Matapos Magka-Anak! Angeline Quinto May Inamin Tungkol Sa Kanila Ng Kanyang Boyfriend!

Miyerkules, Setyembre 28, 2022

/ by Lovely


Masasabing napakasaya ng buhay pag-ibig ngayon ng singer na si Angeline Quinto matapos manganak sa unang Baby nila ng non-showbiz boyfriend na si Nonriv.

Makikita sa mga ibinabahaging update ni Angeline na masaya na siya sa buhay niya ngayon, ngunit ang kanilang pagsasama ay humarap rin ng mga pagsubok. Ibinunyag ni Angeline na marami ang tumutol sa kanilang pagsasama noon ni Nonriv.

Kabilang na rito ay ang kanyang manager. May pagkakataon din umanong tila nawawalan na siya ng pag-asa at nais na lamang sumuko sa relasyon nila noon ni Nonriv. Ngunit nanaig umano ang pagmamahal niya para rito at ipinaglaban ang kanilang relasyon.



Samantala sa kamakailang concert nina Angeline ibinahagi niyang naging extra special ang gabing iyon dahil sa panonood ng kanyang future mother-in-law. Kasunod naman nito ay ang pormal na pag-amin ni Angeline sa publiko na engaged na sila ng kanyang boyfriend na si Nonriv.

Ayon kay Angeline, naging makabuluhan ang kanilang paglalaban sa kanilang relasyon dahil naging masaya silang pareho lalo na ngayon nabiyayaan na sila ng supling. Naniniwala din umano si Angeline na magiging mabuting asawa at ama si Nonriv.

Sa ngayon ay wala pang detalye ibinahagi sina Angeline kung kailan magaganap ang kanilang wedding.

( Hide )
  1. Sana lang wag Nyang PAGSISIHAN Ang pagsuway nya... Pano Kung di Yan pag ibig! Sana malusutan nila Ang mga PAGSUBOK... God bless ate...

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo