Talent Manager Na Naka-Discover Kina Alden Richards at Liza Soberano Puma-naw Na!

Miyerkules, Oktubre 19, 2022

/ by Lovely


Isang nakakalungkot na balita, aming napag-alaman na pumanaww na ang talent manager na naka-discover sa dalawang magagaling na artista sa industriya na sina Alden Richards at Liza Soberano.

Si Dudu Unay ang isa sa mga naging dahilan kaya nakuha ni Alden Richards ang kauna-unahang lead role sa isang teleseryeng Alakdana kung saan nakatambal niya ang aktres na si Louis Delos Reyes. Ito ang naging umpisa ng showbiz career ni Alden.

Si Dudu Unay rin ang naka discover sa talent ni Liza Soberano na kalaunan ay lumipat sa management ni Ogie Diaz.

Samantala isa sa labis na nasaktan sa pagpanaw ni Dudu Unay ay ang kanyang alaga na si Lance Carr. Agad itong nagpost sa kanyang Instagram account at sinabing, "Isa ka sa mga unang tao nagtiwala na kaya kong pumasok sa showbiz. You opened a door for me and gave me an opportunity na akala ko napaka impossible. Sa limang taon na pinagsamahan natin ang dami nating pinagdaanan tito du. May arguments, may mga lakad na unforgettable, mga raket, project, tsaka chikka. Tito du ang dami pa sana nating project na gagawin😓 gagalingan ko po sa showbiz tito para sayo and alam ko bawat proyekto ko papanoorin mo diyan sa heaven. Thank you for being my manager for 5 years tito hinding hindi kita makakalimutan. Rip tito du. Labyu tito. Kaloka."

Agad namang bumuhos ang pakikiramay para sa mga naiwan ng talent manager.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo