Donita Nose, naimbyerna sa nawalang bagahe ng isang airline company, di nakapagpalit ng panty!

Miyerkules, Oktubre 19, 2022

/ by Sparkle

 


Nagrant sa social media ang isang komedyante at vlogger na si Donita Nose matapos ang nangyari sa kanyang bagahe habang nagtra-travel.

Nagbakasyon sya papuntang Bohol pero naiwan ng airline ang bagaheng dala-dala niya.

Ibinahagi niya sa kanyang instagram page ang sagabal na idinulot ng isang airline.

“Walang lahat ng bagahe ko! Iniwan ng manila Pero ako nasa BOHOL na! Anu Kaya nangyari?” umpisa ni Donita.

Aniya, malaking aberya raw ito dahil hirap na hirap siyang kumilos na wala ang kanyang mga gamit, lalo na at gabi na at wala ng mabibilhan.


Mabuti na lang daw at may nahiraman ang komedyante ng T-shirt pero laking problema niya pa rin dahil wala syang panloob.

“Ang hirap kumilos ng wala yung mga gamit ko…so naglinis na ko ng katawan syempre magpapalit lahat so buti na Lang May t shirt na nahiram Kasi gabi na Wala na mabilhan.. so need ko mag palit ng panty.. so alangan manghiram ako Di ba? Sooooo alam na!” chika pa ni Donita.

Sobrang nairita ang vlogger sa nangyari dahil nasira ng airline ang masaya sana niyang bakasyon.

“Bahala na kayo.. Bahala na kayo sa bagahe ko! Sira ang itenerary namin!” hirit pa ni Donita.

Ngunit, sa mga bagong post na in-upload ng komedyante ay mukhang in-enjoy na lamang nito ang trip sa Bohol, sa kabila ng bad experience sa airline.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo