Dennis Padilla May Mensahe Para Sa Kanyang Anak Na Si Dani Barretto!

Huwebes, Oktubre 20, 2022

/ by Lovely


 Labis na kinakaawaan ng kanyang mga tagahanga ang actor-comedian na si  Dennis Padilla dahil sa umano'y pambabaliwala ng kanyang mga anak rito.

Tila idinadaan na lamang ni Dennis Padilla sa kanyang social media posts ang mga nais niyang iparating sa kanyang mga anak. Ilang beses na ring nagbahagi ng saloobin si Dennis para sa kanyang mga anak ngunit minsan ay minamasama pa ng mga ito ang pagbabahagi ni Dennis.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi maganda ang relasyon sa pagitan ng mag-aama. Sa kabila nito tila ipinaparamdam pa rin naman ni Deniece ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga anak sa sarili nitong pamamaraan. Ang mga mensahe na nais niyang ipahayag sa mga ito ay idinadaan na lamang nito sa kanyang mga social media posts.t

Nitong nakaraan ay naglabas ng open letter si Dennis para sa kanyang anak na si Dani Barretto upang batiin ito sa kanyang kaarawan. Sa liham, ipinahayag ni Dennis ang labis ng pagmamahal para sa anak at proud din umano ito rito sa mga success na tinatamasa nito sa buhay.

"Dearest Dani,

Happy birthday anak! You are a very good mother and wwife! An effectieve vlogger and businesswoman! We are proud of you anak!! God Bless you more!! PAPA"

Kalakip ng letter ay ang picture ni Dani noong maliit pa ito. Ayon pa kay Dennis na nasa wallet niya ang larawang ito sa loob ng mahigit 15 years.

Agad namang bumuhos ang komento ng mga netizens na nakikisimpatya kay Dennis. Hiling ng mga ito na sana ay magkaayos na ang mag-aama at mapag-usapan ang dapat nilang pag-usapan.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo