Jake Zyrus Himalang Nabuhay Matapos Isilid Sa Body Bag Sa Amerika!

Walang komento

Martes, Oktubre 4, 2022


Bigla na lamang nawalan ng malay ang singer na si Charice Pempengco na kilala ngayon bilang Jake Zyrus. Isinilid na sa body bag ang katawan nito sa pag-aakalang wala na itong buhay ngunit himalang narevive sa hospital.

Isa sa mga napag-usapan sa latest episode ng Showbiz Now Na ang nangayri kay Jake Zyrus habang nasa Amerika. Ayon kay Cristy, isang source umano ang nagbalita sa kanya na nawalan umano ng malay si Jake Zyrus sa Chicago USA dahil sa sobrang kalasingan.

Si Jake Zyrus ay nakabase ngayon sa Amerika at kumakanta-kanta sa ilang maliliit na bar. May mga kababayan din umano roon na nakakakita kay Jake na lasing. Minsan ay nagwawala pa umano ito sa loob ng bar.

Ayon sa source, may isang pagkakataon umanong sa sobrang kalasingan ni Jake ay nawalan ito ng malay. Agad namang tumawag sa 911 ang ilan concerned citizens. Agad namang dumating ang mgs rescuers ngunit inakala ng mga ito na wala ng buhay si Jake.

Isinilid na umano ang katawan nito sa body bag at dinala sa hospital. Kadalasang inilalagay sa body bag ang katawan ng mga taong patay na. Buti na lamang nang dumating sa hospital ay muling narevive at nabuhay si Charice.



Ayon pa sa kwentuhan ng tatlong hosts na sina Cristy Ferming, Morly Alinio at Romel Chika, marahil ay wake up call ito kay Charice dahil tila pinapapabayaan na nito ang kanyang sarili at ang ibinigay na talento sa kanya ng panginoon.

Matatandaang tinalikuran din ni Charice/Jake ang kanyang lola na nag-alaga sa kanya. Pumanaw ito ng hindi man lamang nakatanggap ng tulong mula sa singer.

Ibinunyag pa ni Cristy na nagpalagay na umano ng ari ng lalaki si Charice sa Amerika. Labis naman itong ikinagulat ng kanyang mga kasamahan at maging ng kanilang viewers.

Julia Barretto at Gerald Anderson Tiniis Ang Lamig Habang Nanonood Ng Car Racing Sa Singapore!

Walang komento


 Ini-enjoy ng magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto ang kanilang bakasyon sa Singapore.

Sa Instagram stories ibinahagi ni Gerald ang isang video kung saan makikita silang masayang nanonood ng car racing event. May ilang mga larawan ding kumakalat kung saan makikitang napaka-sweet nila sa isa't-isa. Labis namang kinikilig ang kanilang mga tagahanga sa ibinahaging ito ng aktor.

May kumakalat pang video mula sa isang netizen kung saan spotted ang celebrity couple na magkaholding hands sa isang street ng Singapore. Isa pang videong kinakikiligan ng mga netizens ang video kung saan nakaka-kapote si Julia habang nanood ng racing habang katabi ang nobyo.



Sa kabila naman ng lamig, makikita naman sa kanilang mukha ang saya at pagmamahal sa isa't-isa.

Sandro Marcos at Alexa Miro Inilantad Na Ang Relasyon!

Walang komento

Lunes, Oktubre 3, 2022


Matapos ang paglilinaw ni Pres. Sec. Trixie sa social media hinggil sa pagpunta ng Singapore ni Pres. Bongbong Marcos dahil sa pambabatikos ng ilang mga netizens na umano'y nagpaparty lamang ang pangulo ng bansa sa gitna ng kinakaharap na crisis.

Nilinaw ni Atty. Trixie na hindi pagpaparty ang sinadya roon ng Pangulo kundi ang pagpapalakas ng alliance sa pagitan ng ating bansa at sa Singapore.

Samantala, may kumakalat ngayon na larawan sa social media kung saan spotted na kasama ni Rep. Sandro Marcos ang kanyang rumored girlfriend na si Alexa Miro. Matatandaang naging laman sila ng usap-usapan sa social media ilang buwan na ang nakakalipas dahil ang dalaga ang itinuturong nobya ng pamusong anak ng Presidente ng bansa.

Komento naman ng mga netizens, na hindi na lamang ito basta-basta romured dahil sa mga naglabasang mga ebidensya na may relasyon talaga ang dalawa. Napansin din ng ilang mga netizens na tila hindi na gaanong nagpapa-sexy si Alexa sa kanyang mga shows.



Ivana Alawi Na Dismaya at Nalungkot Sa Pagkawala Ng Kanyang Official Facebook Page !

Walang komento


Tila hindi na napigilan ni Ivana Alawi ang pagpapahayag ng kanyang saloobin hinggil sa pagtanggal ng Facebook sa kanyang Official Facebook Page.

Ibinunyag ni Ivana ang nakakalungkot na balitang ito sa kanyang Instagram account. Ayon kay Ivana, hindi niya alam kung bakit tinanggal ng Facebook ang kanyang page gayung wala naman siya violation. Nananawagan din siya sa kung sino man ang nagtatrabaho sa Facebook ay sana ay matulungan siyang maibalik ang kanyang page.

Dagdag pa ni Ivana na maging ang Facebook page ni Zeinab Harake na may 13 million followers ay tinanggal din ng Facebook. Ang labis pang ikinalungkot ni Ivana ay maging ang isa pa niyang page na Ivana Skin ay tinanggal din ng Facebook.

Aiko Melendez Denepensahan Si Toni Gonzaga Sa Bumabatikos Nito Na Bagong Endorser Ng Shopee !

Walang komento


Umani ng samu't-saring reaksyon ang pagkuha ng Shopee kay Toni Gonzaga bilang bagong ensdorser nito.

Kasabay ng pag-aanunsyo ng Shopee na nagbabawas sila ng empleyado ay ang pag-aanunsyo na si Toni ang kanilang endorser. Samantala, tila ipinagtanggol naman ng aktes na si Aiko Melendez si Toni Gonzaga at sinabing wala itong kasalanan sa nangyari panananggal ng mga empleyado ng Shopee.

Ayon kay Aiko, "Sana magstick po tayo na mali ang timing ng ginawa Shopee sa pagalis ng mga tauhan nila at pagbabawas. Dahil dipo ito makatao. Pero mali naman ang atakihin nyo ang kinuha nilang endorser dahil iba ang political leanings nya. Ang shopee din lang ang makaka alam na baka kaya kinuha nila si Toni Gonzaga para maisalba also ang sales nila at eventually pag nakabangon sila ihire back ang mga tao. Sana nga ganun ang diskarte nila, Whether we like it or not si Toni is one of top endorsers and kapag siya also ang kinukuha maganda ang sales. Wag na kayo maging divided para sa isang Company, Maging malawak sana ang pag iisip ng mga tao. Sa Shopee nyo icall ang attention nyo dahil sila ang nagalis ng mga empleyado nila and not Toni!"



May isang netizen naman ang nagkomento na wala sa timing ang pag-aanunsyo ng Shopee sa kanilang new endorser na may malaking talent fee. Agad naman itong nireply-an ni Aiko at sinabing hindi ang endorser ang dapat sisihin nito.

Pagmamayabang Ni Sharon Cuneta Sa Hermes Huwag Tularan Ayon Sa Isang Pari!

1 komento


Hanggang ngayon ay trending pa rin ang nangyaring pagtataboy kay Sharon Cuneta ng isang luxury store sa South Korea. Umaani ng samu't saring komento at reaksyon mula sa mga netizens ang naganap na insidente.

Tila hindi nakaligtas sa isang Katolikong Pari ang nangyaring pagpapaalis kay Sharon Cuneta ng isang luxury store. Lalong-lalo na ang paglipat ni Sharon sa kabilang shop at doon namakyaw ng iba't-ibang mamahaling gamit. Pagkatapos ay muling dumaan si Sharon sa naunang store na tumanggi sa kanya.

Ayon sa Tweet ni Fr. Nongnong Tuazon, hindi niya nagustuhan ang pagpapakita ni Sharon ng kanyang pinamiling items sa doorman ng Hermes.

"Sana a little prudence naman dun sa isang sikat singer at actress na nagflaunt ng yaman on video. Daming designer bags/items ang binili sa isang tanyag na store. It is not about affording it but being discreet about it. Kailangan ba talagang naka video at i-post?"

Wala namang pinangalanan ang pari sa nasabing  post, gayunpaman agad nakuha ng mga netizens na si Sharon Cuneta ang tinutukoy nito.

May ilang netizens na ipinagtanggol ang Mega Star, naiintindihan umano nila ang nararamdamang pagkapahiya ni Sharon kaya napa shopping ito sa kabilang shop. May ilang netizens din na ipinunto pa na kaya naman umano ni Sharon ang bumili ng mamahaling gamit.

Sinagot naman ito ni Fr. at sinabing alam naman umano niya ang kinasangkutang isyu ng aktres. Ngunit ipinunto din niya na mas nakakabuti pa rin ang pagiging mapagmakumbaba.



Kim Chiu Hindi Sinagot Ang Tanong Tungkol Kay Vhong Navarro!

Walang komento


Kamakailan lamang ay naitanong kay Kim Chiu ang tungkol sa kinasangkutang kaso ng kanyang kasamahan sa It's Showtime na si Vhong Navarro. Ayon pa kay Kim, baka ay makasuhan siya kung makakapagbigay siya ng impormasyon hinggil sa kaso nito.

Kasalukuyang nahaharap sa isang legal battle si Vhong. Hinaharap nito ang mga kasong rape at Act of Lasciviousness na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo noong 2014. Unbailable ang kasong rape na isinampa laban sa kanya.  Kaya naman kasalukuyang nakakulong ang actor sa detention center ng NBI.

Sa kabila nito, ninanais ng kampo ni Deniece na sa Taguig City Jail makukulong si Vhong Navarro, na sinang-ayunan naman ng korte.

Samantala sa isang presscon para sa pelikulang Always nina Kim Chiu at Xian Lim, naitanong sa aktres kung kumusta na ang kanilang sitwasyon sa It's Showtime, ngayong nakakulong si Vhong. Paiwas na sinagot ito ni Kim at sinabing baka kasuhan siya.

Naki-usap pa si Kim na huwag na siyang hingan ng pahayag tungkol sa isyu ngayon ni Vhong.



Kapamilya Star-Nanawagan Sa Mga Netizens!

Walang komento


Mainit na pinag-uusapan ng mga netizens sa iba't-ibang social media platforms ang pagtataboy sa Kapamilya star Sharon Cuneta sa isang luxury store na Hermes na nais sana niyang pasukan sa South Korea para lamang bumili ng belt.

Tila napahiya naman ang aktres kaya pumasok na lamang siya sa kalapit na luxury store na Louis Vuitton at doon nagshopping. Ang insidenteng ito ay hindi pinalampas ng ilang mga fans at followers ng Mega Star at nagbibigay ng mga negatibong komento laban sa store.

Agad namang nakarating kay Sharon ang mga sentiments ng kanyang fans kaya agad itong nanawagan gamit ang kanyang Instagram account. Tila nagbigay ng paliwanag si Sharon at sinabing hindi dapat binabash ang Hermes Store.

Ayon sa post ni Sharon sa Instagram, "Don’t feel bad about Hermes not letting me in! Lots, if not all name-brand stores even in the U.S. allow a certain number of people in at a time - sometimes 10 lang, while the others wait in line outside of the store. Lots also ask you to make an appointment. Covid measures nila yan so okay lang. Sayang lang talaga belt lang naman ang balak ko eh kaya ayoko pumapasok sa ibang stores na di ko plano puntahan ang dami kong nakikita eh!"


Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na hindi pinapasok si Sharon sa isang luxury store na naibahagi niya sa panayam niya noon kay Boy Abunda. Ilang beses na umano nitong naranasan ang ganito trato mula sa mga sales staff.

Lahat Nagulat Sa Binunyag Ni Dani Barretto Tungkol Kay Rico Yan!

Walang komento


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa mga social media platforms ang kumakalat na video clip ng panganay na anak ni Marjorie Barretto na si Dani Barretto sa pagbubunyag niya sa mga masasayang alaala niya kasama ang namayapang si Rico Yan.

Matatandaang naging ka-loveteam at nobyo ng kanyang tiyahing si Claudine Barretto si Rico Yan. Sa kanyang Instagram live, naitanong sa kanya ng kanyang mga followers kung ano ang hindi niya malilimutang alaala sa namayapang nobyo ng kanyang Tita na si Claudine.

Naibunyag ni Dani na hinahatid at sinusundo siya noon ni Rico sa paaralan. Minsan ay sinasama din umano siya ng kanyang Tito Rico sa paglalaro nito ng Badminton. Tinuruan din umano siya nito kung paano ang pagkain ng Strawberries.

Habang inaalala ni Dani ang kanilang mga alaala ay hindi niya napigil ang kanyang emosyon at napaluha.

Pagpapatuloy pa ni Dani, minsan ay doon umano siya natutulog sa condo nito na malapit lamang sa kanyang pinapasukang school.

Marami naman ang naantig sa ibinahagi ni Dani, lalong lalo na ang mga tagahanga ng aktor.

Pumanaw noong March 29, 2002 si Rico Yan. Ang unang nakakita sa kanya na wala ng buhay ay ang kasamahan niyang aktor na si Dominic Ochoa sa sariling silid habang nagbabakasyon sila noon sa isang resort sa Puerto Prinsesa, Palawan.



Nakakabiglang Pangyayare! Vhong Navarro Nais Ng Ibenta Ang Mga Ari-Arian?

Walang komento


May mga kumakalat ngayong bali-balita sa social media na di umano'y pinagbibinta na ng actor-TV host Vhong Navarro ang ilan sa kanyang mga ari-arian.

Usap-usapan ngayon ng ilang mga netizens ang tila paghahabilin ni Vhong Navarro ng kanyang mga ari-arian sa kanyang asawang si Tanya Bautista, bago mailipat sa Taguig City Jail.

Matatandaang hindi na nakauwi pa sa kanilang tahanan si Vhong Navarro matapos sumuko sa NBI dahil sa ipinalabas na warrant of arrest laban sa kanya sa kasong isinampa ng modelong si Deniece Cornejo. Naghain naman ng Motion For Reconsideration ang kampo ng actor upang pansamantala siyang makakalaya ngunit hindi ito pinaboran ng korte.

Ayon umano sa actor, hindi na mahalaga ang kanyang yaman at ari-arian. Ang mas mahalaga umano ngayon para sa kanya, ay ang makamit ang kalayaan at mapatunayan na wala siyang kasalanan. Kaya umano niyang itaya ang kanyang yaman kahit pa ito ay maubos mapatunayan lamang na siya ay inosente sa mga binibintang ng kampo ni Deniece.

Dating Kapamilya Star, Matanda Na Para Maging Lead Star?

Walang komento


Paulit-ulit na inisyu ang Dating Kapamilya Star na ngayon ay Kapuso actress dahil sa umano'y matanda na ito para kuning leading lady sa isang teleserye, kung saan ang leading man ay very young looking at mas bata sa actress ng ilang taon.

Muling pinag-uusapan sa social media ang mga pahayag ng sikat na showbiz columnist na si Lolit Solis hinggil sa adaptation ng hit Korean Drama na Start Up, na ipapalabas sa GMA7.  Kung saan ang bidang babae ay ang dating Kapamilya Star na si Bea Alonzo. Makakatambal naman niya rito ang Kapuso actor at Pambansang Bae Alden Richards.

Ayon kay Lolit Solis, hindi nababagay sa young looking na si Alden Richards ang matanda at mukhang tita na si Bea Alonzo bilang katambal sa isang serye. Mas nababagay umano ang mga young stars na sina Ysabel Ortega o si Jillian Ward ang kinuhang kapareha ni Alden. Alam naman umano ng lahat na ang kwento ng Start Up ay nagmumula sa mga bagong graduate sa college at naghahanap ng trabaho.

Pinagdidiinan din ni Manay Lolit na mukhang tita na si Bea at haggard na ang hitsura.



Kaya Pala! Vhong Navarro, Tumangging Magpa-Interview Sa Kapuso Mo Jessica Soho!

Walang komento


Mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga netizens at mga taong sumusubaybay sa kaso ni Vhong Navarro ang inihaing petisyon ng kampo ni Deniece Cornejo. Kung saan nakasaad na kailangan ng ilipat ang actor sa Taguig City Jail mula sa poder ng NBI. Agad namang humiling ang kampo ng aktor na manatili ito sa kampo ng NBI ngunit ibinasura agad ito ng korte dahil sa kakulangan ng ebidensyang may banta sa buhay ng aktor sa Taguig City Jail.

Sa inilabas na order ng Taguig Regional Trial Court nakasaad na walang matibay na ebidensya ang asawa ng actor na may nagbigay ng mensahe ng pagbabanta sa buhay ni Vhong Navarro sa loob ng kulungan sa Taguig City Jail.

Samantala, nangangako naman ang mga pulis ng Taguig City na walang dapat ipag-alala ang asawa ni Vhong Navarro dahil naroon naman umano sila sa bawat oras at poprotektahan ang lahat.

Sa kabilang banta, usap-usapan ngayon ang pagtanggi umano ni Vhong Navarro sa isang panayam sa kadahilanang labis na siya naiistress sa kinakaharap na sitwasyon. Nangangailan umano ito ng lakas upang patuloy na lalaban.

Yari! Tanya Navarro Hindi Nakapagpigil May Mensahe Sa Dalawang Taong Tumulong Kay Deniece Cornejo!

Walang komento


Ayon sa aming nakalap na impormasyon ay ililipat na umano si Vhong Navarro sa Taguig City Jail. Lalo namang nadismaya at nalungkot ang buong pamilya ni Vhong lalong lalo na ang kanyang asawa na si Tanya.

Ayon pa sa panayam noon kay Tanya, labis na siyang naawa sa asawang si Vhong Navarro dahil nahihirapan na umano ito. Naibahagi rin niya ang paghagulhol nito noong siya ay paalis na dahil tapos na ang oras ng pagbisita.

Sa kabila ng pagpapakitang matatag at malakas ito ay tila hindi na nito alam ang gagawin lalo na sa pagtagal nito sa bilangguan.

Hindi na umano nila lubos maisip kung bakit muling nabuksan ang kaso matapos ang mahigit walong taon. Ang labis pa nilang ikinadismaya ay ang tila pagkakabaliktad ng panahon, imbis si Vhong Navarro ang biktima siya pa ang nadidiin ngayon.

Ayon pa kay Tanya, naniniwala siyang inosente ang asawa dahil makikita naman sa mga kuha ng CCTV sa condo ni Deniece na walang katotohanan ang mga bintang nila. Maging ang mga kaibigan at kasamahan ng aktor ay naniniwalang inosente ito at walang kasalanan.

Samantala, malaki naman ang paniniwala ng abogado ni Vhong na mapapatunayan niyang not guilty ang aktor. Ibinunyag din nito ang dahilan ni Deniece kung bakit niya ito ginawa kay Vhong. Ayon kay Atty., malakas umano ang loob ni Deniece dahil may mga malalaking tao na sumusuporta rito.

Hindi naman umano susuko ang kampo ni Vhong dahil alam naman nilang sila ang nasa tama. Alam din umano nila na mabubulgar din ang lahat ng katotohanan at makamit nila ang hustisya.

Good News! Sandro Marcos Nagbigay Ng Suporta Nya Kay Vhong! Reporma Sa Batas Na R4p3 Babaguhin!

Walang komento

Linggo, Oktubre 2, 2022

 


Isa sa maugong na pinag-uusapan ay ang pagtulong ng ating magiting na kongresista na si Sandro Marcos. 

Ayon sa aming source, matagal na daw itong aware sa mga pangyayari sa kaso ni Vhong at Deniece Cornejo. Hindi lamang daw siya ang naniniwala na inosente si Vhong kundi pati na rin ang kanyang pamilya na umaayon rin sa katotohanan. 

Ani nya, isang mabuting tao si Vhong Navarro, subalit ang tanging hiling lamang ay katotohanan pa rin. Tutulongan nila si Vhong para maging patas ang paghatol sa kaso nito, dahil alam niya ang pakiramdam na pagbintangan kahit na walang kasalanan. 

Subalit pagdumating ang paglilitis at mapatunayan na si Vhong ang may mali ay handa rin silang alisin o bawiin ang anumang tulong na ibibigay nila. 

Omg:Jovelyn Galleno!Nasa Tawi Tawi Private Resort Kasama Ang Amo??May Nakakita!Tommy Abile Nawawala?

Walang komento

 

Usap-usapan sa social media na may nakakita raw kay Jovelyn Galleno sa private resort sa Tawi-Tawi.

Marami pa rin ang hindi naniniwala na wala na ang dalaga. Kahit ang pamilya ni Jovelyn ay tanggap na ang pagpanaw nito. Kinumpirma rin ng pamilya na si Jovelyn ang nagmamay-ari ng kal4ns4y na narekober malapit sa bahay nila. 

Matatandaan na isang DNA test ang isinagawa ng NBI sa but0 o kal4ns4y ni Jovelyn. Saad ng NBI na nagmatch nga, 99.99% na pagmamay-ari ni Jovelyn Galleno. 

Masakit man tanggapin na wala na ang dalaga, lalo na at may ebidensyang kumakalat sa social media na buhay pa ito. Pero wala tayong magagawa dahil closed na ang kaso ni Jovelyn Galleno.

Umurong na mismo ang pamilya ni Jovelyn at sinabing wag na pakialaman ang kaso kahit na marami pa ring mga netizens ang hindi naniniwala sa pagp4n4w ng dalaga. 

Maraming netizens ang nagdududa kung bakit bigla-bigla ay naging but0 o kal4ns4y agad ang katawan ni Jovelyn Galleno. Marami ang naniniwala na ang kal4ns4y na natagpuan ay kinuha lamang daw sa s3m3nteryo at kunwari ay sinabing kay Jovelyn Galleno ito, dahil may isang malaking tao raw sa likod ng misteryosong kaso na ito. Ngunit ito ay isa lamang haka-haka ng mga netizens. Ano sa tingin niyo ang nangyari kay Jovelyn Galleno?

Buking Na!! Relasyong Joshua Garcia at Bella Racelis, Isinapubliko Na!

Walang komento


Muling naging usap-usapan online si Joshua Garcia, matapos kumalat ang mga larawan nila ng Vlogger na si Bella Racelis na magkaholding hands.

Matatandaang naging usap-usapan noon na si Bella Racelis ang nobya ng aktor matapos mamataan silang sweet na magkasama sa isang bar sa Cebu. Bagama't wala pa ring inaamin ang dalawa, malakas ang kutob ng mga netizens na may relasyon na ang dalawa.

Napapansin din ng iba pang mga netizen ang kadalasa'y pagrereact ni Joshua sa mga social media post ni Bella.

Labis naman na natutuwa ang ilang mga tagahanga ng aktor dahil sa wakas ay tila natagpuan na umano ni Joshua ang bagong pag-ibig na kanyang hinahanap. Pagbibiro naman ng isang netizen na akala umano niya si Bella Poarch si Bella Racelis pala. Ang iba naman ay tila nanghihinayang dahil sa may babae nang nakasungkit sa puso ng gwapong aktor.

Samantala sa isang larawang ibinahagi ni Joshua sa kanyang social media, makikita sa reflection ang isang babae na siya kumukuha ng litrato, na ayon sa ilang mga netizens ay si Bella Racelis.



Hindi Pa Tapos Ang Laban! Kakampink Vs. Bbm Supporters, Toni Gonzaga at Ang Shopee!

Walang komento

 


Ilang buwan na ang lumipas matapos ang eleksyon ngunit hindi pa rin natutuldukan ang pagkakahati-hati ng Pilipino sa usaping pulitika.

Pumutok ang balita na ang Shopee ay magbabawas ng mga empleyado sa Pilipinas matapos ang pagkalugi nito. 433.7 million dollars noong 2nd quarter ng 2021 at lumubo na nga sa 931.2 million dollars nitong 2nd quarter ng 2022. Nauna ng nangyari ito sa ibang bansa kagaya ng Singapore at China due to the same reason. Naglayoff rin ng empleyado ang Shopee sa India due to regulatory interventions by its government. 

Nagtrending agad ang Shopee sa mga social media platforms pero hindi dahil sa business move na ito kundi dahil sa pagkuha nila kay Toni Gonzaga bilang brand ambassador. Si Toni Gonzaga ay isang kilalang Marcos supporter. 

Inulan nga ng pagbabash at pagcancel ng mga tao sa Shopee dahil sa desisyong ito. Ini-ugnay naman ng iba na ang pagbabawas ng empleyado ay para lang maafford at makuha ang serbisyo ni Toni Gonzaga. 

Ang iba ay nagsimula ng iboyc0tt ang naturang app at in-uninstall ito. Isa na dito ang kilalang aktor at kakampink na si Jaime Fabregas na diumano'y nakahanap ng mas malalim na dahilan para i-uninstall ang kanyang Shopee app. 

Hindi na bago kay Toni Gonzaga ang cancel culture. Matatandaan na nabash rin ito matapos niyang interviewhin sa kanyang youtube vlog si PBBM noong September 13, 2021. Wala ng masabi si Toni pagdating sa bagong isyu na ito.

Very thankful si Toni sa mga netizens na nagpatrending sa Shopee. Nakatulong diumano ang mentions, tweets at rant para mas makilala ang Shopee app. 

Dinepensahan rin ng isang sikat na aktres na si Aiko Melendez ang isyu ni Toni G. 

Ayun naman kay "Ka-tunying" Anthony Taberna na kilalang BBM supporter, nagkakamali ang mga kakampink na ib0yc0tt ang shopee. Hindi lamang daw ang shopee management at si Toni G ang magsu-suffer sa pagcacancel ng mga netizens. Ang mga small business owners o sellers ng shopee at riders nito ay apektado rin.

May haka-haka rin na planong kunin ng Lazada si Andrew E as their brand ambassador. 

Kc Concepcion Viral Matapos Ibalita Na Pum*Naw Na!

Walang komento


Hindi nagustuhan ng isang article writer na Rb Sermino ang ibinahaging balita mula sa isang Youtube Channel kung saan ibinahagi nito ang umano'y pagpanaw ng anak nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta.

Ibinahagi nito sa Abante News ang kanyang naging pananaw ukol sa pagkontrol sa mga lumalabas na fake news sa social media. Nanawagan si Sermino, kung ano ang maaring gawin sa mga taong nagkakalat ng fake news sa social media.

Sa kanya ibinahaging article sinabi niyang makakapal ang mukha ng mga taong gumagawa ng content na may namatay na sikat na artista para lamang may pagkakakitaan. Ibinahagi rin nito ang pamagat ng nasabing at ang thumbnail nito na nagpapakita ng pag-iyak nina Sharon at Gabby na halata naman umanong galing sa kanilang pelikula.

Matagal na umano niyang napapansin ang Youtube Channel na ito kung saan kadalasan ng kanilang ibinabalita ay puro fake news. Sa huli ay tinawag niya ang pansin ng Youtube at nagtanong kung paano matatanggal ang mga Youtube Channel na nagkakalat ng mga fake news.

Nais pa ni Rb  na kasuhan ang vlogger na ito dahil sa umano'y maling content nito.



Matapos Icancell at Iboycott Ng Mga Kakampink Toni Gonzaga at Shoppee Pinagtanggol Ng GMA Writer!

Walang komento


Sinupalpal ng magaling na writer sa GMA si Suzette Doctolero ang ilang mga netizens at celebrities na bumabatikos sa Shopee dahil sa pakuha kay Toni Gonzaga bilang bagong endorser.

Ayon kay Suzette, hindi siya tumitingin sa kung sinong sikat na celebrity ang nag-iindorso sa dalawang sikat na shopping app ng bansa. Ang nais lamang umano niya ay kung saan siya makabili ng mura ngunit de kalidad na produkto.

Matatandaang pinapa-boycott ng ilang mga netizens ang Shopee dahil sa pagkuha nito kay Toni Gonzaga bilang bagong endorser.

Pinapaalalahanan naman ng writer ang mga nagbabalak na i-uninstall ang Shopee app na marami ring Kakampinks ang sellers, suppliers at buyers doon. Nagbigay din siya ng koment sa naging post ng Kapamilkya actor na si Jaime Fabregas. Na idenelete na umano nito ang kanyang Shopee app dahil may mas malaking rason na siya higit pa sa mapapagastos lamang siya.

Ayon kay Suzette, "Grabe naman yung vlog na napanood ko.

😞 Wala akong issue kay Tito Jaime, lalong wala kaming salpukan. Kaloka naman oy. : (
Ilang beses ko siyang nakatrabaho at siya ay napaka gentle, mahusay na aktor, magalang at napakabait na tao.
Hindi dapat maging issue at gawing issue ang differences ng mga stand sa buhay ha? ( e ang stand ko lang naman, doon ako sa kung saan me mura at promo 🤣 ke Shopee yan o Lazada. Oo ganun ako ka practical pagdating sa retail addiction ko haha).
Naiintindihan ko na maraming kumikita sa mga vlogs ngayon pero huwag naman ganito, please? Salamat!
Ito na lang ang ibalita kasi ito ay totoo: Maria Clara at Ibarra, sa Lunes na, after 24 Oras! Yiii!!"


Vice Ganda at Jhong Humagulhol Sa Iyak Ng Makita Ang Sitwasyon Ni Vhong Navarro Sa Loob Kulungan!

Walang komento

 


It's Showtime host na sina Vice Ganda, Jhong Hilario at Billy Crawford, dumalaw kay Vhong Navarro sa detention center.

Hindi nila mapigilang humagulhol sa iyak nang makita ang kalagayan ng aktor sa loob ng kulungan. Kusa na lamang silang umalis at hindi na nagbigay ng pahayag sa media pagkatapos bisitahin ang kanilang matalik na kaibigan. Mapapansin na naging emosyonal si Vice Ganda at Jhong Hilario.

Saad ni Vice Ganda sa kaibigan na wag mawawalan ng pag-asa at malalagpasan nila ito, andyan lang sila palagi at nakasuporta kay Vhong Navarro. Hindi nila ito pababayaan anuman ang mangyari. 

Kasalukuyang nakadiin si Vhong Navarro sa detention center ng National Bureau of Investigation or NBI. Ang petisyon ay may kaugnayan sa panggagah4s4 laban kay Vhong Navarro. 

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ang nalalapit na paglipat ni Vhong sa Taguig City JAlL. Kitang-kita ang pag-aalala sa kampo ni Vhong Navarro. Halos hindi makatulog ng maayos at makakain. 

Kung minsan ay napahagulhol na lamang si Vhong sa iyak dahil hindi niya matanggap ang nangyari sa kanya ngayon.

Naghain na rin ang abugado ni Vhong Navarro ng petition for bail na si Atty. Alma Mallonga para sa kinakaharap na kaso ng kanyang kliyente. Ngunit sa kasamaang palad ay ibinasura na ito at tuluyan na ngang makukulong ang aktor.

Iginiit talaga ng NBI na non-bailable ang kasong r4pe na isinampa ng kampo ni Deniece Cornejo.

Ms Lotlot De Leon Emosyonal Sa Pagbati Sa Birthday Ni Ms Janine Gutierrez

Walang komento

 


Ngayon, buong galak na ipinagdiriwang ni Janine Gutierrez ang kanyang kaarawan, matapos ang masaya at napakasweet na quick getaway nila ni Paulo Avelino para sa advance birthday present ni Paulo kay Janine. 


Ngayong araw ay nagbigay ng nakakaantig na pagbati ang kanyang ina na si Lotlot Gutierrez para sa kanyang kaarawan. Hindi naman kaila sa atin na maagang nag-asawa si Lotlot at Monching, lalong-lalo na noong panahon ng kasikatan nila. Kaya naman naging emosyonal si Lotlot Gutierrez sa pagbati sa kanyang panganay na anak. 

Maiksi man pero napakabulohan ng pagbati ni Lotlot sa kanyang panganay na anak na si Janine Gutierrez. Medyo pribado at tahimik ang pagse-celebrate ni Janine ng kanyang kaarawan. 

Ang Pagbabalik Ni Jennylyn Mercado Sa Telebisyon!

Walang komento


Tila nagbibigay pahiwatig ang aktres na si Jennelyn Merkado sa kanyang muling pagbabalik sa telebisyon.

Matatandaang tumigil si Jennelyn sa pagtataping ng pagbibidahan sana niyang teleserye kung saan makakatambal niya ang dating Kapamilya actor na si Xian Lim. Nahinto ang taping ng teleserye Love. Die. Repeat dahil sa isang medical emergency na kinasangkutan ng female lead na si Jennelyn Mercado.

Hinuha naman ng ilang mga netizens na ang role ni Jennelyn ay ibibigay sa ibang actress matapos kumpirmahin nito ang kanyang pagdadalang tao. Ngunit makalipas ang halos isang taon ay nanatiling pending ang nasabing proyekto at tila hinihintay ang muling pagbabalik ni Jennelyn.

Tila si Jennelyn pa rin ang bibida sa teleseryeng Love. Die. Repeat at ipagpapatuloy nila ang taping sa huling bahagi ng taong 2022 sa pagbabalik ni Jennelyn. Makakasama ni Jennelyn sa nasabing teleserye sina Xian Lim, Mike Tan, Valerie Concepcion, Gardo Versoza at iba pang magagaling na artista sa GMA7.

Nauna ng nagpost ang aktres ng mga larawan kung saan makikita siyang nagwo-work out bilang paghahanda sa kanyang muling pagbabalik showbiz.



Anak Ni Anne Na Si Dahlia Kinantahan Pati Mga Tupa Sa Isang Farm!

Walang komento


Bagama't bata pa lamang makikita na sa anak ni Anne Curtis na si Dahlia ang kanyang pagkahilig sa kanta.

Habang sila ay namamasyal ibinahagi ng mister ni Anne ang video kung saan makikita ang ginagawa ng kanilang anak. Makikita sa nasabing video si Dahlia na nagpapakain ng mga tupa. Habang nagpapakain, maririnig naman ang pagkanta nito.

Samantala, matapos ang trabaho ni Anne sa It's Showtime kahapon, namasyal sila ng kanyang pamilya.



Natanggal Na Shopee Employee Nagsalita Hingil Sa Pagkuha Kay Toni G. Bilang Ambassador!

Walang komento


Naging mainit na usapin sa social media ang pagkuha ng Shopee kay Toni Gonzaga bilang kanilang bagong Ambassador.

Ayon sa ilang mga netizens, bakit umano tinanggal ng Shopee ang ilan sa kanilang mga empleyado pagkatapos ay kumuha ng ambassador na may malaking talent fee. May mga nanawagan pang i-uninstall ang shopee at i-boycott ang paggamit nito.

Matatandaang naibalita noon ang pagtatanggal ng Shopee ng ilan sa kanilang mga employee dahil sa umano'y short budget. Ngunit sa pagkuha nito kay Toni Gonzaga, tanong ng mga ito bakit kumuha ng mamahaling endorser gayung short ito sa budget.

Samantala, usap-usapang ngayon ang post ng isang dating empleyado ng Shopee na kasamang natanggal. Ayon sa kanya, "Don't use our heartbreak for your political advantage. Stop using us with your cancel culture. You have the right to stand for your political views, pero huwag kami, iba nalang. Nagmo-move on palang kami. Mahirap mawalan ng mabuti at maalagang employer."

Ipinagdiinan din nito na bagama't kabilang sila sa mga natanggal na empleyado ng Shopee, hindi ito dahil sa talent fee ng bagong endorser. Alam naman umano nila na balang araw ay maapektuhan sila sa tinatawag na Global recession. Ang hindi lamang nila inexpect ay mangyayari ito ngayon. Maayos naman umano ang kanilang pagpapatigil dahil binigyan naman sila ng separation package na labis pa sa kanilang inaasahan.



Binanatan Ni Vice Ganda Si Deneice Cornejo Sa Unang Pagtatagpo Hinggil Sa Kaso Ni Vhong Navarro!

Walang komento


Usap-usapan ngayon sa social ang umano'y mainit na pagtatagpo sa pagitan nina Vice Ganda at Deniece Cornejo.

Marahil ay hindi napigilan ng kasamahan at kaibigan ni Vhong Navarro na si Vice Ganda ang kanyang sarili sa umano'y unang pagkakaharap nila ni Deniece Cornejo matapos ng pagsampa nito ng kaso kay Vhong Navarro.

Ayon sa ilang mga haka-haka, nakatikim umano ng masasakit na salita si Deniece Cornejo mula kay Vice Ganda.

Matatandaang sa kabila ng mga natanggap ni Deniece na pambabatikos itinuloy pa rin nito ang kanyang accusations na umano'y ginahasa siya ng aktor.

Samantala sa kabila naman ng pagkakakulong ngayon ni Vhong Navarro maraming mga netizens ang patuloy na naniniwalang wala itong kasalanan. Hiling nila na manaig ang katotohan at napatunayan ng inosente si Vhong Navarro.

Sharon Cuneta Itinab0y Sa Hermes Store Sa South Korea!

Walang komento


Hindi pinapasok at itinaboy si Mega Star Sharon Cuneta sa isang luxury store na Hermes sa South Korea.

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang maikling video ni Mega Star Sharon Cuneta. Makikita sa video na masayang nagsashopping ang Mega Star sa South Korea kasama ang ilang mga kaibigan. Sa hindi malamang dahilan, hindi pinapasok ang aktres sa Hermes Store ng mall kung saan sila namimili.

Ayon kay Sharon, bibili lamang sana siya ng belt sa Hermes nang hindi sila pinayagan pumasok ng staff na nagbabantay sa may pintuan. Kaya naman napalipat ng shop si Sharon at namili ng maraming gamit sa Louis Vuitton. Maganda naman ang pagassist sa kanila ng mga staff sa Louis Vuitton, sa katunayan ay binigyan pa sila ng regalo.

Sa kanilang paglabas ng Louis Vuitton, muling dumaan ang grupo ni Sharon sa Hermes Shop na hindi nagpapasok sa kanila. Tila inasar naman nila ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang pinamili sa kabilang shop.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo