Yari! Tanya Navarro Hindi Nakapagpigil May Mensahe Sa Dalawang Taong Tumulong Kay Deniece Cornejo!

Lunes, Oktubre 3, 2022

/ by Lovely


Ayon sa aming nakalap na impormasyon ay ililipat na umano si Vhong Navarro sa Taguig City Jail. Lalo namang nadismaya at nalungkot ang buong pamilya ni Vhong lalong lalo na ang kanyang asawa na si Tanya.

Ayon pa sa panayam noon kay Tanya, labis na siyang naawa sa asawang si Vhong Navarro dahil nahihirapan na umano ito. Naibahagi rin niya ang paghagulhol nito noong siya ay paalis na dahil tapos na ang oras ng pagbisita.

Sa kabila ng pagpapakitang matatag at malakas ito ay tila hindi na nito alam ang gagawin lalo na sa pagtagal nito sa bilangguan.

Hindi na umano nila lubos maisip kung bakit muling nabuksan ang kaso matapos ang mahigit walong taon. Ang labis pa nilang ikinadismaya ay ang tila pagkakabaliktad ng panahon, imbis si Vhong Navarro ang biktima siya pa ang nadidiin ngayon.

Ayon pa kay Tanya, naniniwala siyang inosente ang asawa dahil makikita naman sa mga kuha ng CCTV sa condo ni Deniece na walang katotohanan ang mga bintang nila. Maging ang mga kaibigan at kasamahan ng aktor ay naniniwalang inosente ito at walang kasalanan.

Samantala, malaki naman ang paniniwala ng abogado ni Vhong na mapapatunayan niyang not guilty ang aktor. Ibinunyag din nito ang dahilan ni Deniece kung bakit niya ito ginawa kay Vhong. Ayon kay Atty., malakas umano ang loob ni Deniece dahil may mga malalaking tao na sumusuporta rito.

Hindi naman umano susuko ang kampo ni Vhong dahil alam naman nilang sila ang nasa tama. Alam din umano nila na mabubulgar din ang lahat ng katotohanan at makamit nila ang hustisya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo