Hindi talaga napigilan ni Kim Chiu ang maging emosyonal at mapaluha bago ang kanyang maangas at matapang na makeover para sa nalalapit niyang bagong proyekto na The Alibi.
Noong Wednesday, June 25, ibinahagi ng Dreamscape Entertainment ang isang video clip kung saan makikitang umiiyak at sumisigaw si Kim bago isagawa ang kanyang haircut. Bagamat bakas sa mukha niya ang kaba at emosyon, buong tapang pa rin niyang hinarap ang haircut. "Nagtatanggal pa lang kayo ng hikaw niyan, naiiyak na ako," aniya pa nga ng aktres sa video.
Sa kabila ng kanyang naramdaman, hindi pa rin nagpahuli si Kim sa pagdala ng kanyang bagong itsura. Sa kanyang Instagram page, ni-launch ni Kimmy ang kanyang "bold cut I never saw coming," kung saan makikita ang nakamamanghang transition mula sa kanyang dating mahabang buhok patungo sa isang mas maikli at modernong hairstyle ngayong taon.
Sa kabila ng emosyonal na simula ng transformation na ito, pinatunayan ni Kim na handa siyang sumugal at magbago alang-alang sa sining at karakter na kanyang gagampanan sa showbiz.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!