Kaya Pala! Vhong Navarro, Tumangging Magpa-Interview Sa Kapuso Mo Jessica Soho!

Lunes, Oktubre 3, 2022

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga netizens at mga taong sumusubaybay sa kaso ni Vhong Navarro ang inihaing petisyon ng kampo ni Deniece Cornejo. Kung saan nakasaad na kailangan ng ilipat ang actor sa Taguig City Jail mula sa poder ng NBI. Agad namang humiling ang kampo ng aktor na manatili ito sa kampo ng NBI ngunit ibinasura agad ito ng korte dahil sa kakulangan ng ebidensyang may banta sa buhay ng aktor sa Taguig City Jail.

Sa inilabas na order ng Taguig Regional Trial Court nakasaad na walang matibay na ebidensya ang asawa ng actor na may nagbigay ng mensahe ng pagbabanta sa buhay ni Vhong Navarro sa loob ng kulungan sa Taguig City Jail.

Samantala, nangangako naman ang mga pulis ng Taguig City na walang dapat ipag-alala ang asawa ni Vhong Navarro dahil naroon naman umano sila sa bawat oras at poprotektahan ang lahat.

Sa kabilang banta, usap-usapan ngayon ang pagtanggi umano ni Vhong Navarro sa isang panayam sa kadahilanang labis na siya naiistress sa kinakaharap na sitwasyon. Nangangailan umano ito ng lakas upang patuloy na lalaban.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo