Lahat Nagulat Sa Binunyag Ni Dani Barretto Tungkol Kay Rico Yan!

Lunes, Oktubre 3, 2022

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa mga social media platforms ang kumakalat na video clip ng panganay na anak ni Marjorie Barretto na si Dani Barretto sa pagbubunyag niya sa mga masasayang alaala niya kasama ang namayapang si Rico Yan.

Matatandaang naging ka-loveteam at nobyo ng kanyang tiyahing si Claudine Barretto si Rico Yan. Sa kanyang Instagram live, naitanong sa kanya ng kanyang mga followers kung ano ang hindi niya malilimutang alaala sa namayapang nobyo ng kanyang Tita na si Claudine.

Naibunyag ni Dani na hinahatid at sinusundo siya noon ni Rico sa paaralan. Minsan ay sinasama din umano siya ng kanyang Tito Rico sa paglalaro nito ng Badminton. Tinuruan din umano siya nito kung paano ang pagkain ng Strawberries.

Habang inaalala ni Dani ang kanilang mga alaala ay hindi niya napigil ang kanyang emosyon at napaluha.

Pagpapatuloy pa ni Dani, minsan ay doon umano siya natutulog sa condo nito na malapit lamang sa kanyang pinapasukang school.

Marami naman ang naantig sa ibinahagi ni Dani, lalong lalo na ang mga tagahanga ng aktor.

Pumanaw noong March 29, 2002 si Rico Yan. Ang unang nakakita sa kanya na wala ng buhay ay ang kasamahan niyang aktor na si Dominic Ochoa sa sariling silid habang nagbabakasyon sila noon sa isang resort sa Puerto Prinsesa, Palawan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo