Sharon Cuneta Itinab0y Sa Hermes Store Sa South Korea!

Linggo, Oktubre 2, 2022

/ by Lovely


Hindi pinapasok at itinaboy si Mega Star Sharon Cuneta sa isang luxury store na Hermes sa South Korea.

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang maikling video ni Mega Star Sharon Cuneta. Makikita sa video na masayang nagsashopping ang Mega Star sa South Korea kasama ang ilang mga kaibigan. Sa hindi malamang dahilan, hindi pinapasok ang aktres sa Hermes Store ng mall kung saan sila namimili.

Ayon kay Sharon, bibili lamang sana siya ng belt sa Hermes nang hindi sila pinayagan pumasok ng staff na nagbabantay sa may pintuan. Kaya naman napalipat ng shop si Sharon at namili ng maraming gamit sa Louis Vuitton. Maganda naman ang pagassist sa kanila ng mga staff sa Louis Vuitton, sa katunayan ay binigyan pa sila ng regalo.

Sa kanilang paglabas ng Louis Vuitton, muling dumaan ang grupo ni Sharon sa Hermes Shop na hindi nagpapasok sa kanila. Tila inasar naman nila ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang pinamili sa kabilang shop.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo