Matapos Makapanganak Angelica Panganiban Iyak Ng Iyak Humingi Ng Tulong Kay Judy Ann Santos

Miyerkules, Setyembre 28, 2022

/ by Lovely


 Matapos ang isang linggo mula nang manganak si Angelica Panganiban sa isang napakacute na Baby Girl  ni Gregg Homan, patuloy pa rin ang pagiging emosyunal nito.

Sari-sari ang nararamdaman ngayon ni Angelica bilang first time. May mga araw umano na tatlong oras siyang umiiyak, na minsan ay iniisip niyang ito ay Post-partum Depression. Kaya naman para may makakausap ang aktres tinatawagan ni Angelica ang isa sa mga matatalik niyang kaibigan na si Judy Anne Santos.

Binisita din ng pamilya ni Judy Anne si Angelica sa bahay nito.

Ayon kay Angelica sa ibinahaging post niya sa Instagram, "Magmula 1st trimester ng pregnancy, hanggang ngayon na nailabas ko na sa mundong ibabaw si Amila, walang tigil si ate juday sa pagpapadala ng care packages. Kulang na lang siya magpaanak sakin.  isang araw habang dinadama ko ang pag iyak sa loob ng 3hrs. (Postpartum na kaya yun?) nag suggest si gregg na baka gusto ko makita si ate, para na rin sa mental health ko. Agad agad ko inavail ang offer niya. At eto na nga ang itsura ng pagtitipon ng mga pamilya namin.. (Luh,, may pamilya na talaga me 🫠) THANK YOU Agoncillo family sa lahaaaat lahat. Napakabuti niyo sakin, kay Gregg at ngayon kay Bean. May mga pabaon pa si lunabun na very sanitized minnie mouse doll at may dessert pa from chef luna "

Matatandaang noong September 20 isinilang ni Angelica Panganiban ang panganay nila ni Gregg Homan na pinangalanan nilang Amalia  Sabine.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo