Tila hindi na nakatiis si Atom Araullo sa pagpapakalat ng ilang mga netizens ng umano'y fake news tungkol sa kanyang ina.
Matatandaang kamakailan lamang ay pumutok ang balita tungkol sa pagiging kasapi umano ng NPA ang kanyang ina na si Carol Araullo. May ilang netizens din na nagtweet at sinabi mismo na kasapi ng mga aktibista ang kanyang ina. Inakusahan din ng mga ito na isa sa mga utak sa Mendiola Bombing ang ina ng news anchor.
Agad naman itong inalmahan ni Atom at sinabing kailan pa naging katanggap-tanggap ang pagrered flag sa ating bansa.
Ayon kay Atom, "I don’t usually call out private individuals here, but behavior like this should not be normalized. Disinformation is a huge problem globally, one that can have deadly consequences."
Kalakip nito ay ang mga screenshots ng mga tweets ng ilang mga netizens na nagpapakalat ng fake news sa kanyang ina.
I don’t usually call out private individuals here, but behavior like this should not be normalized. Disinformation is a huge problem globally, one that can have deadly consequences. Examples from a particularly devoted user below: pic.twitter.com/oQnSJHQ2cL
— Atom Araullo (@atomaraullo) October 18, 2022
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!