Pinagtulungan?! Skusta Clee at Wilbert Tolentino, Nagsanib Pwersa Laban Kay Zeinab Harake!

Huwebes, Oktubre 20, 2022

/ by Lovely


Mainit pa rin na usapin sa mundo ng showbiz ang tila pagpaparinigan ng dating magkaibigan na sina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake.

Kamakailan lamang ay nagbahagi si Wilbert Tolentino sa kanyang social media account tungkol sa isang tao na mahilig magpavictim at ginagamit umano ang mga karanasan sa buhay upang makakuha ng maraming views at followers. Nagbabait-baitan din umano ito sa harap ng kamera ngunit ang totoo ay masama ang ugali nito.

Wala mang pangalang binanggit si Wilbert ngunit hinuha ng mga netizens na si Zeinab Harake ang tinutukoy nito. Sina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino ay dating malapit sa isa't-isa. Isa din sa mga ninong ni Bia si Wilbert.

Samantala, nakadagdag pa ngayon sa mga isyu ay ang pagkomento ng dating partner ni Zeinab na si Skusta Clee. Ayon sa komento ni Skusta, "Kalma ma!" Agad din naman itong sinagot ni Wilbert Tolentino, sinabi nitong alam ng diyos ang kabutihan ng isang tao at sa isa pang magaling magpa-victim umano.

Hindi pa rito natatapos ang tila pakikisawsaw ni Skusta Clee sa tila bangayan nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino. Nagpost din si Skusta Clee sa kanyang Facebook account tungkol sa isang tao na lumaking walang modo dahil hindi umano naturuan ng maayos ng mga magulang.

"Pag di ka nagabayan ng magulang mo ng maayos lalaki ka talagang walang modo. Kahit gano kapa ka wealthy kung bastos ka, walang respeto na para sayo."



Agad namang umani ng samu't saring komento mula sa mga netizens ang nasabing post ni Skusta Clee. Bagama't hindi rin nito pinangalanan ang taong tinutukoy hinuha ng ilan na si Zeinab Harake ang tinutukoy nito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo