Update!! Vhong Navarro, Humahagulgol Sa Kulungan Ayon Sa Kanyang Asawa!

Walang komento

Huwebes, Setyembre 29, 2022


Ilang araw na nakakalipas magmula ng sumuko ang actor-TV host na si Vhong Navarrro sa NB1 dahil sa naissue ang mga warrant of arrest sa mga isinampang kaso ni Deniece Cornejo laban sa kanya.

Sa naging interview kay Tanya Bautista, sinabi nitong nahihirapan na siya sa kanilang sitwasyon at humugot na lamang ng lakas mula sa mga kaibigan ni Vhong. Malaki rin ang pasasalamat ni Tanya sa ina ng dalawang anak ng aktor dahil sa buong suporta at tiwala nito para sa aktor.

Maging ang mga kasamahan ni Vhong sa It's Showtime ay tumutulong din umano sa kanila. Nagbibigay umano ang mga ito ng mga comforting words sa kanya at sa asawang si Vhong Navarro. Naitanong din kay Tanya kung kumusta ang kalagayan ni Vhong sa Detention center ng NBI.

Ayon kay Tanya, sinabi umano sa kanya ni Vhong na maayos naman ito sa loob at mabait ang kasamahan nito sa selda. Dagdag pa ni Tanya, tila nawala ang pagiging komedyante ni Vhong, hindi umano kaya nito na maging masaya sa kabila ng lahat. Wala na rin umano itong gana sa pagkain at lagi lamang nagtatanong tungkol sa kaso.

Ang nakakalungkot pa umano, sa tuwing nagpapaalam si Tanya dahil tapos na ang visiting hours ay nagiging emosyunal ito. Napahagulhol pa umano si Vhong sa oras ng pag-alis niya dahil kailangan na talaga.

Samantala, patuloy pa ring nilalakad ng legal team ni Vhong Navarro ang pansamantalang paglaya nito habang nililitis ang kaso.



Cristy Fermin Nag Reak Sa Mga Hanash Ni Kat Alano!

Walang komento


Isa sa mga napag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio sa kanilang vlog ang tungkol sa mga naging hanash ni Kat Alano sa social media kaugnay ng pagkakakulong ngayon ni Vhong Navarro.

Sa kanilang Showbiz Now Na, ibinahagi nina Cristy Fermin ang mga naging komento at reaction ng ilang mga netizens ukol sa pakikisawsaw ni Kat. Ipinunto ng ilang netizens kung bakit ngayon lamang umano ito umimik matapos ang mahabang panahon. Dapat ay kinasuhan na umano ni Kat si Vhong kung totoo man ito at hindi sa social media dumakdak  ng dumakdak.

Maging sina Manay Cristy ay tila hindi naniniwalang na rape itong si Kat Alano. Nakikisabay at nakikisawsaw lamang umano ito sa isyu na kinakaharap ni Vhong. Matatandaang noong naisyu si Vhong Navarro noong 2014 ay nakikiisyu din itong si Kat at ngayon sa muling pagkabuhay ng kaso, tila ay nakikisabay na rin ito.



Mamang Pokwang Ipinaghanda Si Lee O'Brian, Nagkabalikan Na Nga Ba? Basher Kaagad Sinagot!

Walang komento


Muling nagksama sina Pokwang at dating asawang si Lee O'brian para sa pagdiriwang ng kaarawan ng huli.

Si Pokwang pa umano ang mismong naghanda at nagluto para rito. Ibinahagi rin ni Pokwang ang isang video ng kanilang simpleng salo-salo at selebrasyon.


Samantala may isang netizen na agad na napakomento at sinabing bakit naghiwalay pa sila kung ganoon pari ang set up at sayang lamang umano ang luha. 

Agad naman itong sinagot ni Pokwang at sinabihang, "dahil pede naman matapos ang isang bagay sa buhay mo ng masaya ka ulit at wag mabuhay sa dilim yun yon! so ano pala gusto mi iyak ako buong buhay ko? hahhahaha shunga??"

Tila hindi na napigilan ni Pokwang ang inis at tinawag ng shunga ang basher.

Batikang Kapamilya Aktor-Kontra Sa Pagpili Kay Toni Gonzaga Bilang Bagong Endorser Ng Shop*e?

Walang komento


Mainit na usap-usapan ngayon sa social media ang pagpili kay Toni Gonzaga bilang bagong endorser ng Shopee.

Bilang pagpoprotesta, nagdelete at nagdeactivate ang ilang mga netizens ng kanilang mga shopee accounts at application. Ayon pa sa mga netizens, isang enabler si Toni Gonzaga na sumusuporta sa mga taong hindi mabuti.

Samantala, maging ang isang kilalang Kapamilya actor na si Jaime Fabregas ay nagbigay din ng komento hinggil sa pagkuha ng shopee kay Toni Gonzaga bilang bagong ambassador.

Ayon sa kanya, "I have deleted my Shopee account. Matagal ko nang gustong gawin dahil gastos pero ngayon nagkaroon ng mas malalim na dahilan."



Buong Detalye Ng Paghihirap Ni Heart Evangelista Sa IVF Para Magka-Anak Lamang Sila Ni Chiz Escudero!

Walang komento


Hindi lingid sa kaalaman ng mga followers ni Heart na nahihirapan siyang magbuntis.

Kamakailan lamang ay naibahagi ni Heart sa isang panayam ang tungkol sa isyung ito. Ikinuwento ni Heart sa nasabing interview ang lahat ng paghihirap na pinagdaanan para lamang mabuntis sa pamamagitan ng Invitro Fertilization.

Ang Invitro Fertilization ay isang komplikadong pamamaraan na tumutulong sa mga babaeng nahihirapang magbuntis.

Sa panayam, ibinahagi ni Heart ang mga paghihirap sa kanyang IVF journey. Inilalarawan ito ni Heart na napakahirap at napakasakit na sitwasyon. Ayon kay Heart tatlong beses sa isang araw siyang ini-injectionan sa loob ng dalawang linggo. Matapos ang maraming proseso, ibinahagi ni Heart na nakabuo sila ng perfect boy at perfect girl fetus.

Matatandaang nagbuntis na noon si Heart ng kambal, subalit sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nalaglag ang kanyang ipinagbubuntis taong 2018 nang mangyari ito. Iniwan kay Heart ang masakit na alaala. Matapos ang pangyayaring ito, labis na pressure ang kinaharap ni Heart lalo kapag may mga netizens na nagtatanong kung kailan siya magbubuntis.

Marami rin ang nagtatanong sa kanya kung bakit sa kabila ng kanyang edad ay hindi pa rin siya nagbubuntis at wala pang anak.

Pag-amin pa ni Heart, "Am I ready for a child? I actually have a baby boy and a baby girl waiting for me, but I'm really at this stage in my life where I ask myself, 'Do I want a child because I want a child?' or 'Do I want a child because the environment or culture dictates that I should have a child?'" 

Sa kabila ng lahat malaki pa rin ang pasasalamat ni Heart na may ganoong proseso na IVF, na nakakapagbigay ng opportunity sa mga kababaihan na nahihirapang magkaroon ng anak.



Kapamilya Aktor Piolo Pascual-Ayaw Nang Magka-Girlfriend?

1 komento


Sa pagkakaalam ng publiko na huling nagkaroon ng relasyon si Piolo Pascual ay noon pang 2010 kay KC Concepcion.

Tanong ngayon ng ilang mga netizens, kung may balak pa bang mag-asawa si Piolo Pascual? Agad namang nagkomento ang mga fans nito at sinabing baka napaka-pihikan lamang ni Piolo sa pagpili ng makakasama habang buhay.

Subalit, kamakailan lamang ay nagbigay ng pahayag si Piolo Pascual at binigyang linaw ang nasabing isyu.

"Hindi naman natin hinahanap yan. Kapag dumating, diyan na natin haharapin. Pero ngayon talaga po, okay naman ako. Nasanay na rin siguro na mag-isa. Hindi ko siya... I mean it's not something that I am excited to have, or something that I would want to have."

Dagdag pa ni Piolo, "For now, I would like to just focus on myself, and you know what I can do. Sanay na kasi talaga akong mag-isa. Kindi ko alam kung darating. Pag dumating, harapin na lang natin."




Toni Gonzaga New Endorsement Damay Sa Pag Cancel Ng Netizen!

Walang komento


Tila hindi pa rin nakakamove on ang ilang mga netizens sa mga nangyari noong nakaraang halalan. Hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinag-iinitan ng iba ang pagsuporta ni Toni Gonzaga sa UniTeam noon at patuloy pa ring kina-cancel ang actres-TV host.

May kinuhang bagong endorser ang isang kilalang online shopping site na Shopee, ito ay walang iba kundi si Toni Gonzaga. Ang nasabing site ay kilalang-kilala sa buong Pilipinas at marami ang nagsho-shopping rito.

Ngunit ang desisyon ito ng Shopee ay ikinadismaya ng ilang mga netizens lalong-lalo na ng mga may galit kay Toni Gonzaga. Ang ilan pa ay nagbabantang titigil sila sa paggamit ng online shopping  platform na ito dahil isa na si Toni Gonzaga sa mga endorser. May ilan pang nanawagang hindi ituloy ang pagkuha kay Toni Gonzaga.



Vice Ganda, Hindi Pa Rin Nakakam0ve 0n May Pas@ring Sa 'Unity'?

Walang komento


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang pagbibiro ni Vice Ganda sa segment ng It's Showtime na Palarong Pangmadla.

Naglaro ang mga It's Showtime hosts ng 'Best in Spelling'. Habang naglalaro, bigla na lamang sinabi ni Vice habang nakatingi sa baba na huwag na silang magsisihan, at magtulungan na lamang umano dahil Unity di'ba? Nagtawanan naman ang lahat ng It's Showtime habang naglalakad si Vice Ganda palayo.

Napansin din ng mga netizens ang salitang LIE na nabuo sa vest nina Kim, Vice at Ryan na nakadagdag sa kontrobersiya. Matatandaang isa si Vice sa mga celebrities na nagpahayag ng 100% support kay Leni Robredo na tumakbo sa pagka-pangulo nitong nakaraang halalan.



Tunay Na Dahilan Ng Pagiyak Ni Angelica Panganiban Ng Bisitahin Si Judy Ann Santos!

Walang komento


Kahapon September 28, 2022 ibinahagi ni Angelica sa kanyang mga followers na dumaranas siya sa isang sintomas ng Postpartum Depression.

Ibinahagi ni Angelica ang kanyang mga pinagdadaanan matapos manganak sa unang baby nila ni Gregg Homann. Hinala ni Angelica isa ito sa mga sintomas ng Postpartum Depression. Ang postpartum depression ay ang pagkakaramdam ng labis na kalungkutan. Ito ay kadalasang nararanasan ng mga babae matapos manganak.

Ayon kay Angelica 3-5 oras siyang walang tigil sa pag-iyak noong nakaraang araw. Kaya naman naisip ng asawa niyang si Gregg na pabibisitahin siya sa isa sa malapit na kaibigan nitong si Judy Anne Santos, nagbabaka-sakaling matulungan nito ang misis.

Labis namang natuwa si Angelica sa pagbisita niya sa bahay ng kaibigan.

"Magmula 1st trimester ng pregnancy, hanggang ngayon na nailabas ko na sa mundong ibabaw si Amila, walang tigil si ate juday sa pagpapadala ng care packages. Kulang na lang siya magpaanak sakin.  isang araw habang dinadama ko ang pag iyak sa loob ng 3hrs. (Postpartum na kaya yun?) nag suggest si gregg na baka gusto ko makita si ate, para na rin sa mental health ko. Agad agad ko inavail ang offer niya. At eto na nga ang itsura ng pagtitipon ng mga pamilya namin.. (Luh,, may pamilya na talaga me 🫠) THANK YOU Agoncillo family sa lahaaaat lahat. Napakabuti niyo sakin, kay Gregg at ngayon kay Bean. May mga pabaon pa si lunabun na very sanitized minnie mouse doll at may dessert pa from chef luna." post ni Angelica sa kanyang Instagram account.

Samantala nagbigay naman ng madamdaming mensahe para kay Angelica.

"Ang sarap mong panoorin ..pagmasdan at pakinggan.. dahil alam kong ito talaga ang matagal mong hinintay at ipinagdasal.. deserve na deserve mo dahil handang handa ka na.. binuo ka at pinagtibay ng Panginoon dahil may tamang tao talaga na ibibigay sayo.. yung aalagaan ka at mamahalin ka ng buong buo.. napakasaya ko para sayo sweetheart.. alam na ah.. pag gusto nyo mag date.. bukas na bukas ang bahay namin para kay Bean.. ay kasama pala kayo. 😝 andito lagi ang pamilya agoncillo para sa pamilya homan. Mahal na mahal namin kayo."

Kaagad namang nagkomento si Angelica at sinabing naiyak siya sa mensaheng ito ni Juday.


Enrique at Andie Gil Nakipag-Bonding Sa Mga Co-Stars Ni Liza Soberano sa "Lisa Frankenstien"

Walang komento

Miyerkules, Setyembre 28, 2022


Spotted ang magkapatid na Enrique Gil at Andie Gila na nakikipag-bonding sa mga co-star ni Liza Soberano sa debut movie nito sa Hollywood na Lisa Frankenstein.

Talagang full support ang mga ito kay Liza sa paagtupad sa pangarap nitong maging Hollywood star. Labis din na natutuwa ang mga tagahanga ng dalawa matapos makitang nagkasamang muli ang real life couple.

Samantala, dahil sa mga ibinahaging photos ni Andie makikitang madalas dalawin ng dalawa si Liza sa set ng pelikulang Lisa Frankenstein.



Heart Evangelista Inaming Napilay Na Ang Buhay at Di Na Makuhang Magpinta!

Walang komento


Sa biglaang paglalive ng aktres na si Heart Evangelista sa kanyang social media account nabigyan ng pagkakataona ang ilang mga netizens na makapatanong ng personal rito.

Isa mga napansin ng mga netizens ay ang sinabi ni Heart na mahalin ang sarili at alamin ang iyong self worth. Inamin din ni Heart na pilay na umano ang buhay nito kaya hindi na makakapag-paint. Inamin din ni Heart na matagal na siyang namamamalagi sa ibang bansa at hindi umuuwi sa Pilipinas.

Ipinunto din ni Heart na hindi pagiging makasarili ang pagmamahal muna sa sarili. Dapat ay pasahin muna ang sarili bago mapapasaya ang mga tao sa iyong paligid.



Matapos Makapanganak Angelica Panganiban Iyak Ng Iyak Humingi Ng Tulong Kay Judy Ann Santos

Walang komento


 Matapos ang isang linggo mula nang manganak si Angelica Panganiban sa isang napakacute na Baby Girl  ni Gregg Homan, patuloy pa rin ang pagiging emosyunal nito.

Sari-sari ang nararamdaman ngayon ni Angelica bilang first time. May mga araw umano na tatlong oras siyang umiiyak, na minsan ay iniisip niyang ito ay Post-partum Depression. Kaya naman para may makakausap ang aktres tinatawagan ni Angelica ang isa sa mga matatalik niyang kaibigan na si Judy Anne Santos.

Binisita din ng pamilya ni Judy Anne si Angelica sa bahay nito.

Ayon kay Angelica sa ibinahaging post niya sa Instagram, "Magmula 1st trimester ng pregnancy, hanggang ngayon na nailabas ko na sa mundong ibabaw si Amila, walang tigil si ate juday sa pagpapadala ng care packages. Kulang na lang siya magpaanak sakin.  isang araw habang dinadama ko ang pag iyak sa loob ng 3hrs. (Postpartum na kaya yun?) nag suggest si gregg na baka gusto ko makita si ate, para na rin sa mental health ko. Agad agad ko inavail ang offer niya. At eto na nga ang itsura ng pagtitipon ng mga pamilya namin.. (Luh,, may pamilya na talaga me 🫠) THANK YOU Agoncillo family sa lahaaaat lahat. Napakabuti niyo sakin, kay Gregg at ngayon kay Bean. May mga pabaon pa si lunabun na very sanitized minnie mouse doll at may dessert pa from chef luna "

Matatandaang noong September 20 isinilang ni Angelica Panganiban ang panganay nila ni Gregg Homan na pinangalanan nilang Amalia  Sabine.





Yari! Idol Raffy Tulfo Pinalie Detector Test Si Vhong Navarro at Kinagulat Ang Resulta?

Walang komento


 Patuloy pa rin ang pagbuhos ng suporta para sa actor-TV host na si Vhong Navarro matapos nitong mai-detain sa NBI dahil sa mga kasong isinampa ni Deniece Cornejo laban sa kanya.

Matatandaang nagwagi na noon si Vhong sa kasong ito matapos na ibinasura ng Department of Justice. Samantala, ayon sa amiong nakalap na balita, lumabas umano ngayong araw ang release paper ni Vhong Navarro matapos maghain ng not guilty plea ang abogado ni Vhong laban sa mga ibinibintang ng kampo ni Deniece.

Napapabalita rin noon ang umanoy tuloy ng ilang mga politiko para mas mapadali ang paglaya ni Vhong. Naniniwala umano ang mga ito na inosente si Vhong Navarro at walang katotohanan ang mga ibinibintang ng mga ito laban sa kanya.

Ayon naman sa isang source, sumailalim umano si Vhong Navarro sa lie detector test ni Raffy Tulfo upang masiguro ang kung nagsasabi ba ito ng totoo.

Matapos Magka-Anak! Angeline Quinto May Inamin Tungkol Sa Kanila Ng Kanyang Boyfriend!

1 komento


Masasabing napakasaya ng buhay pag-ibig ngayon ng singer na si Angeline Quinto matapos manganak sa unang Baby nila ng non-showbiz boyfriend na si Nonriv.

Makikita sa mga ibinabahaging update ni Angeline na masaya na siya sa buhay niya ngayon, ngunit ang kanilang pagsasama ay humarap rin ng mga pagsubok. Ibinunyag ni Angeline na marami ang tumutol sa kanilang pagsasama noon ni Nonriv.

Kabilang na rito ay ang kanyang manager. May pagkakataon din umanong tila nawawalan na siya ng pag-asa at nais na lamang sumuko sa relasyon nila noon ni Nonriv. Ngunit nanaig umano ang pagmamahal niya para rito at ipinaglaban ang kanilang relasyon.



Samantala sa kamakailang concert nina Angeline ibinahagi niyang naging extra special ang gabing iyon dahil sa panonood ng kanyang future mother-in-law. Kasunod naman nito ay ang pormal na pag-amin ni Angeline sa publiko na engaged na sila ng kanyang boyfriend na si Nonriv.

Ayon kay Angeline, naging makabuluhan ang kanilang paglalaban sa kanilang relasyon dahil naging masaya silang pareho lalo na ngayon nabiyayaan na sila ng supling. Naniniwala din umano si Angeline na magiging mabuting asawa at ama si Nonriv.

Sa ngayon ay wala pang detalye ibinahagi sina Angeline kung kailan magaganap ang kanilang wedding.

Vhong Navarro Nakakaawa Na Ang Kalagayan Deneadma Ng Malapit Na Kaibigan!

Walang komento


Sa nakaraang showbiz vlog ng talent manager na si Ogie Diaz, ibinulgar niya na may isang kaibigan hiningan ng tulong ni Vhong Navarro ngunit na seen-zoned lamang rito ang aktor.

Ayon kay Ogie Diaz, ang kaibigang ito ni Vhong ay may katungkulan sa gobyerno. Sinubukan umano ni Vhong Navarro na humingi ng tulong rito. Subalit, pinasa lamang sa ibang tao si Vhong at tila sinabihang doon na lamang humingi ng tulong.

"Anyway, syempre may mga ganun di ba, dun mo talaga mati-test ang mga tunay mong kaibigan, sa panahon na kailangang kailangan mo sila," ayon kay Ogie Diaz.

Kasalukuyan pa ring naka detain ngayon si Vhong Navarro sa detention center ng NBI matapos i-reject ng Court of Appeals ang inihain nilang Motion for Reconsideration.

Samantala, usap-usapan ngayon ng mga netizens kung sino ang kaibigang ito na tila tumalikod na kay Vhong. May mga nagsasabing ito ay si Jhong Hilario. Ngunit agad naman itong dinipensahan ng iba at sinabing hindi nito matitiis si Vhong.



Just in ! Tinanggal Ni Gerald Anderson Ang Komento Sa Ig Post Ni Rayver Na Kasama Si Bea Alonzo !

Walang komento


Tila hindi napansin ng aktor na si Gerald Anderson na kasama sa ibinahaging mga larawan nito ang dating kasintahan na si Bea Alonzo.

Matapos ang ilang sandali at 'nung tila mapagtanto nitong kasama si Bea ay kaagad nitong binura ang kanyang komento sa post ng kaibigang si Rayver Cruz. Nasa dulo kasi ang larawan kung saan kasama nila Rayver ang aktres na si Bea Alonzo.

"back in the city of angels 🇺🇸," caption ni Rayver sa kanyang Instagram post.


Agad namang nagkomento ang isa sa matatalik na kaibigan ni Rayver na si Gerald Anderson. Ayon kay Gerald, "without me?" with crying emoji. Binura naman agad ito ni Gerald makalipas ang ilang sandali ngunit agad naman itong nakunan ng screenshots ng ilang mga netizens.

Kasalukuyang nasa US ang apat na Kapuso artists para sa ilang concerts.

Cristine Reyes Naaksid3nte, Bumagsak Tumama Sa Sahig!

Walang komento


Nakakaramdam ngayon ng labis na pananakit sa likod ang aktres na si Cristine Reyes matapos niyang maaksidente habang nagwo-work out.

Nagbahagi ng isang video si Cristine sa kanyang social media account kung saan makikita ang kanyang pageexercise. Sinubukang maghead stand ni Cristine ngunit bigla siyang nawalan ng balanse at bumagsak sa sahig ang kanyang likod.

Sa una ay pinabayaan lamang ito ng actress ngunit ng tila hindi na niya nakayanan ang sakit ay nakapagdesisyon siyang magpatingin na sa doktor. Ayon kay Cristine pare-pareho lamang sinasabi ng kanyang 3 surgeon na nilapitan.

"I have had 2 orthopedic surgeons check my lumbar and a third opinion early this morning from an arthroscopic surgeon. I've been experiencing excruciating lower back pain."

Inassure naman ni Cristine ang mga taong nag-aalala sa kanya na kasalukuyan na siyang nagpapagaling at naresitahan na rin ng mga doktor.

Agad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagpapagaling para sa aktres.


Roberta Tamondong Pinapaboran Sa Miss Grand International 2022!

Walang komento

 

Nagsimula na noong Martes, September 27, 2022 ang paghahanda para sa top 10 pre-arrival ng mga kandidata para ika-10 edition ng Thailand-base pageant organization.

Maaaring bumuto at sumuporta sa mga napupusuang kandidata sa pamamagitan ng official Facebook at Instagram account ng Miss Grand International.

Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon, kabilang sa mga pinapaburang kandidata ngayon sa nasabing pageant ang ang pambato ng Pilipinas na si Roberta Tamondong. Bukod dito, umani rin ng papuri at likes sa social media ang mga representatives mula sa Thailand, Cambodia at Indonesia.

Matatandaang nanalong Ms. ECO Teen International si Roberta Tamondong noong December 6, 2020 sa Egypt. Ang Miss Grand International ang pangalawang international pageant na sinalihan ni Roberta.



Ang venue ng coronation night ng gaganaping Ms. Grand International ay sa Sentul International Convention Center sa West Java Province ng Indonesia. Sa darating na October 25, 2022 ang final show o coronation night ng Miss Grand International.

Dahil nasa isang Muslim country, walang swimsuit competition na magaganap bagkus ay pinalitan ito ng sportswear attire, na magaganap sa Bali, Indonesia sa darating na October 9, 2022. Pitumpo't dalawa ang mga sumaling kalahok sa 10th Miss Grand International. May ilan namang nagsasabing ang nasabing pageant ay isang malaking cooking show. Lalong-lalo ang ilang mga Pilipino na dismayado sa pagkakatalo ng representative sa kabila ng ipinakitang galing ng mga ito.

Akmang Hahalikan Ng Isang Fan Si Arthur Neri Sa Isang Music Fest!

Walang komento


Tila hindi nagpapigil ang isang fan ng singer-song writer na si Arthur Neri. Umakyat ito sa stage at mahigpit na niyakap ang singer. Balak pa nitong halikan ito kung hindi pa naawat ng isang security.

Habang nagpapasalamat si Arthur, bigla na lamang umakyat sa stage ang isang babaeng fan at naglambitin dito. Kumuha ito ng selfie at akma pang hahalikan ang singer. Agad namang lumapit ang ilang mga production staff para awatin ito at makontrol muli ang sitwasyon.



Bagama't nagulat, kalamado at ipinagpatuloy pa rin ng singer ang sinasabi. Pinagbigyan pa nito ang babae ng isang selfie.

Samantala, hindi nagustuhan ng mga fans ni Arthur na kilala sa tawag na Binhi ang ginawang ito ng babae. Ayon sa kanila, sa kabila ng pagiging public figure ng kanilang iniidolo, dapat pa ring irespeto ang private space nito. Napaka inappropriate umano ng ginawang ito ng babae  dahil naging awkward at uncomfortable ang artist.

Kapamilya Aktor-Hindi Marunong Magbasa at Magsulat?

Walang komento


Usap-usapan ngayon sa mundo ng showbiz ang isang Kapamilya actor na umaming hindi siya marunong sumulat at magbasa noong nag-uumpisa pa lamang siya sa showbiz.

Sa kasulukuyan ay marami itong mga projects at nakasama pa sa biggest Kapamilya blockbuster hit movie na Hello, Love Goodbye. Ayon sa kanya isa sa mga pinagsisihan niya sa kanyang buhay ay ang hindi pag-aaral.

"Well, oo regret ko pero hindi 100% na sobra kong kasalanan, 50-50. Hindi kasi ako nag-aral. Elementary lang. Hindi ako marunong magsulat. Pumunta ako sa ABS noon hindi ako marunong magsulat," pagbubunyag ni Anthony Jennings.

Dagdag niya pa, "Ako pa 'yung nagturo sa sarili kong magbasa, hindi talaga ako nag-aral, wala akong masyadong alam. Kasi nga personal problems, personal responbilities."



Mapapanood ang Kapamilya actor Anthony Jennings sa upcoming IwantTFC series na Tara G.

Manay Lolit Solis Hindi Pa Rin Tumitigil Sa Pambabas-t0s Kay Bea Alonzo!

Walang komento


Tila hindi na mawawala pa ang galit ni Manay Lolit Solis sa actress na si Bea Alonzo dahil sa umanoy pagpapakansel nito sa kanila sa isang event.

Ayon sa naging post ni Lolit Solis sa kanyang Instagram account, "Sayang naman Salve ang Start Up PH. Hindi daw masyado tinanggap ang kapareha ni Alden Richards dahil mukhang mas matanda sa kanya. Baka mag consult a lawyer na naman ang team Bea Alonzo pag sabihin ko na kasi naman dapat talaga mas bata ang partner ni Alden Richards, mga youngstars tulad nila Ysabel Ortega o Jillian Ward dahil Start Up, bagong graduate sa college na naghahanap ng trabaho. Mukhang tita Bea si Bea Alonzo kaya mas maganda pang si Yasmien Kurdi na lang sana ang nilagay sa role niya na kitang kita mo na talagang mukhang haggard na si Bea Alonzo. Puwede kaya i consult sa lawyer kung paano mapapabata ang mukha ni Bea Alonzo. Sayang iyon Start Up PH kasi ang ganda sana ng project, bagay na bagay kay Alden Richards na ang guwapo at fresh na fresh tignan. Siguro kundi si Bea Alonzo ang kasama ni Alden, baka bonggang bongga sana ang resulta ng Start Up PH. Baka mas mataas rating at lalong dadami everyday dahil maganda ang pagkakagawa. Hay naku, dapat consult a lawyer si Bea Alonzo para malaman why o why kailangan magpa cancel siya ng mga reporters sa kanyang presscon eh wala naman pala star power ang kanyang haggard beauty. Ang yabang ng dating na magpa cancel ng mga writers sa presscon eh hindi naman nag rate program niya na pati si Alden Richards nadamay sa jinx na dala ng team Bea. Naku ha, eye opener sa mga nagpa power play, tignan muna ang kakayahan ng mga stars nyo noh bago mag demand. Pag wala naman star power, dapat mabait noh, huwag maarte. May pa cancel at consult a lawyer pang nalalaman , ayaw ng 150K ni Atong Ang at Gretchen Barretto. Hayan tuloy, baka hindi na magbigay lovebox si Gretchen, sayang din, malapit na Pasko."



Agad namang umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens ang nasabing post ni Lolit. Hindi natutuwa pa ang mga netizens sa mga pinaggagawa ni Lolit Solis kay Bea. Komento pa ng ilan na dapat tigilan na ni Manay ang pang-iinsulto sa aktres dahil hindi naman siya pinapansin nito.

Ayon pa sa isa na dapat ay maging mabait si Lolit Solis dahil matanda na ito at maikli na lamang ang natitirang oras sa mundo.

Off to Paris Si Ruffa at Venice Para I-meet Si Yilmaz??

Walang komento

Martes, Setyembre 27, 2022


Labis na nag-enjoy ang mag-inang Ruffa Gutierrez at Venice Bektas sa kanilang bakasyon sa Milan, Italy.

Talagang sinulit ng mag-ina ang kanilang bakasyon lalong lalo na si Ruffa. Labis na nag-enjoy si Ruffa sa pakikipagbonding sa kanyang mga kaibigang nakabase roon.

Samantala, ang next destination nila sa trip to Europe ay sa Paris. Usap-usapan naman ngayon ng ilang netizens na makikipagkita umano si Ruffa sa ama ng kanyang mga anak roon. Matatandaang naiulat noon ang umano'y pangako ni Venice sa kanyang ama na muli silang magkikita sa Paris, France.

Pinagbigyan naman ito ni Ruffa dahil alam niyang matagal nang nangugulila ang anak sa kanilang ama.

Pokwang Ipinasilip Ang Kanyang Magandang Rest House!

Walang komento


Masayang ibinahagi ng comedian-actress na si Pokwang  ang kanyang ipinapagawang rest house sa Camaya Coast, Bataan.

Ayon sa Intagram post nito, ang ipinapagawang summer rest house ay para sa anak na si Malia.

"Our @camayacoast_ph summer house soon….. thank you papa God 🙏🏼 sakabila ng naantalang pagpapatayo dahil sa pandemic at kawalan ng sapat na raket para mapatapos ka, lumaban ako at nagpursige para sa pangarap ko sa mga mahal ko 🙏🏼 abangan sa bago kong vlog ang kabuuan ng summer house ni @malia_obrian at ate @maesubong soon this December," pagbabahagi ni Pokwang.

Kagaad namang umani ng mga positibong reaksyon at komento mula sa mga netizens ang ibinahaging ito ni Pokwang. Lalong lalo na dahil sa ipinakitang niyang pagpupursige na matapos ito sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap.

Matatandaang kamakailan lamang ay inamin ni Pokwang na naghiwalay na sila ng kanyang foreigner partner at kasalukuyan na itong nasa ibang bansa.

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo