Akmang Hahalikan Ng Isang Fan Si Arthur Neri Sa Isang Music Fest!

Wednesday, September 28, 2022

/ by Lovely


Tila hindi nagpapigil ang isang fan ng singer-song writer na si Arthur Neri. Umakyat ito sa stage at mahigpit na niyakap ang singer. Balak pa nitong halikan ito kung hindi pa naawat ng isang security.

Habang nagpapasalamat si Arthur, bigla na lamang umakyat sa stage ang isang babaeng fan at naglambitin dito. Kumuha ito ng selfie at akma pang hahalikan ang singer. Agad namang lumapit ang ilang mga production staff para awatin ito at makontrol muli ang sitwasyon.



Bagama't nagulat, kalamado at ipinagpatuloy pa rin ng singer ang sinasabi. Pinagbigyan pa nito ang babae ng isang selfie.

Samantala, hindi nagustuhan ng mga fans ni Arthur na kilala sa tawag na Binhi ang ginawang ito ng babae. Ayon sa kanila, sa kabila ng pagiging public figure ng kanilang iniidolo, dapat pa ring irespeto ang private space nito. Napaka inappropriate umano ng ginawang ito ng babae  dahil naging awkward at uncomfortable ang artist.

No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo