Cristine Reyes Naaksid3nte, Bumagsak Tumama Sa Sahig!

Miyerkules, Setyembre 28, 2022

/ by Lovely


Nakakaramdam ngayon ng labis na pananakit sa likod ang aktres na si Cristine Reyes matapos niyang maaksidente habang nagwo-work out.

Nagbahagi ng isang video si Cristine sa kanyang social media account kung saan makikita ang kanyang pageexercise. Sinubukang maghead stand ni Cristine ngunit bigla siyang nawalan ng balanse at bumagsak sa sahig ang kanyang likod.

Sa una ay pinabayaan lamang ito ng actress ngunit ng tila hindi na niya nakayanan ang sakit ay nakapagdesisyon siyang magpatingin na sa doktor. Ayon kay Cristine pare-pareho lamang sinasabi ng kanyang 3 surgeon na nilapitan.

"I have had 2 orthopedic surgeons check my lumbar and a third opinion early this morning from an arthroscopic surgeon. I've been experiencing excruciating lower back pain."

Inassure naman ni Cristine ang mga taong nag-aalala sa kanya na kasalukuyan na siyang nagpapagaling at naresitahan na rin ng mga doktor.

Agad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagpapagaling para sa aktres.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo