Sinugod Sa Hospital! Pamilya Kaibigan Humihingi Ng Dasal Para Sa Senador!

Walang komento

Biyernes, Setyembre 2, 2022

Labis na ikinagulat ng lahat ang balitang isinugod sa hospital si Sen. Bong Revilla.

Ikinabigla ng lahat ng mabasa ang post ng right hand at itinuturing na pamilya ng Senador na si Porsia Ilagan. Nagpost ito kamakailan tungkol kay Sen. Bong Revilla. Humihingi ito ng tulong sa Panginoon upang pagalingin si Sen. Bong Revilla Jr.

Sa Instagram nagbahagi naman ng update ang Manager ng actor-politician na si Lolit Solis. Ayon sa kanyang update, "Scary ang dating sa akin ng balita na isinugod si Bong Revilla sa hospital, Salve. Alam mo na isa si Bong Revilla sa mga mahal na mahal kong alaga. Napakabait at napakalaki ng puso ni Bong sa mga tao, kaya people friendly siya. Madaling lapitan, hindi namimili ng kausap, talagang sincere sa pakikipagkaibigan. Kaya mabuti na lang at isang minor stomach pain lang pala ang dahilan, pero mabuti at na diagnose agad. Dapat talagang ingatan ni Bong ang kanyang health, napakarami pa niyang dapat gawin at magagawa, kailangan niya ang malusog na katawan para maharap ang trabaho. Saka tandaan mo Bong na isa ka sa mag aalaga sa akin, kaya ako dapat mauna sa iyo noh, wala kang karapatan mauna sa akin. Promise mo iyan, tuparin mo. Kundi, magagalit ako. Stay healthy and strong always, my ever favorite Bong Revilla, Promise."

Hiling ni Manay ang lubusang paggaling nito at panunumbalik ng lakas dahil kailangan ito sa kanyang trabaho. Sinabi rin ni Manay na ito ay isa sa kanyang pinakapaborito.



Matatandaang ibinahagi ni Manay ang pagsasabi umano ni Sen. Bong Revilla Jr. sa kanyang mga doktor noong na-ospital siya na gawin ang lahat para pagalingin siya. Sinagot din ng Sen. ang lahat ng gastusin ni Manay Lolit sa hospital.

Jovelyn Galleno Case Di Matapos Tapos Na Turuan, Suspek Bumaliktad, Bagong Tinuturo Dumepensa!

Walang komento

Pagkatapos lumabas ang resulta ng isinagawang DNA test sa kalansay na natagpuan nitong August 23 ng madaling araw, bumaligtad ang pinsan ni Jovelyn Galleno na unang umamin na kasabwat at may kinalaman siya sa pagpaslang rito.

Bigla na lamang nag-iba ang ihip ng hangin at bumaliktad si Leobert Dasmasrinas. Isiniwalat nito ang pagtotorture umano sa kanya sa kulungan upang aminin ang krimen ng pagpaslang kay Jovelyn Galleno. Naka set-up na umano ang lahat bago pa man ang kanyang pag-amin. Pinagbabantaan din umano nito ang kanyang pamilya. Ang itinuturong mastermind ni Leobert ay isang mataas na opisyal ng pulisya na si Richard Ligad.

Ibinahagi ang confession video ni Leobert sa kanyang pamilya sa programa ni Sen. Raffy Tulfo. Sa nasabing video makikita ang paghingi ng tulong ni Leobert sa kanilang pamilya at maging sa ina mismo ni Jovelyn at kay Raffy Tulfo.



Ani Leobert, mamamatay umano siya. Kitang-kita naman kay Leobert ang takot at nanginginig pa umano ito.

Matatandaang kasama si Richard Ligad sa mga pulis na rumesponde nang ituro ni Leobert kung saan makikita ang cellphoone ni Jovelyn. Isa rin ito sa mga nainis nang sinabi ni Leobert na kaya niyang sumisid sa ilog upang mahanap ang itinapong cellphone.

Sa programa ni Sen. Raffy Tulfo sinubukan nitong kausapin si Richard ngunit hindi ito makontak. Ngunit sa isang Facebook live tila sinagot ni Richard Ligad ang mga alegasyon sa kanya ni Leobert at pinagdidiinang inosente siya. Sinabi rin nito na hindi siya nagtatago at nagkataon lamang umano na mahina ang signal kaya hindi siya nakuntak ng mga staff ni Sen. Raffy Tulfo. 

Isiniwalat Na! Zanjoe Marudo Isinapubliko Ang Pagbubuntis Ni Ria Atayde?!

Walang komento

Pagbubuntis ni Ria Atayde isinapubliko na ni Zanjoe Marudo.

Matagal nang nananahimik si  Zanjoe Marudo matapos na magkahiwalay ng dating nobya nitong isang model. Matatandaang naging pribado ang naging relasyon ng dalawa.

Samantala, ngayong taon laging spotted na magkasama si Zanjoe Marudo kasama si Ria Atayte. Si Ria Atayde ay malapit na kaibigan ng magjowang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at common friend naman ng mga ito si Zanjoe. Matatandaang nakasama ng magkasintahan ang dalawa noon sa isang beach gateaway.

Ayon sa mga ulat, nagkalapit umano sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo sa bawat pagsasama nila. Usap-usapan ngayon ang umano'y relasyon nina Ria at Zanjoe. Ang spekulasyong ito ay kaagad umani ng samu't-saring reaction at komento mula sa mga netizens.



May mga hindi pabor at sinabing bakit sa dinami raming babae ay si Ria pa ang napili ni Zanjoe. Mga babaeng mas sexy at maganda kay Ria. Ngunit agad naman itong ipinagtanggol ng kanyang mga fans at sinabing nagmumula naman si Ria sa isang respetadong pamilya.

Usap-usapan din ng mga netizens ang umano'y pagbubuntis ni Ria Atayde at ang itinuturong ama nito ay si Zanjoe Marudo. Nag-ugat ang usaping ito matapos may lumabas na blind item mula sa isang reliable source.

Samantala, tila ninanais muna nina Zanjoe at Ria na isapribado muna ang kanilang relasyon. Dahil na rin sa ilang mga netizens napanghusga.

Jason Abalos and Vickie Rushton Ikinasal Na!

Walang komento

Huwebes, Setyembre 1, 2022


Ikinasal na ang aktor na si Jason Abalos sa kanyang long time girlfriend na si Vickie Rushton, ngayong araw ng Huwebes, September 1, 2022.

Ginanap ang church wedding ng dalawa sa San Antonio De Padua Parish Silang, Cavite.

Sa mga ibinaging video makikita ang mga kaganapan sa kasal nina Jason at Vickie. Makikita din ang labis na pagmamahal at tuwa ng dalawa para sa isa't-isa. Naging emosyunal naman at napaluha pa si Jason habang naglalakad palapit sa kanya ang kanyang bride.

Present sa kasalan nila ang kani-kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz.



Willie Revillame "Helicopter Unboxing"

Walang komento

Masayang ibinahagi ni Kuya Wil sa publiko ang pag-unbox sa kanyang bagong biling helicopter.

Napakabongga talaga nito dahil alam naman ng lahat na hindi biro ang halaga ng nasabing sasakyan na binili ni Willie para ireogalo sa kanyang sarili.

Ayon sa kwento ni Kuya Wil, hindi naging madali ang pagbili niya ng helicopter dahil kinailangan pa niyang mag-enroll at dumaan sa maraming proseso upang magkaroon ng authority at payagang magmay-ari ng sariling helicopter.

Matatandaang naikwento ni Kuya Wil ang kanyang buhay noon at ang mga pinagdaanan niyang hirap bago niya makamit ang tinatamasang tagumpay ngayon.

 

Pambansang Kolokoy Hiwalay Na Sa Asawa, Perfect Couple Sa Camera Lang Daw!

Walang komento


 Inamin na ni Pambansang Kolokoy na naghiwalay na sila ng kanyang asawang si Marites matapos ang mahigit dalawang dekadang pagsasama bilang mag-asawa.

Sa ibinahaging video ni Pambansang Kolokoy sa kanyang vlog na pinamagatang 'peace of mind' ibinunyag nito na hiwalay na sila ng kanyang asawa. Matatandaang ilang linggo pa lamang ang lumipas nang tila pabulaanan nito ang chismis na naghiwalay na sila ng kanyang asawa at sinabing may suot pa siyang wedding ring.

Ngunit, sa pagbasag niya sa kanyang katahimikan hinggil sa hiwalayan nila ng kanyang asawa, ibinunyag din ni Pambansang Kolokoy na sa harap lamang sila ng kamera perfect couple ng kanyang asawa at iba naman sila sa likod nito at sa totoong buhay nila.

Hindi man nito binanggit ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay, agad na hinulaan ng mga netizens na third party ang naging sanhi ng kanilang paghihiwalay. Sa nasabing vlog, ibinahagi rin kasi ni Pambansang Kolokoy na may iba na siyang kinakasama ngayon at masaya siya sa kanyang desisyon na makipaghiwalay kay Marites. Hindi umano siya nagsisisi. Nasa maayos naman umanong kalagayan ang kanilang mga anak ni Marites.



Just in: Veteran Actress Jacklyn Jose Tuluyan Ng Namaalam!

Walang komento


Marami ang nagulat at nalungkot sa biglaang pamamaalam ni Jacklyn Jose sa mundo ng showbiz.

Labis na ikinagulat ng lahat ng inanunsyo ni Jacklyn Jose sa pamamagitan ng kanyang Facebook at Instagram account na magreretiro na siya at mamaalam na ng tuluyan sa mundo ng showbiz sa edad na 58 taon.

Ibinahagi ng aktres ang kanyang larawang kuha noong GMA Gala Night na may caption na magreretire na siya at nagpapasalamat siya sa lahat.

Ang pagreretire na ito ng batikang aktres ay may kinalaman sa kanyang mga anak at amo. Nais umano nitong bigyan ng oras ang kaniyang mga anak at apo kay Andi.

Samantala, marami man ang nalungkot sa pamamaalam na ito ni Jacklyn, nauunawaan naman ng iba ang nais nitong gawin at nirerespeto ang kanyang desisyon.

Noong 1984 nagsimula ang showbiz career ni Jacklyn matapos siyang ipakilala isa sa makakasama sa Chikas. Matapos ang kanyang launching ay hindi na natigil si Jacklyn sa pag-arte hanggang sa kasalukuyan. Si Jacklyn Jose ay ang unang Pilipinong pinangaralan ng mataas na karangalan sa Prestihiyosong Film Festival sa buong mundo.

May mga kumakalat na usap-usapan na malaki ang naging epekto kay Jacklyn ang biglaang pagpanaw ng kanyang hipag na si Cherie Gil at tila napagtanto nitong kailangang bigyan ng mas malaking oras ang pamilya.



Samantala, sa ngayon ay deleted na ang nasabing Instagram post ni Jacklyn.

Kim Chiu at Xian Lim, Goodbye Na Naman Sa Isa't-Isa!

Walang komento


Muling nagkahiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim dahil balik lock in taping na naman ang aktor para sa panibagong proyekto nito.

Sa kanyang social media account ibinahagi ni Xian ang kanyang larawang kuha sa loob ng eroplano. Papunta na ito sa location ng kanilang shoot. May ibinahagi rin silang screenshot mula sa video call nila ni Kim bago lumipad ang eroplano.

Samantala, ibinahagi naman ni Kim sa kanyang Instagram stories ang quote na "take your time".

Matatandaang, nagkasama ang magjowa sa pelikulang Always na malapit nang mapapanood.



Jovelyn Galleno Update! Leobert DasmariÑas Nilaglag Si Director Richard Ligad!

Walang komento

Sinabi ni Jonalyn Galleno sa panayam sa kanya ni Raffy Tulfo ngayong araw, September 1, 2022 na isa umano sa mataas na opisyal sa LGU sa Puerto Princesa ang namilit kay Leobert Dasmarinas na aminin ang ginawang krimen kay Jovelyn Galleno.

Ayon kay Jonalyn, inamin umano ng kanilang pinsan na si Leobert na pinilit lamang umano siya ng isang opisyales para umamin sa pagpaslang kay Jovelyn kahit hindi nila ito ginawa. Pinagbabantaan din diumano nito ang buhay ni Leobert at maging ang pamilya nito.

Ayon umano kay Leobert, dinidiktahan umano siya at pinagbabantaan. Naka-set up na din umano ang lahat.

 

International Singer Na Si Nicki Minaj Napa Reak Sa Video Ng Actor Na Si Joshua Garcia!

Walang komento

Hindi na maitatanggi ang kasikatang tinatamo ngayon ni Joshua Garcia.

Maging ang sikat na international singer na si Nicki Minaj ay napa heart react na rin sa latest Tiktok video na ibinahagi ng aktor. Agad namang nagviral ang nasabing TikTok video na umabot na sa million views sa loob ng isang araw.

Kasalukuyang mapapanood si Joshua Garcia sa Darna na gumanap bilang isang love interest ni Narda/Darna.

Samantala ang pagrereact ni Nicki Minaj sa TikTok video ni Joshua ay umani ng samu't-saring komento at reaction mula sa mga netizens.

 

Yari! Carlo Aquino Umamin Sa Relasyon Nila Ni Julia Barretto! Gerald Anderson Nanggigil!

Walang komento

Labis na humahanga at bumilib kay Julia Barretto ang kanyang leading man ngayon na si  Carlo Aquino. Ito ang unang pagkakataon na nagkasama sila sa isang proyekto.

Napatunayan ni Carlo Aquino ang galing at husay ni Julia sa pag-arte. Gagampanan ni Carlo ang papel ng isang guro na wala pang karanasan. Kaya naman tinutukso ito ng kanyang mga studyante. Isang bayarang babae naman ang gagampanan ni Julia sa papel ni Candy na magbibigay ng kakaibang karanasan kay Carlo.

Inamin ni Carlo na nahihirapan siya sa kanyang role dahil mahirap umanong tingnan si Julia ng may malisya dahil nakikita na niya ito noon pang bata pa ito. Hindi umano niya inexpect na magkakasama sila sa isang movie na may ganitong genre.

Sa kwento, pataas ng pataas umano ang ibabayad ni Carlo sa bawat paggamit kay Julia kaya Expensive Candy ang pamagat.



Samantala, sa gitna ng kanilang proyekto napapabalita naman ang pagkakalabuan di umano ng magkasintahang Julia Barretto at Gerald Anderson. Isa sa mga tinitingnang dahilan ay ang pagkakasama sa proyekto nina Gerald Anderson at Kylie Padilla at ang paglipat ng genre ni Julia Barretto kung saan nakasama niya si Carlo Aquino.

Lagot Na! Ace Fabian Ikinanta Ng Mga Suspek!

Walang komento


May panawagan kay Sen. Raffy Tulfo ang mga suspek sa pagpaslang kay Jovelyn Galleno. Ayon sa kanila ginigipit umano sila ng totoong may sala at maging ang kanilang pamilya ay pinagbabantaan rin nito.

Humihingi ngayon ng tulong si Leobert Dasmarinas kay Sen. Raffy Tulfo upang matulungan siyang malinis ang kanyang pangalan at hindii na  masangkot sa kaso.

Matatandaang inamin noon ni Leobert na isa siya sa mga nagplano sa karumal-dumal na ginawa kay Jovelyn Galleno at itinuro pa mismo ang kinaroroonan nito at kung saan makikita ang mga kagamitan nito. Ngunit, hindi pa man lumabas ang resulta ng DNA test biglang binawi ni Leobert ang kanyang pahayag.

Samantala, marami ngayon ang naging curious kung sino nga ba ang totoong utak ng nagawang krimen kay Jovelyn Galleno.



Pina-Laya Na Ang Pinsan Ni Jovelyn Galleno Pero Nangangamba Siya!

Walang komento

Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang pagpapalaya ng isang suspek sa kaso ni Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmarinas.

Sa paglaya ni Leobert, makikita ang pangamba sa kanyang mukha na tila ba may nagmamanman sa kanya. Napansin din ito ng nakababatang kapatid ni Jovelyn Galleno na si Jonalyn Galleno. Nang minsang makausap niya si Leobert makikita umano sa mukha nito ang takot.

Matatandaang inamin noon ni Leobert na hindi si Jovelyn ang natagpuang kalansay. Tila napilitan lang talaga itong akuin ang krimen. Samantala, ikinagulat ngayon ng mga netizens ang pagpyansa ni Leobert sa halagang 100,000 pesos.



Ayon sa mga pulis, accurate na umano ang lumabas na resulta ng DNA test at hindi na magbabago.

 

Herlene Di Makapaniwala Sa Ginawa Ng Jag Company Sa Prize Niya Sa Binibining Pilipinas!

Walang komento


Labis na inaabangan ang mananalong Jag Denim Queen sa Bb. Pilipinas. Ngayong taon si Herle Nicole Budol ang nakakuha sa titulong ito.

Ang mapapanalunang cash prize ay dapat nasa 100,000 pesos, ngunit hindi umano ito tinupad ng Jag. Sa halip na 100,000 pesos, dinoble ng Jag ang kanilang cash prize para sa nanalong kandidata.

Ayon sa Facebook post ni Herlene ang hinihiling niya lamang noon ay magkaroon ng kisame ang kanilang tahanan upang kahit papaano ay hindi mainitan ang kanyang tatay at nanay ngunit house and lot ang ibinigay sa kanya sa tulong ng Panginoon at sa pamamagitan ng kanyang Manager na si Wilbert Tolentino.

"Ang lakas ko tlga kay Lord. dati yung hiling ko lang ay magkaron lang kami ng Kisame para d mainitan sila tatay at Nanay pero Nagkaron ako ng House & lot dahil kay Sir Wilbert Tolentino.

Ngayon, History repeats itself. Yung JAG DENIM QUEEN sa Jag Jeans Company ay 100k lamang ang premyo ang na Annunsyo ng Binibining Pilipinas 2022. Na ginulat naman ako today sa natanggap ko dahil dinouble prize nila ang Premyo. Super Happy ako dahil bonus pa yung may LED Billboard pa ako sa Edsa. Sobrang Solid pag sali ko sa BBP. Wala akong regret at marami ako natutunan sa patimpalak naranasan ko.
Marami Maraming Salamat Mima Wilbert Tolentino sa pag bantay ng Voting at araw araw mag promote sa lahat ng socmed namin ni Ate Madam inutz. Kht may nag Auto likes. Di ka nawalan ng pag asa at tuloy tuloy mo ilinaban hanggang sa dulo lahat ng Sponsor ng BBP. indi ko ma imagine sa loob ng 58 yrs ng Binibining Pilipinas at ako palang nakapag record breaking na naka uwi ng WALONG AWARD at 1st Runner up. Salamat sa motivation at inspirasyon. Your the best po Mima. Mahal ka ng buong KaSquammy, KaBudol at KaHiponatics ko dyan. God bless everyone."

Masayang ibinahagi rin ni Herlene na dinoble ng Jag ang ibinigay na premyo sa kanya at may bunos pang LED billboard.

Napaka blessed talaga ni Herlene dahil sa kabila ng unang sabak sa National pageant nag-uwi na siya ng maraming awards at itinanghal pa bilang first runner up.



Samantala, sa darating na November lalaban si Herlene bilang Miss Planet Philippines at susubukang iuwi ang korona ng Miss Planet sa Pilipinas. Tiyak magagamit ni Herlene sa Miss Planet pageant ang mga karanasan niya sa Bb. Pilipinas.

Abs-Cbn-Tv5 Partnership Deal-Tuloyan Nang Kinansela?

Walang komento

Tuluyan nang kinansela ang investment partnership sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.

Ayon sa inilabas na official statement na inilabas ng ABS-CBN ngayong araw, September 1, 2022.

"In disclosures to both the Philippine Stock Exchange and the Securities Exchange Commission today, Sky Vision Corporation (“Sky Vision”), ABS-CBN Corporation, Lopez, Inc., and Cignal Cable Corporation (“Cignal Cable”) announced that they have mutually agreed to terminate the Sale and Purchase Agreement dated 10 August 2022 covering the proposed acquisition by Cignal Cable of 38.88% equity interest in Sky Cable Corporation and the Debt Instruments Agreement dated 10 August 2022 covering the proposed subscription by Cignal Cable to an Exchangeable Debt Instrument to be issued by Sky Vision and the proposed acquisition by Cignal Cable of a Convertible Note issued by Sky Cable. The termination was formalized through a Memorandum of Agreement. The Parties confirmed that they have not implemented any of the transactions covered by the Sale and Purchase Agreement and the Debt Instruments Agreement.
 
In a separate disclosure, TV5 Network, Inc. (“TV5”) and ABS-CBN Corporation ("ABS-CBN") also announced that they have mutually agreed to terminate the Investment Agreement dated 10 August 2022 covering the proposed acquisition by ABS-CBN of 34.99% equity interest in TV5 and the Convertible Note Agreement dated 10 August 2022 covering the proposed subscription by ABS-CBN to a Convertible Note to be issued by TV5. The termination was also formalized through a Memorandum of Agreement. The Parties confirmed that they have not implemented any of the transactions covered by the Investment Agreement and the Convertible Note Agreement."



Tila natupad ang hinihiling ni Rep. Rodante Marcoleta na makansela ang partnership agreement sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.

Just in: Leobert Dasmarinas Humingi Ng Tulong Kay Idol Raffy Tulfo!

Walang komento

Miyerkules, Agosto 31, 2022


Humihingi ngayon ng tulong kay Sen. Raffy Tulfo ang mga suspek sa nangyaring krimen kay Jovelyn Galleno.

Ang mga suspek na sina Leobert at Jovert ay mga pinsang buo ni Jovelyn Galleno. Ayon sa kanila pinilit lamang sila ng mga pulis na umamin sa nangyaring krimen at wala talaga silang kasalanan. Matatandaang nagviral ang pagbibigay pahayag ng dalawa at nagtulakan pa kung sino ang totoong may gawa sa krimen.

Sa latest na impormasyong aming nakalap, humingi umano ng tulong kay Sen. Raffy Tulfo ang pamilya ng mga suspek. Ayon sa mga ito, pinipilit lamang sila sa pag-amin ng totoong mastermind sa nangyari sa dalaga.



Samantala, naniniwala naman ang ilang mga netizens na posibleng totoo ang pinilit lamang ang mga ito. Marami rin ang naniniwalang maging ang DNA test result ay peke rin umano ang resulta. Hiling  ngayon ng mga netizens na sana'y bigyan ng pansin ni Sen. Raffy Tulfo ang mga hinaing ng pamilya ng suspeks.

Kapuso Singer-Inspirasyon Ang Bigating Kapamilya Singer?

Walang komento


Noong nagsisimula pa lamang ang Kapuso singer na si Julie Anne San Jose sa music industry, pinangarap na niyang maka-duet ang sikat na Kapamilya singer na si Gary V.

Sa virtual media conference sa kanyang bagong kantang pinamagatang Di Ka Akin, inamin niya ang kanyang paghanga kay Gary V. mula noong bata pa siya. Hindi umano niya inaakala na matutupad niya ang kanyang pangarap na iyon.

Pagkukwento ni Julie Anne San Jose, "Si Tito Gary, he's been one of the people talaga na I''ve always waanted to collaborate with. I mean, it's always been a dream."

Dagdag pa ni Julie Anne, "Nakakataba talaga ng puso, kasi si Tito Gary, isa siya sa musical influencer ko ever since when I was a kid."



Ibinahagi rin ni Julie na kapag may programa noon  sa kanilang paaralan, palagi niyang kinakanta ang mga awitin ni Gary V.

Matapos Masunog Ang Bahay! Jaya Ito Ang Buhay Sa Amerika!

Walang komento


Kasalukuyang nasa San Jose California si Jaya. Nagpapasalamat siya sa mga taong nagpa-abot ng panalangin at tulong sa kanilang pamilya matapos masunog ang kanilang bahay.

Matatandaang noong August 7, 2022 nasunog ang bahay nila ni Jaya matapos ang celebration nila sa kaarawan ng isang anak. Ayon kay Jaya, unti-unti na silang nakakarecover sa trahedyang nangyari. Kasalukuyang nangungupahan muna umano sila ng kanyang pamilya at nagpaplano na sa susunod na taon ay muli silang makakabili ng bagong bahay.

Sa ngayon ay gumagawa si Jaya ng mga shows kasama ng ilang American artists.



Elias Na Implwensyahan Na Ng Step Dad Na Si Derek!

Walang komento


Tila na impluwensyahan na ni Derek Ramsay ang anak ni Ellen Adarna na si Elias.

Nakitaan na ngayon ang bata sa pagkahilig sa paglalaro ng golf. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na golf ang kinahiligang sports ni Derek Ramsay. Tuwang-tuwa naman si Derek Ramsay sa pagkakahilig ni Elias sa kanyang kinahiligang sports.

Makikita sa ibinahaging video na masayang tinuturuan ni Derek Ramsay ang kanyang step son.



Kim Chiu Bumuhos Ang Luha Sa It'S Showtime!!!

Walang komento


Napaluha si Kim Chiu sa isang episode ng It's Showtime matapos mapag-usapan ang tungkol sa naging hero ng kanyang buhay bilang pagce-celebrate sa National Heroes Day nitong August 29.

Ayon kay Kim ang kanyang Ate ang itinuturing hero ng kanyang buhay dahil ito ang nag-alaga sa kanya. Wala umano ang ina nila at wala rin minsan ang kanilang ama. Wala umanong asawa at anak ang kanyang ate dahil sa pag-aalaga sa kanilang magkakapatid.

Ibinuhos ng kanyang ate ang kanyang attention sa magkakapatid na Chiu kaya labis ang pasasalamat ni Kim rito.



Detalye Ng Lambingan Nina Cassy Legaspi at Darren Espanto Sa Beach Sa Batangas!

Walang komento


Kilig na kilig ang mga tagahanga nina Cassy Legazpi at Darren Espanto matapos ibinahagi ng dalawa ang kanilang date sa Nasugbu, Batangas.

Noong August 28, nagpost si Darren Espanto ng ilang mga larawan niya na nagrerelax sa beach. Sa isang larawan ni Darren na nakasuot na shades ay makikita sa reflection ang aktres na si Cassy Legazpi na nakatingin dito habang kumukuha ng selfie.

Samatala, nagbahagi naman ng tila kaparehong post si Cassy. Kabilang sa mga ibinahaging larawan ni Cassy sa kanyang Instagram ay ang larawan ng isang lalaki na pinaghihinalaang si Darren Espanto.

Matatandaang, sinabi noon ni Darren na close friend lamang silang dalawa ng dalaga. Close friends na tipong alam nila ang halos lahat ng bagay tungkol sa isa't-isa. Bagama't may nang-iintriga sa dalawa at sinabing tila may namumuo na sa pagitan nila, iginiit ng dalawa na magkaibigan  lamang ang kanilan relasyon.



Binabatikos Ngayon Si Pambansang Kolokoy Matapos Na Umamin Na Meron Ng Kinakasama!

Walang komento

Binabash ngayon si Joel Mondina na mas kilala bilang si Pambansang Kolokoy dahil sa pag-aming may bagong kinakasama na ngayon.

Umani ng pambabatikos ang pag-amin ni Pambansang Kolokoy nitong nakaraang araw na hiwalay na sila ng kanyang asawa at may bagong kinakasama na siya ngayon. Ayon pa sa kanya hindi niya pinagsisihan ang kanyang desisyon at masaya siya sa piling ng bagong kinakasama niya ngayon.

Marami ang nagulat sa paglalahad na ito ni Pambansang Kolokoy dahil kung pagbabasehan ang kanilang vlog kasama ang asawa ay tila masaya naman ang kanilang pagsasama. Hindi man diretsahang sinabi na third party ang dahilan ng kanilang paghihiwalay, mahahalata naman dahil mayroon na siyang bagong kinakasama ngayon.

Matapos ang pag-aming ito ni Pambansang Kolokoy, binabatikos ngayon ang vlogger sa mga social media platform. Komento ng ilang mga netizens na sinayang at ipinagpalit lamang ni Pambansang Kolokoy ang 20 years na pagsasama nila ng kanyang asawa.

Dagdag pa ng mga ito, feeling pogi umano itong si Pambansang Kolokoy kaya naghanap ng bago. Tila hindi natanggap ng ilang mga netizens na matapos ang mahigit 20 years basta basta na lamang nitong tinapos ang relasyon nila ng kanyang asawa. Ang mas nakakayamot pa'y mayroon agad itong kinakasama na proud niyang sinabi na masaya sila ngayon.

 

Grabe! Raffy Tulfo Nagulat at Hindi Makapaniwala Sa Naging Resulta Ng Dna Test Ni Jovelyn Galleno

Walang komento

Labis na nalulungkot ang pamilya ng nawalang dalaga noong August 5 2022, matapos lumabas ang DNA test result mula sa natagpuang kalansay na pinaghihinalaan noon na si Jovelyn.

Hindi sila makapaniwala na ang nakitang kalansay sa damuhan ay si Jovelyn dahil dalawang linggo pa lamang itong nawawala. Maging si Sen. Raffy Tulfo ay tila hindi rin makapaniwalang ito ay si Jovelyn kaya nais muling ipa-DNA test ang kalansay.

Labis na nakakaawa ang naiwang pamilya ni Jovelyn dahil ang itinuturing na suspek ay mga kaanak pa nila. Hindi sila makapaniwalang nagawa nila ito sa sarili nilang pinsan.

Samantala, patuloy pa ring umaasa ang mga kaanak na hindi talaga ito ang nawawalang dalaga.

 

Ibinunyag Na! Detalye Ng Hiwalayan Nina Pambansang Kolokoy at Marites Mondina!

Walang komento

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang hiwalayan ng dalawang online personality na sina Pambansang Kolokoy at Marites Mondina.

Matapos ang matagal nilang pagsama sa loob ng 22 years, ibinahagi ni Pambansang Kolokoy na naghiwalay na sila ng kanyang asawa na si Marites Mondina. Marami ang nagulat sa rebelasyong ito ni Pambansang Kolokoy at tila hindi makapaniwala ang kanyang mga fans.

Ang mag-asawa ay isa sa mga vloggers na hinahangaan ng netizens. Sa Youtube Vlog ni Pambansang Kolokoy matapang niyang inamin na hiwalay na sila ni Marites kaya hindi na sila namataang magkasama. Ayon sa kanya, hindi pa sana umano siya dapat magsalita ngunit minabuti niyang aminin ang malungkot na kinahantungan ng kanilang pagsasama.

Inamin din ni Joel Mondina aka Pambansang Kolokoy na mayroon na siyang bagong kinakasama ngayon. Hindi din umano siya nagsisisi sa nangyaring paghihiwalay nila ng kanyang asawa. May mga bagay din umano kasing hindi nakikita sa social media. Kaya nasasabi ng ilan na perfect couple sila.

Nilinaw naman ni Joel na maayos ang kalagayan ng kanyang mga anak at sinabing hindi niya ito pinapabayaan.



Ang rebelasyong ito ni Joel ay umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens. May mga hindi nagustuhan ang pagbabahagi ni Joel na tila proud pa umano itong may bago ng kinakasama ngayon. Tila wala umano itong respeto sa kanyang asawa. Dagdag pa ng ilan, may malaking ambag ang kanyang asawa sa success na tinatamasa niya ngayon tapos hiniwalayan lang. Tiyak mas bata umano ang ipinalit.

Samantala, nananatiki pa ring tahimik si Marites Mondina hinggil sa pag-aming ito ni Joel.

Imelda Marcos Matapos Bantaan Ni Manny Na Kakasuhan! Pacquiao Kulong Dahil Sa 1 Million Dollar Na Kaso

Walang komento

Matatandaang noong kasagsagan pa lamang ng election camapaign period, sinabi ni Manny Pacquiao na kung sakaling papalarin siyang manalo bilang pangulo ng bansa ay una niya tututokan ang pagbawi sa umano'y ninakaw ng mga Marcos mula sa kaban ng bayan.

Ngayon tila nabaligtad ang lahat matapos lumabas ang isang report na kakasuhan umano si Manny Pacquiao ng isang Filipino- US based author. Ayon sa balita, sasampahan ng kaso si Manny Pacquiao dahil sa breach of contract.

Ang nasabing law suit ay magkakahalaga ng aabot sa 1 million dollars. Ito ay dahil sa breach of contract sa pagpupublish ng mga libro hinggil sa biography ni Manny Pacquiao. Nakasaad umano sa kanilang verbal agreement na bibili si Manny ng atleast 25,000 copies at ididistribute ito sa lahat ng SK Chairman sa buong bansa. Ngunit, matapos ma published ang nasabing mga libro hindi na makontak si Sen. Manny.

Sa complaint ni Llana, nagbigay ng approval sa pagpupublish ng libro sa harap ng kanyang former coach na si Emil Romano, businessman na si Peter Cadorna, Fleurese Llana at sa mismong author.

Ayon kay Llana, bagama't ang nasabing kasunduan ay dapat ay nakasulat, maituturing ding valid ang mga verbal agreements. Kapag ang isang party ay hindi nai-fulfill ang kanilang part maari itong sampahan ng kaso.



Teacher Na Pulis Ni Jovelyn Galleno Nagsalita Na Sa Publiko!

Walang komento

Nagbigay na ng pahayag si Ace Abian hinggil sa mga isyung pandadawit sa kanya sa pagkawala at pagpaslang kay Jovelyn Galleno.

Si Ace Abian ay isang teacher ni Jovelyn Galleno na isa ring pulis. Ayon sa kapatid ni Jovelyn Galleno na si Jonalyn, may gusto umano ito kay Jovelyn ngunit walang gusto ang kanyang kapatid rito.

Matatandaang hindi nagpaunlak sa panayam ni Raffy Tulfo si Ace Abian noong nakaraan dahil nasa isang seminar umano ito. Ngayon, binasag na nito ang kanyang katahimikan at nagbigay na ng pahayag sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

Ayon sa post ni Ace Abian, walang katotohanan na nagde-activate siya ng account. Hindi umano niya ito gagawin dahil malinis ang kanyang konsensya at alam niyang wala siyang kinalaman sa nangyari. Hiling naman niya na sana ay nabubuhay pa si Jovelyn upang ito ang makakapagsasabi sa totoong nangyari.

"Bakit kumakalat na naga deactivate daw ako ng account bakit ko naman gagawin yon!?  Parang pinatunayan ko naman na talaga akoy may sala na apiktado ako hindi ko magagawa kay jovelyn ang mga pinaparatang ninyo sa akin kya kung si jovelyn ang hanggang ngayon at nabubuhay sana nga para maipaliwanag nya sa inyo paano nangyari sa kniya lahat at ano mga sinapit nya bakit ako maga deactivate account di nmn ako apektado malinis ang kunsyensya na antayin nyo pagharap ko marami lang ako inaasikaso."



Inamin din nito sa isa pang post sedan at mettalica rin ang kanyang sasakyan ngunit mayroon itong logo ng bungo sa harapan, na hindi naman nabanggit ng nakakita umano sa dalaga. Samantala, idedemanda umano nito ang lahat ng mga taong naninira sa kanya at mayroon umano siyang screenshots sa mga komento ng mga ito.

Bulgaran Na! Ogie Diaz Isiniwalat Na Ang Pagbubuntis Ni Julia Barretto!

Walang komento

Martes, Agosto 30, 2022


 Matapos mapabalita ang umano'y pagbubuntis ni Julia Montes sa ikalawang anak umano nito, ang isa pang Julia ang pinag-uusapan ngayong buntis.

Dawit sa usaping pagbubuntis si Julia Barretto dahil nasa isang relasyon ito kasama si Gerald Anderson. Marahil naman ginagawan lamang ito ng isyu ngayon para sa promotion ng kanyang bagong pelikula na Expensive Candy kasama si Carlo Aquino.

Samantala, wala namang makikitang baby bump si Julia alinman sa mga photos nito. Matapos ang pang-iintrigang buntis si Kylie Padilla at mapabulaanan ito, tila pinapasa lamang ng ilang mga marites ang isyu kay Julia Barretto.

Napag-usapan din ito sa online show ni Ogie Diaz. Ayon sa kanila, usap-usapan umano ito ng ilang mga production staff sa isang taping.Ayon pa kay Ogie, dahil hindi umubra ang tsismis na buntis si Kylie si Julia naman ngayon ang pinupuntirya ng ilang mga marites.



Nakakaawa! Latest Update, Ina Ni Jovelyn Galleno Hinimatay Sa Resulta Ng Dna Test Ni Jovelyn Galleno

Walang komento

Inilabas na ng mga pulis ngayong araw ang resulta ng isinagawang DNA test sa natagpuan kalansay na pinaghihinalaang si Jovelyn Galleno.

Base sa resulta ng DNA test, lumabas na 99.99% positive na kay Jovelyn Galleno ang nakitang kalansay sa Sito Pulang Lupa Brgy. Sta. Lourdes Puerto Prinsesa. Ang sample na kinuha para sa DNA testing ay mula sa sample na nakulikta mula sa mga buto at swab sample ng ina ni Jovelyn Galleno.

Si Jovelyn ay nawala noong August 5, 2022 at ang kalansay ay natagpuan noong August 23, 2022. Natagpuan rin malapit sa kalansay ang ilang personal na gamit ni Joveln at mga Identification cards. Naging daan sa pagkakatagpo ng nasabing kalansay ay ang pag-amin ng isang suspek na si Leobert Dasmarinas, isang pinsan ni Jovelyn. Inamin ng suspek na may kinalaman siya sa krimeng nangyari sa dalaga.

Nakasampa na ang mga kaso laban sa mga suspek. 



Darren Espanto at Cassy Legaspi Magkasamang Nagpunta Sa Batangas!

Walang komento


Magkasamang nagbakasyon sina Darren Espanto at Cassy Legaspi sa isang beach. Sa kani-kanilang Instagram account makikita ang kanilang mga update kung saan ibinunyag nila na sila ay magkasama sila sa Nasugbu, Batangas escapade.

"Throwin’ out the shade for a little bit of sunshine," caption ni Darren sa kanyang post.

"In the moment," caption naman sa post ni Cassy.



Lolit Solis Hindi Maka Move on Sa Pag Cancel Sa Kaniya Ni Bea Alonzo!

4 (na) komento


Kamakailan ay ibinahagi ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagam na may isang fans ni Bea Alonzo na nagbigay sa kanya ng advice na naging dahilan na titigilan na niya ang panglalait sa aktres. Ngunit, tila muling binanatan ni Manay si Bea sa kanyang Instagram account.

Sa latest Instagram post ni Lolit Solis, tila nagtataka ito lung bakit hindi umano ipinagtatanggol ng team ni Bea ang aktres.

"Naku Salve , talagang ayaw ko ng pansinin si Bea Alonzo dahil parang waste of time na. Nagtataka ako na hindi naman siya ipinagtatanggol ng Team Bea maliban sa magpa cancel ng mga press people na tulad nyo ni Gorgy sa presscon na hindi naman sila ang gumasta, at pressured lang nila ang may ari na huwag tayo invite or else hindi darating si Lola Bea na wala naman nagawa sa sales ng product na endorser siya. Imagine mo, isang product na madali sanang mabili sa market hindi naging saleable dahil endorser si Bea Alonzo. Malulugi niyan ang mouthwash na si Bea ang nagbenta. Kawawa naman. Kasi nga negative agad ang ginawa ng Team Bea niya, nagpa cancel agad ng mga taong puwede pa sana makatulong sa kanyang palaos na career. Naku baka hindi na ma renew ang contract dahil sa mababang sales. Naku Gorgy at Salve, dapat alisin na ang sumpa, baka naman hindi si Bea Alonzo ang nagpa cancel, baka iyon Team Bea niya nag power trip lang , pero dahil nangyari na, Ok lang, basta tandaan, lahat ng sikat nalalaos, maganda nagiging pangit, bata tumatanda. Aral iyan Bea Alonzo na dapat mong pag aralan, huwag masyado ilusyonada, tumapak sa lupa, or else, baka madapa. Hah hah hah, joke joke joke."

Tila ngayon lamang na-realize ni Manay Lolit na maaring hindi naman si Bea mismo ang nagpa-cancel sa kanila kundi isa sa team nito. Samantala, patuloy pa rin ang pananahimik ni Bea Alonzo sa mga patama sa kanya ni Lolit Solis.



Kapamilya Aktor at Kapuso Aktres-Magtatambal Sa Isang Teleserye?

Walang komento

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang upcoming series ng Kapamilya actor at Kapuso actress.

Ayon sa aming nakalap na ulat, magsasama sa isang teleserye sina Joshua Garcia at Gabbi Garcia. Ang kanilang teleserye ay ipo-roduce ng Dreamscape Entertainment. Ayon pa sa ulat, nagkasundo na umano ang ABS-CBN at GMA7 na gagawa ng teleserye na pagbibidahan ng kanilang mga talent.

Tila tuloy na tuloy na ang collaboration ng ABS-CBN at GMA7 para sa magandang project. Ito ay sisimulan sa susunod na taon, 2023.



Handa Na! Ellen Adarna Inamin Na Gusto Ng Magka-Anak Kay Derek Ramsay!

Walang komento

Sa kabila ng walang proyekto sa showbiz, tila hindi apektado ang mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna. Makikita naman sa kani-kanilang social media accounts na masaya sila bilang mag-asawa kasama ang kani-kanilang mga anak sa una nilang mga relasyon.

Ngunit sa kabila ng kanilang pananahimik, marami pa rin ang napapatanong kung kailan nila balak na magkaanak. Ayon naman sa mga solid fans ni Ellen, hindi na umano bumabata pa si Ellen. Kaya mahalaga umanong habang maaga pa ay planuhin na ng dalawa ang pagkakaroon ng anak.

Sa latest interview kay Ellen Adarna, inamin nito na handa na siyang magkaroon ng anak sa asawang si Derek Ramsay. Ayon pa kay Ellen nais niyang magkaroon ng indifinite live sa showbiz. Nais muna umano niyang magpahinga sa paggawa ng mga bigating proyekto. Hinuha naman ng mga netizen na ginawa ito ni Ellen bilang paghahanda sa pagkakaroon nila ng anak ni Derek Ramsay.

Ayon sa plano nilang mag-asawa, nais nilang magkaroon ng anak sa darating na year 2024. Nasiyahan naman ang kanilang mga tagasuporta sa desisyong ito ng mag-asawa.

 

Bistado!! Tuloy Ang Kaso Laban Sa Mga Sus-Pek Ayon Sa Kapulisan!

Walang komento


Tuloy pa rin ang kaso laban sa mga suspek sa kabila ng pagtanggi ni Jovert Valdistamon na sangkot siya sa panggagahasa at pagpaslang kay Jovelyn Galleno.

Sa korte na lamang umano magpaliwanag itong si Jovert Valdistamon hinggil sa pagtanggi niya na sangkot siya sa kaso ng panggagahasa at pagpaslang kay Jovelyn Galleno. Matatandaang unang lumantad si Leobert Dasmarinas at umamin sa nagawang krimen sa kanilang pinsang si Jovelyn Galleno. Ito rin ang nagdawit at nagturo na sangkot din sa krimen ang isa pang pinsan na si Jovert Valdistamon. Sa kabila ng pag-amin ni Leobert, mariing itinanggi ni Jovert na sangkot siya sa kaso.

Samantala, marami sa mga nakuhang ebidensya ng mga pulis ang umano'y nagpapatunay na silang dalawa ang gumawa sa kalunos-lunos na krimen kay Jovelyn Galleno.

Ipinapangako naman ng mga pulis ang na may kakaharaping kaso ang mga ito sa kabila ng pagbabago ng kani-kanilang salaysay.



Nagkabukingan Na! Pulis Na Professor Ni Jovelyn Galleno Hindi Kinakusap Si Raffy Tulfo!

Walang komento

Ibinahagi ni Jonalyn Galleno ang bagong impormasyon mula sa kaibigan ni Jovelyn Galleno. Kaugnay ito sa isang Pulis na nagkagusto umano kay Jovelyn. Nagmessage pa umano ang pulis na ito sa messenger ng dalaga matapos ang isang araw na pagkawala nito.

Ayon sa pahayag ni Jonalyn Galleno sa panayam nito kay Raffy Tulfo, ibinahagi niya na may isang pulis na professor na nagkagusto umano sa dalaga. Ngunit, ayon kay Jonalyn, ayaw ng kanyang kapatid sa nasabing professsor.

Samantala, hindi naka-usap ang nasabing pulis dahil nasa seminar umano ito. Hinuha ngayon ng ilang netizens na sangkot umano ang nasabing pulis sa kaso ni Jovelyn.

 

Breaking News! DNA Test Result Positive Si Jovelyn Galleno Ang Kalansay!

Walang komento


 Ibinahagi ng Palawan Police ngayong araw August 30, 2022 sa pamilya ng biktimang si Jovelyn Galleno ang resulta ng isinagawang DNA test sa natagpuang kalansay. Ayon sa resulta ng DNA test mula sa kalansay at mula sa magulang ni Jovelyn, 99.99% match. Nangangahulugan lamang ito na ang nakitang kalansay ay totoong si Jovelyn base sa nasabing resulta ng DNA test.

Samantala, kasalukuyang gumagawa ng parallel investigation ang NBI hinggil sa kaso ni Jovelyn Galleno. Magsasagawa rin ang NBI ng DNA test sa nakitang mga parte ng tao na nakita sa Sitio Pulang Lupa. Nagbigay din ng dirkektiba sa kanila si Sen. Raffy Tulfo tungkol sa parallel investigation sa mysteryosong pagkawala ni Jovelyn Galleno.

Kasalukuyang nangangalap ang NBI ng impormasyon hinggil sa mysteryosong kasong ito ni Jovelyn Galleno.



Bistado!! Colonel at Lieutenant Involved Sa Kaso Ni Jovelyn Galleno!

Walang komento


 Base sa panayam ni Sen. Raffy Tulfo sa Programang Raffy Tulfo in Action, napag-alaman na may inamin ang isang suspek sa kapatid ni Jovelyn Galleno. Ayon sa suspek, dinidektahan siya isang pulis kung ano ang dapat niyang sabihin. Itinuro din nito kung sinong pulis ang nagdidikta sa kanya.

Samantala, sinabi naman ng kapatid ni Jovelyn na may nagchat umanong professor na pulis ni Jovelyn noong August 6, 2022. Base sa chat, hinahanap umano nito si Jovelyn ngunit ang pinagtataka nila, hindi naman naka-enroll si Jovelyn.

Tila nawalan na ng tiwala ang pamilyani Jovelyn sa kapulisan kaya naman humingi na rin sila ng tuloy mula sa NBI. Sa tulong naman ni Sen. Raffy Tulfo, agad nag-imbestiga ang NBI at agad tiningnan ang lugar kung saan nakita ang umano'y kalansay ng dalaga.

Nagsagawa na rin ang NBI ng DNA test sa pinaghihinalaang kalansay ni Jovelyn. Ayon sa mga ulat, tinututukan ng NBI ang kaso ni Jovelyn Galleno. Nagsagawa na rin umano sila ng hiwalay na imbestigasyon hinggil sa kaso ni Jovelyn mula ng pormal na complaint ang pamilya ng biktima.

Ngayong linggo, inaasahan na darating roon ang mga eksperto mula sa Manila upang tumulong sa pagkalap ng mga impormasyong mas makakatulong sa kaso.



Dismayadong Fan Ni Deanna Wong, Naglabas Ng Hinaing Sa Social Media!Snob si Deanna!

Walang komento

Usap-usapan ngayon sa social media ang paglalabas ng hinaing ng umano'y isang fan ng sikat na volleyball player na si Deanna Wong.

Nadismaya ang nasabing fan matapos hindi mapagbigyan ni Deanna na makapagselfie sa kanya. Ayon sa post ng fans, sinubukan umano niyang makipagselfie kay Deanna. Nilapitan niya ito at nagpaalam ngunoit hindi man lamang umano siya pinansin nito. Napaka-snob umano ni Deanna.

Samantala, mapapansin naman sa ibinahaging video ng nasabing fan na tila may pinagkakaabalahan si Deanna. Pagtatanggol naman ng ilang mga fans, napansin nila sa video na tila may inaayos na aberya si Deanna kaya hindi nito napagtuonan ng pansin ang nasabing fan.

Ipinagdiinan din ng ilang mga fans na dapat ay hindi maging bastos sa mga iniidolo at huwag basta-basta makipagselfie lalo na kung may ibang pinagkakaabalahan ang mga ito.

 

Asawa Ni Marian Rivera Na Si Dingdong Dantes Nag-Viral Kasama Sina Zia at Ziggy

Walang komento

Lunes, Agosto 29, 2022

Masayang nakipagkantahan si Dingdong Dantes sa kanilang mga anak ni Marian Rivera na sina Zia at Ziggy.

Bigay na bigay ang mga anak sa pagkanta habang tumutugtog ng gitara si Dingdong. Agad naman itong nagviral sa social media. Agad itong umani ng mga positibong komento at reaksyon mula sa mga netezins at tagahanga ng dalawa.

Marami ang nasiyahan sa closeness at bonding ng mag-aama.

 

Herlene Budol Lalaban Sa Africa, Officially Appointed Miss Planet Philippines 2022!

3 komento


Lalaban si Herlene Nicole Budol para Miss Planet Pageant na gaganapin sa Africa.

Appointed bilang Miss Planet Philippines ang Bb. Pilipinas First Runner Up na si Herlene Nicole Budol. Matatandaang kinumpirma noon sa kanyang birthday party na tuloy sa international pageant si Herlene. Baguhang pageant man ito ngunit kasali ito sa top 7 sa pageantry. Kahanay ng Miss Earth, Miss Grand at Miss Supra-International.

Sa inaugural competition, ay dinaluhan ito ng 34 candidates na ginanap sa Cambodia noong 2019. Dito itinanghal ang kauna-unahang Miss Planet mula sa South Africa na si Monique Best. Naging fourth runnner up naman ang kandidata ng Pilipinas na si Ms. Krisha Nicole Apaw.

Gaganapin ngayong taon ang second edition ng nasabing pageant. Dahil sa pandemya walang naganap na Miss Planet noong 2020 at 2021. Inaasahang lalahukan ito ng 70 candidates. Ang competition ay magsisimula sa Nov. 5 2022 sa Uganda. Ang paglalabanang korona ay nagkakahalagang 250,000 US dollar crown na gawa sa real gold, ruby at diamonds.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo