Vhong Navarro Nakakaawa Na Ang Kalagayan Deneadma Ng Malapit Na Kaibigan!

Miyerkules, Setyembre 28, 2022

/ by Lovely


Sa nakaraang showbiz vlog ng talent manager na si Ogie Diaz, ibinulgar niya na may isang kaibigan hiningan ng tulong ni Vhong Navarro ngunit na seen-zoned lamang rito ang aktor.

Ayon kay Ogie Diaz, ang kaibigang ito ni Vhong ay may katungkulan sa gobyerno. Sinubukan umano ni Vhong Navarro na humingi ng tulong rito. Subalit, pinasa lamang sa ibang tao si Vhong at tila sinabihang doon na lamang humingi ng tulong.

"Anyway, syempre may mga ganun di ba, dun mo talaga mati-test ang mga tunay mong kaibigan, sa panahon na kailangang kailangan mo sila," ayon kay Ogie Diaz.

Kasalukuyan pa ring naka detain ngayon si Vhong Navarro sa detention center ng NBI matapos i-reject ng Court of Appeals ang inihain nilang Motion for Reconsideration.

Samantala, usap-usapan ngayon ng mga netizens kung sino ang kaibigang ito na tila tumalikod na kay Vhong. May mga nagsasabing ito ay si Jhong Hilario. Ngunit agad naman itong dinipensahan ng iba at sinabing hindi nito matitiis si Vhong.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo