Roberta Tamondong Pinapaboran Sa Miss Grand International 2022!

Miyerkules, Setyembre 28, 2022

/ by Lovely

 

Nagsimula na noong Martes, September 27, 2022 ang paghahanda para sa top 10 pre-arrival ng mga kandidata para ika-10 edition ng Thailand-base pageant organization.

Maaaring bumuto at sumuporta sa mga napupusuang kandidata sa pamamagitan ng official Facebook at Instagram account ng Miss Grand International.

Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon, kabilang sa mga pinapaburang kandidata ngayon sa nasabing pageant ang ang pambato ng Pilipinas na si Roberta Tamondong. Bukod dito, umani rin ng papuri at likes sa social media ang mga representatives mula sa Thailand, Cambodia at Indonesia.

Matatandaang nanalong Ms. ECO Teen International si Roberta Tamondong noong December 6, 2020 sa Egypt. Ang Miss Grand International ang pangalawang international pageant na sinalihan ni Roberta.



Ang venue ng coronation night ng gaganaping Ms. Grand International ay sa Sentul International Convention Center sa West Java Province ng Indonesia. Sa darating na October 25, 2022 ang final show o coronation night ng Miss Grand International.

Dahil nasa isang Muslim country, walang swimsuit competition na magaganap bagkus ay pinalitan ito ng sportswear attire, na magaganap sa Bali, Indonesia sa darating na October 9, 2022. Pitumpo't dalawa ang mga sumaling kalahok sa 10th Miss Grand International. May ilan namang nagsasabing ang nasabing pageant ay isang malaking cooking show. Lalong-lalo ang ilang mga Pilipino na dismayado sa pagkakatalo ng representative sa kabila ng ipinakitang galing ng mga ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo