko Nang Bumitaw sa isang concert. May isang fan kasi na nagkomento na natutuwa si Sheryn at kailangan magthank you kay Morissette dahil tinulungan umano nito si Sheryn na kumita ng pera sa kabila ng papalubog nitong career.

Dahil dito sunod-sunod na ang palitan ng mga pagkukumpara sa dalawang singer. Kaya naman tila hindi na ito nasikmura ng partner ngayon ng Sheryn at tinawag na ang attensyon ni Morissette dahil sumusubra na umano ang mga fans nito.

"Opo! Marunong po ako pumatol sa mga utak ipis na to! Inaano ba kayo ni Sheryn? Mori mga fans mo, nalimutan ata itake ang GMRC.

Btw, Di pa ko tapos sa issue ng “BLOCKING” na yan. Sana nainform kami nung magkakaharap at magkakasama naman kami sa DRESSING ROOM." tweet ni Mel De Guia.

Samantala sa kasunod na tweet ni Mel sinabi niyang tigilan na ng mga fans ang pagkukumpara at tila pagsasabong sa dalawa dahil in good terms at ang bait ni Morissette sa kanila.



Wil Dasovich Wagi Sa World Vlog Challenge, Naiuwi Ang $100,000!

Walang komento


Masayang ibinalita ni Wil Dasovich sa kanyang mga tagahanga sa social media ang kanyang bagong achievement.

Ibinahagi ni Wil Dasovich, na wagi ang kanyang ginawang vlog sa Nepal sa World Vlog Challenge. Ayon kay Wil ang kanyang ginawang vlog tungkol sa kanyang trip sa Nepal ay isa sa mga vlog na nahirapan sila i-produce.

"I just want to make you all proud & it’s moments like these where I get to represent an entire country that make me feel like I’m creating an impact. This single Nepal video was arguably the most difficult video to produce to date and getting millions of people to watch these carefully crafted mini documentaries that promote a meaningful cause is the highest accomplishment i can achieve as a content creator. Capture with entertainment (the bait

😜), leave with life lessons and a greater appreciation for life and the beauties that planet earth beholds. Mission accomplished," post ni Wil sa kanyang Facebook account.


Inanyayahan din niya ang kanyang mga tagahanga na manood sa kanyang award winning vlog sa kanyang Youtube channel na pinamagatang, The Melting Glaciers of Everest.

Donita Nose, naimbyerna sa nawalang bagahe ng isang airline company, di nakapagpalit ng panty!

Walang komento

 


Nagrant sa social media ang isang komedyante at vlogger na si Donita Nose matapos ang nangyari sa kanyang bagahe habang nagtra-travel.

Nagbakasyon sya papuntang Bohol pero naiwan ng airline ang bagaheng dala-dala niya.

Ibinahagi niya sa kanyang instagram page ang sagabal na idinulot ng isang airline.

“Walang lahat ng bagahe ko! Iniwan ng manila Pero ako nasa BOHOL na! Anu Kaya nangyari?” umpisa ni Donita.

Aniya, malaking aberya raw ito dahil hirap na hirap siyang kumilos na wala ang kanyang mga gamit, lalo na at gabi na at wala ng mabibilhan.


Mabuti na lang daw at may nahiraman ang komedyante ng T-shirt pero laking problema niya pa rin dahil wala syang panloob.

“Ang hirap kumilos ng wala yung mga gamit ko…so naglinis na ko ng katawan syempre magpapalit lahat so buti na Lang May t shirt na nahiram Kasi gabi na Wala na mabilhan.. so need ko mag palit ng panty.. so alangan manghiram ako Di ba? Sooooo alam na!” chika pa ni Donita.

Sobrang nairita ang vlogger sa nangyari dahil nasira ng airline ang masaya sana niyang bakasyon.

“Bahala na kayo.. Bahala na kayo sa bagahe ko! Sira ang itenerary namin!” hirit pa ni Donita.

Ngunit, sa mga bagong post na in-upload ng komedyante ay mukhang in-enjoy na lamang nito ang trip sa Bohol, sa kabila ng bad experience sa airline.

Victor Consunji, gumanti sa pa-TALONG hashtag ng dating asawang si Maggie Wilson!

Walang komento

 


Lumilikha ngayon ng ingay ang cryptic post ng isang dating Filipina-British beauty queen na si Maggie Wilson dahil tila pinatatamaan nito ang dating husband na si Victor Consunji.

Maaalalang nagsampa ng kaso si Victor sa kanyang dating maybahay ilang buwan matapos nilang aminin sa publiko ang kanilang opisyal na paghihiwalay.


Hinuha ng mga netizens na tungkol kay Victor ang hashtag at cryptic post na ibinahagi ni Maggie Wilson.

Matatandaang inamin noon ng dating beauty queen na sinampahan siya ng kasong adultery ni Victor, kasama na dito ang business partner na si Tim Connor. Hindi lamang dito nagtatapos, may iba pang patong-patong na kasong isinampa si Victor sa dalawa.

Samantala, matapos magpost ni Maggie ng kanyang cryptic post na may pa-talong na hashtag, rumesbak naman ang businessman at gumawa ng sariling hashtag. Dahilan para mas maging curious ang mga Marites ukol sa nangyayari sa dalawa.

Sa ngayon ay wala pang ibinahaging opinyon si Maggie hinggil sa viral post ng dating asawa.

Nakakaiyak! Asawa Ni Andrew Schimmer Kritikal Ang Kalagayan Sa Hospital!

Walang komento


Malungkot na ibinalita ni Andrew Schimmer kamakailan na muli nilang isinugod sa hospital ang kanyang asawa matapos ang isang linggo nang ilabas nila ito.

Ayon kay Andrew kailangan muling manatili ng kanyang asawa sa ICU upang lalong mamonitor ng doktor at maging stable ang heart rate nito. Ang itinuturong dahilan kaya muli itong isinugod sa hospital dahil sa pagpapadagdag ng sodium sa diet nito.

May ipinakitang dokumento si Andrew kung saan nakasulat ang prescriptions na may idinagdag na 6g ng sodium sa diet ni Jho. Ito ang itinuturong dahilan ni Andrew kaya namamanas at nahihirapang umihi ni Jho. Tumaas din ang lagnat nito na humigit pa sa 39 degree celcius.

Sa ngayon ay hindi pa muli nagbigay ng update si Andrew hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng kanyang asawa kaya hinuha ng ilang mga netizens na nananatili pa rin ito ngayon sa ICU at nakikipaglaban sa kanyang karamdaman.



Kongresista- Nanawagan Na Muling Buksan Ang Imbetigasyon Laban Sa ABS-CBN!

Walang komento


Tila hindi pa rin tumitigil ang ilang mga kritiko ng ABS-CBN sa pagbaba-investigate sa network.

Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang pagpapabukas muli ng isang kongresista sa imbestigasyon tungkol sa umano'y violations ng network.

Ayon sa pahayag na ipinadala ni Rep. Elpidio Barzaga Jr, kailangan umanong buksan muli ang imbestigasyon sa kongreso tungkol sa mga allegations at issues ng ABS-CBN. Dapat umanong tingnan kung patuloy pa ring ginagawa ng ABS-CBN ang naging violations nila.



Wilbert Tolentino, May Diretsahang Rebelasyon Sa Ugali Ng Isang Taong Hindi Pinangalanan!

Walang komento


May isiniwalat si Wilbert Tolentino tungkol sa isang tao na mahilig umanong magpa-victim sa social media.

Mainit na usap-usapan ngayon sa social media ang Facebook post ni Wilbert Tolentino tungkol sa isang tao na mahilig umanong magpa-victim at manggamit ng tao. Nagbabait-baitan lamang umano ito sa social media. Ginagamit din umano ng taong ito ang kanyang nakakaawang karanasan upang humakot ng views mula sa mga netizens.

"Ganun tlaga may mga tao tlaga na sobrang galing mag paikot ng tao sa social media at magaling mag pavictim na kaya nya gamitin ang sariling trahedya for views and popularity. Kaya nya mang hikayat ng iba para kampi nya kahit cya naman talaga may problema...bait baitan sa harap ng camera kht attitude in real life at higit sa lahat USER. Kaya gumising kayo."



Bagama't hindi pinangalanan, hinuha ng mga netizens na ang tinutukoy ni Wilbert Tolentino ay walang iba kundi si Zeinab Harake. Matatandaang, naging usap-usapan kamakailan na may nangyaring hindi pagkaka-unawaan sa pagitan nina Zeinab at Wilbert.

Nag-ugat ang usaping ito matapos ifli-nex ni Wilbert ang itinuturong naging third party sa hiwalayan nina Zeinab at Skusta na si Aira Mae Lipata.

Matatandaan din na kamakailan lamang ay nagpost si Zeinab sa kanyang Facebook account tungkol sa mga taong tumatraydor sa kanya. Hinuha tuloy ng mga netizens ngayon na konektado ang mga post nila sa social media.

Samantala, sumang-ayon naman ang ilang mga netizens sa sinabi ni Wilbert Tolentino. Napansin din umano nila na tila simula pa noon ay nagpapaawa lamang si Zeinab sa mga followers nito at tila ginagamit umano ang mga kabiguan at kaawa-awang sitwasyon umano nito.

Top 10 Instagram Earners in the Philippines!

Walang komento


Ang Instagram ay isa sa mga social media platforms na sikat at ginagamit ng mga celebrities dito sa Pilipinas. Kaya naman hindi na kataka-taka na mga sikat na personalities ang top earnes ng Instagram sa taong kasalukuyan.

1. Pia Wurtzbach- Si Pia Wurzbach ay may 13.9 million followers sa Instagram sa kasalukuyan. Kumikita si Pia ng $3,669,205 (around P216 Million).



2. Kathryn Bernardo: Tinaguriang Philippines' Box Office Queen si Kathryn Bernardo. Ang kanyang mga followers ay nasa 17.4 million sa kasalukuyan at kumikita siya sa Instagram ng aabot sa $3,533,360 (around P208 Million).



3. Anne Curtis: Isa si Anne Curtis sa mga host ng sikat na noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime. Ang followers ni Anne sa Instagram ay nasa 18.5 million sa kasalukuyan at umaabot sa $2,936,119 (around P172 Million) ang kita niya sa Instagram.



4. Kim Chiu: Si Kim Chiu na kilala bilang Chinita Princess ay isa sa mga celebrities na hinahangaan ng marami hindi lamang dahil sa kanyang ganda kundi maging sa kanyang mga talento. Ang mga followers ni Kim Chiu sa Instagram ay nasa 11.5 million followers. Kumikita si Kim ng $1,712,281 (around P100 Million).



5. Andrea Brillantes: Si Andrea Brillantes ay isa sa mga magagaling na artista sa kanyang panahon. Una siyang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto ng ABS-CBN. Matatandaang naging controversial din siya noong katatapos lamang na 2022 National Elections. Ang followers ni Andrea sa Instagram ay nasa 13.5 million followers at nasa $1,281,692 (around P75 Million) ang earnings nito sa Instagram.



6. Catriona Gray: Si Ms. Universe 2018 Catriona Gray ay may Instagram followers na umaabot sa 13.2 million at ang kanyang earnings sa Insttagram ay nasa $1,190,233 (around P70 Million).



7. Liza Soberano: Isa si Liza Soberano sa mga hinahangaang leading lady sa generation. Kasalukuyang pinu-pursue ni Liza ang kanyang dream career sa Hollywood. Ang followers nito sa Instagram ay 17.5 million na aabot sa $968,118 (around P57 Million) ang kanyang earning sa Instagram.



8. Nadine Lustre: Ang aktres-singer na si Nadine Lustre ay may 11.5 million followers sa Instagram na may earnings na aabot sa $354,294 (around P20.8 Million).



9. Alex Gonzaga: Ang comedian-host-vlogger ay kasama sa may malalaking earnings sa Instagram na aabot sa $349,580 (around P20.5 Million). Ang kanyang followers ay nasa 12.4 million sa kasalukuyan.



10. Marian Rivera: Si Marian Rivera ang tinaguriang Kapuso Primetime Queen. Kilala ito sa kanyang galing sa halos lahat ng bagay. Ang kanyang Instagram earning ay tinatayang nasa $75,709 (around P4.4 Million) at mag followeres na 12.4 million.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo