Dating Kapamilya Star, Matanda Na Para Maging Lead Star?

Lunes, Oktubre 3, 2022

/ by Lovely


Paulit-ulit na inisyu ang Dating Kapamilya Star na ngayon ay Kapuso actress dahil sa umano'y matanda na ito para kuning leading lady sa isang teleserye, kung saan ang leading man ay very young looking at mas bata sa actress ng ilang taon.

Muling pinag-uusapan sa social media ang mga pahayag ng sikat na showbiz columnist na si Lolit Solis hinggil sa adaptation ng hit Korean Drama na Start Up, na ipapalabas sa GMA7.  Kung saan ang bidang babae ay ang dating Kapamilya Star na si Bea Alonzo. Makakatambal naman niya rito ang Kapuso actor at Pambansang Bae Alden Richards.

Ayon kay Lolit Solis, hindi nababagay sa young looking na si Alden Richards ang matanda at mukhang tita na si Bea Alonzo bilang katambal sa isang serye. Mas nababagay umano ang mga young stars na sina Ysabel Ortega o si Jillian Ward ang kinuhang kapareha ni Alden. Alam naman umano ng lahat na ang kwento ng Start Up ay nagmumula sa mga bagong graduate sa college at naghahanap ng trabaho.

Pinagdidiinan din ni Manay Lolit na mukhang tita na si Bea at haggard na ang hitsura.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo