Manay Lolit Solis Hindi Pa Rin Tumitigil Sa Pambabas-t0s Kay Bea Alonzo!

Miyerkules, Setyembre 28, 2022

/ by Lovely


Tila hindi na mawawala pa ang galit ni Manay Lolit Solis sa actress na si Bea Alonzo dahil sa umanoy pagpapakansel nito sa kanila sa isang event.

Ayon sa naging post ni Lolit Solis sa kanyang Instagram account, "Sayang naman Salve ang Start Up PH. Hindi daw masyado tinanggap ang kapareha ni Alden Richards dahil mukhang mas matanda sa kanya. Baka mag consult a lawyer na naman ang team Bea Alonzo pag sabihin ko na kasi naman dapat talaga mas bata ang partner ni Alden Richards, mga youngstars tulad nila Ysabel Ortega o Jillian Ward dahil Start Up, bagong graduate sa college na naghahanap ng trabaho. Mukhang tita Bea si Bea Alonzo kaya mas maganda pang si Yasmien Kurdi na lang sana ang nilagay sa role niya na kitang kita mo na talagang mukhang haggard na si Bea Alonzo. Puwede kaya i consult sa lawyer kung paano mapapabata ang mukha ni Bea Alonzo. Sayang iyon Start Up PH kasi ang ganda sana ng project, bagay na bagay kay Alden Richards na ang guwapo at fresh na fresh tignan. Siguro kundi si Bea Alonzo ang kasama ni Alden, baka bonggang bongga sana ang resulta ng Start Up PH. Baka mas mataas rating at lalong dadami everyday dahil maganda ang pagkakagawa. Hay naku, dapat consult a lawyer si Bea Alonzo para malaman why o why kailangan magpa cancel siya ng mga reporters sa kanyang presscon eh wala naman pala star power ang kanyang haggard beauty. Ang yabang ng dating na magpa cancel ng mga writers sa presscon eh hindi naman nag rate program niya na pati si Alden Richards nadamay sa jinx na dala ng team Bea. Naku ha, eye opener sa mga nagpa power play, tignan muna ang kakayahan ng mga stars nyo noh bago mag demand. Pag wala naman star power, dapat mabait noh, huwag maarte. May pa cancel at consult a lawyer pang nalalaman , ayaw ng 150K ni Atong Ang at Gretchen Barretto. Hayan tuloy, baka hindi na magbigay lovebox si Gretchen, sayang din, malapit na Pasko."



Agad namang umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens ang nasabing post ni Lolit. Hindi natutuwa pa ang mga netizens sa mga pinaggagawa ni Lolit Solis kay Bea. Komento pa ng ilan na dapat tigilan na ni Manay ang pang-iinsulto sa aktres dahil hindi naman siya pinapansin nito.

Ayon pa sa isa na dapat ay maging mabait si Lolit Solis dahil matanda na ito at maikli na lamang ang natitirang oras sa mundo.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo