Ang Pagbabalik Ni Jennylyn Mercado Sa Telebisyon!

Linggo, Oktubre 2, 2022

/ by Lovely


Tila nagbibigay pahiwatig ang aktres na si Jennelyn Merkado sa kanyang muling pagbabalik sa telebisyon.

Matatandaang tumigil si Jennelyn sa pagtataping ng pagbibidahan sana niyang teleserye kung saan makakatambal niya ang dating Kapamilya actor na si Xian Lim. Nahinto ang taping ng teleserye Love. Die. Repeat dahil sa isang medical emergency na kinasangkutan ng female lead na si Jennelyn Mercado.

Hinuha naman ng ilang mga netizens na ang role ni Jennelyn ay ibibigay sa ibang actress matapos kumpirmahin nito ang kanyang pagdadalang tao. Ngunit makalipas ang halos isang taon ay nanatiling pending ang nasabing proyekto at tila hinihintay ang muling pagbabalik ni Jennelyn.

Tila si Jennelyn pa rin ang bibida sa teleseryeng Love. Die. Repeat at ipagpapatuloy nila ang taping sa huling bahagi ng taong 2022 sa pagbabalik ni Jennelyn. Makakasama ni Jennelyn sa nasabing teleserye sina Xian Lim, Mike Tan, Valerie Concepcion, Gardo Versoza at iba pang magagaling na artista sa GMA7.

Nauna ng nagpost ang aktres ng mga larawan kung saan makikita siyang nagwo-work out bilang paghahanda sa kanyang muling pagbabalik showbiz.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo