Naging mainit na usapin sa social media ang pagkuha ng Shopee kay Toni Gonzaga bilang kanilang bagong Ambassador.
Ayon sa ilang mga netizens, bakit umano tinanggal ng Shopee ang ilan sa kanilang mga empleyado pagkatapos ay kumuha ng ambassador na may malaking talent fee. May mga nanawagan pang i-uninstall ang shopee at i-boycott ang paggamit nito.
Matatandaang naibalita noon ang pagtatanggal ng Shopee ng ilan sa kanilang mga employee dahil sa umano'y short budget. Ngunit sa pagkuha nito kay Toni Gonzaga, tanong ng mga ito bakit kumuha ng mamahaling endorser gayung short ito sa budget.
Samantala, usap-usapang ngayon ang post ng isang dating empleyado ng Shopee na kasamang natanggal. Ayon sa kanya, "Don't use our heartbreak for your political advantage. Stop using us with your cancel culture. You have the right to stand for your political views, pero huwag kami, iba nalang. Nagmo-move on palang kami. Mahirap mawalan ng mabuti at maalagang employer."
Ipinagdiinan din nito na bagama't kabilang sila sa mga natanggal na empleyado ng Shopee, hindi ito dahil sa talent fee ng bagong endorser. Alam naman umano nila na balang araw ay maapektuhan sila sa tinatawag na Global recession. Ang hindi lamang nila inexpect ay mangyayari ito ngayon. Maayos naman umano ang kanilang pagpapatigil dahil binigyan naman sila ng separation package na labis pa sa kanilang inaasahan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!