Mel De Guia Nagsalita Na Sa Pangsasabong Ng Mga Fans Kina Sheryn Regis at Morissette!

Miyerkules, Oktubre 19, 2022

/ by Lovely


Nagbigay ng pahayag ang partner ni Sheryn Regis na si Mel De Guia tungkol sa tila pangsasabong ng ilang mga fans kina Sheryn Regis at Morissette.

Nag-ugat ang isyu ng lumabas ang video ng dalawa na kumakanta ng Gusto Ko Nang Bumitaw sa isang concert. May isang fan kasi na nagkomento na natutuwa si Sheryn at kailangan magthank you kay Morissette dahil tinulungan umano nito si Sheryn na kumita ng pera sa kabila ng papalubog nitong career.

Dahil dito sunod-sunod na ang palitan ng mga pagkukumpara sa dalawang singer. Kaya naman tila hindi na ito nasikmura ng partner ngayon ng Sheryn at tinawag na ang attensyon ni Morissette dahil sumusubra na umano ang mga fans nito.

"Opo! Marunong po ako pumatol sa mga utak ipis na to! Inaano ba kayo ni Sheryn? Mori mga fans mo, nalimutan ata itake ang GMRC.

Btw, Di pa ko tapos sa issue ng “BLOCKING” na yan. Sana nainform kami nung magkakaharap at magkakasama naman kami sa DRESSING ROOM." tweet ni Mel De Guia.

Samantala sa kasunod na tweet ni Mel sinabi niyang tigilan na ng mga fans ang pagkukumpara at tila pagsasabong sa dalawa dahil in good terms at ang bait ni Morissette sa kanila.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo