Tunay Na Dahilan Ng Biglaang Pamamaalam Ni Lovi Poe Sa Batang Quiapo

Walang komento

Biyernes, Enero 5, 2024


 Hindi lubos akalain ng mga tagasubaybay ng FPJ's Ang Batang Quiapo na bigla na lamang tatapusin ang karakter ni Lovi Poe bilang si Mokang.


Sa episode na inilabas nitong January 4, 2024, makikita kung paano sinalo ni Mokang ang bala na para sana kay Tanggol ang karakter ni Coco Martin sa nasabing teleserye.


Marami naman ang nagulat na bigla na lamang tinapos ng serye ang karakter ni Lovi Poe dahil maging sa teaser ay wala naman silang paramdam na tsutsugiin na pala nila ang karakter ng aktres sa teleserye.


May mga fans naman ang nagsasabi na baka ay mao-ospital lamang umano si Mokang at gagaling din katulad na lamang sa karakter ni Coco Martin na kahit ilang ulit ng nabaril ay nabubuhay pa rin.


Subalit, nitong January 5, 2024 ikinalungkot ng marami nang magbahagi na ng farewell message si Lovi Poe para sa kanyang mga kasamahan sa teleserye na hinango sa pelikula ng kanyang ama na si Fernando Poe Jr. Nagtatapos na umano ang kanyang karakter sa nasabing teleserye at hindi na siya babalik rito.


Ayon kay Lovi Poe, truly blessed siya to have been part of a project that represents her father’s name. Ito umano ang first and it will always mean the world para sa kanya. 


Nagbigay din siya ng deepest appreciation para kina Sir Deo, Tita Cory and ABS-CBN for this opportunity. Binigay umano ng mga ito sa aktres ang missing piece sa kanyang puzzle. 


"For that, I will always be grateful," pahayag ni Lovi Poe.


Dagdag pang pahayag ni Lovi Poe, A big part of her 2023 was breathing life into a character she have grown to love — 'what a privilege it was to play Mokang. She was a fighter and she taught me how it is to truly be free.' 


Naging mahirap din umano para kay Lovi ang magdesisyon but she have decided to turn the page.


Malaki rin ang pasasalamat ni Lovi Poe kay Coco Martin dahil muli nitong binuhay at pinangalagaan ang legacy ng kanyang ama.


Naging emosyunal naman ang mga artista na nakasama ni Mokang sa nasabing serye, nagbigay rin sila ng mga mensahe ng pamamaalam para kay Lovi Poe.


Bagama't nagdala ito ng lungkot para sa mga Ang Batang Quiapo fans marami naman ang nagsasabi na naiintindihan nila ang naging desisyon ni Lovi Poe na bitawan na lamang ang kanyang karakter sa Batang Quiapo upang pagtuunan naman ng pansin ang kanyang buhay may-asawa kasama ang mister na si Monti Blencowe.



Mga Tinawag Na Mama'S Boy Na Ipinagtanggol Ng Kanilang Mga Ina Sa Showbiz

Walang komento


 Kilalanin ang mga male celebrities na aminado at naiisyu bilang mga Mama's boys.


Gerald Anderson



Noon pa mang nagsisimula pa lamang si Gerald Anderson sa larangan ng showbiz ay inamin na niya na isa siyang mama's boy at proud umano siya rito. Noong naging artista na umano siya ay pinagresign na niya ang kanya ina sa trabaho, binilhan din niya ito ng isang pick up truck na matagal na nitong pinapangarap.


Andrei Yllana



Hindi  rin ikinakahiya ng nag-iisang anak nina Aiko Melendez at Anjo Yllana na tawagin ang sarili bilang mama's boy. Balewala rin kay Andrei ang pagiging overprotective ng kanyang ina sa kanya. Kung ikinakahiya man umano ng iba ang pagkakaroon ng ganitong uri ng ina ay hindi siya ganoon, bagkus ay masaya umano siya at naiintindihan na sinusuportahan lamang siya ng kanyang ina.


Mavy Legaspi



Very proud ding ipinapahayag ng actor-host na si Mavy Legaspi ang pagiging isang mama's boy. Ipinahayag din niya na panghabangbuhay siyang magiging mama's boy. Marami namang mga ina ang napasana all nang regaluhan ni Mavy ng isang Hermes bag ang ina noon kaarawan nito.


Luis Manzano



Hindi rin itinatago ng Kapamilya host na si Luis Manzano ang kanyang pagiging mama's boy. Noong kabataan ni Luis Manzano ipinapakita na niya ang kanyang closeness sa mga magulang sa kabila ng pagiging hiwalay ng mga ito. Sinagot din ni Luis Manzano ang mga nambatikos sa kanya noon bilang isang mama's boy, ayon kay Luis masarap magmahal ang mga ina.


Daniel Padilla



Hindi man inaamin ni Daniel Padilla ang pagiging mama's boy, makikita naman ito sa kanyang mga ginagawa para sa kanyang ina na si Karla Estrada. Lahat kasi ng mga bagay na hinihiling ni Karla ay palaging ibinibigay ni Daniel.


Richard Gutierrez



Nabansagan bilang mama's boy ang aktor na si Richard Gutierrez dahil sa kinakaharap nitong isyu ngayon patungkol sa hiwalayan nila ng kanyang asawa na si Sarah Lahbati. Tanging ang ina lamang kasi ng aktor ang nagbibigay ngayon ng pahayag laban sa mga ibinabatong isyu sa kanya, dahil dito marami ang nag-iisip na isang mama's boy si Richard Gutierrez.


David Licauco



Hindi naman ikinakahiya ng Kapuso actor na si David Licauco ang pagiging isang mama's boy. Sa kanyang mga social media post, very proud si David sa pagpi-flex sa kanyang ina sa kanyang mga social media post.


LA Santos



Hindi naman ikinahiya ng baguhang Kapamilya singer na si LA Santos na isa siyang mama's boy. Para kay LA, nakakapogi para sa kanya ang matawag na isang mama's boy. Masarap din umanong magmahal ang mga ina. Hiling din niya na makatagpo ng isang babae na mamahalin na katulad ng kanyang ina.


Enrique Gil



Naging certified mama's boy naman si Enrique Gil dahil na rin ang kanyang ina na ang tumayo bilang ama at ina sa kanya at sa kanyang mga kapatid. Tinupad rin ni Enrique Gil ang pangarap ng kanyang ina na magkaroon ng sariling restaurant.



Mga Artistang Nag Live in, Kilalanin!

Walang komento


 Dito sa bansang Pilipinas, marami pa rin sa mga netizens ang tumataas ang kilay sa tuwing napag-aalaman na ang ilang mga artista sa showbiz ay nakikipag-live in na sa kanilang mga nobyo lalo na kung nasa 20s pa lamang ang mga edad nito.


Samantala, hindi na rin naman bago ang set-up na ito lalo na sa mga GenZ, kaya naman ating kilalanin ang mga artistang nasangkot sa ganitong set up na nakikipaglive in na sa kanilang mga partners.


Leila Alcasid- Curtismith



Unang tumutol ang ama ni Leila Alcasid na si Ogie Alcasid sa pakikipag live in ng kanyang anak sa nobyo nitong si Curtismith subalit, ipinagpatuloy pa rin ng kanyang anak ang pakikipagrelasyon rito. Kalaunan ay tinanggap na lamang umano ni Ogie Alcasid ang pakikipag live in ng kanyang anak dahil wala na umano siyang magagawa sa nangyari.


Sa ngayon ay walang pang balak na magpakasal sina Leila Alcasid at Curtismith dahil nag-iipon pa umano ang huli para sa kanilang pag-iisang dibdib.


Nadine Lustre- James Reid



Sa ngayon ay naghiwalay na sina James Reid at Nadine Lustre, may kanya-kanya na rin silang mga partners subalit hindi naman maitatanggi na naglive in na rin noon ang dalawa sa murang mga edad. Naging bukas rin naman sila sa kanilang mga tagahanga noon sa kanilang pagli-live in dahil naniniwala silang normal na sa mga panahong ito ang pagsasama out of wedlock.


Loisa Andalio- Ronnie Alonte



Among the young couples ngayon sa showbiz masasabi na ring matatag ang anim na taong relasyon nilang dalawa. Matatandaan na noong 2020, napansin ng mga netizens na parating nagkakasama sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte kahit na noong mga panahon na iyon ay ipinagbabawal ang papunta sa ibang lugar.


Dahil dito, umusbong ang balitang nagsasama na sila sa iisang bubong. Unang pinabulaanan ng dalawa ang isyu at sinabing magkalapit lamang ang kanilang bahay kaya naman ay nagkakasama pa rin silang dalawa.


Kylie Versoza- Jake Cuenca



Umabot rin sa mahigit tatlong taon ang relasyon nila bago magpasyang maghiwalay noong April 2022. Diretsahan namang inamin noon ng beauty queen na nagli-live in na sila noon ni Jake Cuenca, bagama't alam naman umano niyang may mga taong hindi matatanggap ang kanilang desisyon ay wala na umano siyang pakialam rito ang importante ay ang kasiyahan nilang dalawa noon ni Jake Cuenca.


Andrea Brillantes- Ricci Rivero



Sa ngayon ay hiwalay na rin sina Andrea Brillantes at si Ricci Rivero. Sa katunayan ay mayroon ng panibagong dini-date ang basketball player. Sa isang panayam, hayagang inamin ni Ricci Rivero na paminsan-minsan ay umuuwi siya sa bahay ni Andrea. Minsan rin ay sa kanyang condo umuuwi si Andrea Brillantes


Angelica Panganiban Ikinuwento Kung Paano Ginawa Ang Kanyang Madaliang Kasal Sa Los Angeles!

Walang komento


 Ikinasal na ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban sa kanyang longtime partner na si Gregg Homan nitong huling araw ng 2023, December 31.


Naganap ang kasal ng dalawa sa ibang bansa na dinaluhan lamang ng kanilang mga piling kaibigan at kamag-anak.


Samantala, nagbahagi naman si Angelica Panganiban ng ilang mga photos kung saan makikita ang kanilang paghahanda bago ang ceremony, pinasalamatan rin niya ang mga taong tumulong para maging maayus ang kanilang pag-iisang dibdib ni Gregg Homan.


"Kailangan ko lang magpasalamat sa mga tao na bumuo, walang nagawa at kumilos na lang, kasabay namin tumalon, tumakbo at ginamit ang lahat ng kapasidad nila mabuo lang ang mga hiling namin sa araw na ito," paunang pahayag ni Angelica Panganiban sa kanyang IG post.


"Thanks to my little sisters @abbywhale @alyannaquino for making the most beautiful DIY wedding arch. Sabi ko, hindi ko kailangan ng flowers sa aisle, wala ng mga ganon ganon. Gusto ko lang ng arch with red roses. And they delivered 100% ❤️


"@andoyr1973 kasama ka namin simula umpisa hanggang ngayon sa panibagong simula. Magkasama tayong umiiyak noon, mula sa concert ni adele, sa pag nood ng mga teatro umiiyak tayo, kahit volleyball iniiyakan natin. Ngayon, umiiyak ka pa rin sa kasal ko, pero ibang luha na ‘to. Mahal na mahal ka namin. Salamat sa lahat lahat. Alam mo na kung ano ang mga yun.


"My brother kimmy @apa112 !!! Thank you for securing this venue even if its new years eve. Helping gregg with his suit, gregg’s grooming . For getting the party bus, for booking the karaoke. For getting the drinks and most of us drunk. We’ll be supporting your new business “the wedding coordinator” 


"Momsy bels and momsy kimmy @bela @chinitaprincess wala man sa plano ang pag arrive niyo sa LA, pero yun na yata ang pinaka masayang parte ng wedding. 


"From our very wholesome bachelorette na iyak lang tayo ng iyak with more more laughter din (lakas maka baliw yes ) salamat sa pag provide ng dream wedding cake ko. 


"Sa flowers na ang lakas maka soft girl. Pakiramdam ko, hindi lang ako kinasal kay gregg, kinasal din ako sa inyong dalawa pang habang buhay na ‘to. Love you both


"To my hype girl @mikkamarcaida salamat sa paulit ulit na tanong kung kinakabahan ako, hindi nakatulong.  pero seryoso, noon pa man noon na noon pa! Single pa ko, nag uusap na tayo na ikaw ang gagawa ng make up ko pag kinasal ako. 


"Salamat at tinupad mo pangarap ko. Inikot mo ang mundo makarating ka lang sa araw ng kasal namin. Hindi ko to makakalimutan kahit makakalimutin na ko ngayon. We love you!!


"To my family here in LA, mula noon wala kayong pagkukulang sa pag aalaga sakin kapag nandito ako. Ngayon, hindi na lang ako inaasikaso niyo. Kasama na si gregg and beanie. Love you guys."


Kaagad namang nagbaabot ng mensahe ng pagbati ang mga kaibigan at kasamahan ni Angelica Panganiban sa showbiz. Hindi rin naman nagpahuli ang kanyang mga tagahanga na noon pa man ay hinahangad na ang kaligayahan ni Angelica.



Nanay Ni Sarah Lahbati Nilait Ng Basher, Esther Lahbati Rumesbak

Walang komento


 Sa lumalalang isyu ng hiwalayan ng celebrity couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, lalo namang nadadamay ang kani-kanilang mga magulang sa nasabing isyu at nakakatanggap na rin ng mga pambabatikos mula sa mga netizens.


Makikita sa mga Instagram post ni Esther Lahbati, ina ni Sarah Lahbati, makikita ang mga larawan ng kanilang pagbabakasyon at pagrerelax. Subalit, may mga bashers naman na talagang hindi tumitigil sa pang-iintriga sa mga magulang ni Sarah Lahbati na pilit hinahanapan ng maipipintas sa mga ito.


Binalikan pa ng ilang mga netizens ang naging buhay at trabaho ng ina ni Sarah Lahbati noon kung saan namasukan umano itong katulong sa isang chocolate factory sa Switzerland. Minaliit pa ng ilang mga netizens ang naging trabaho noon ni Esther Lahbati.


May ilan naman na nagtatanggol sa pamilya nina Sarah Lahbati na nagsasabing hindi naman umano magandang batikosin ang magulang ni Sarah dahil lamang sa naging trabaho nito noon na isa namang marangal na trabaho.


Bukod pa rito, inamin naman noon ni Sarah Lahbati kung ano ang naging trabaho ng kanyang ina.


Samantala, tila hindi na nakapagtiis si Esther Lahbati sa mga natatanggap niyang pambabatikos mula sa mga netizens kaya naman sinagot na niya ang mga ito.


Nilinaw ni Esther na wala namang masama sa pagtatrabaho sa bahay bilang katulong dahil marangal naman itong trabaho. Ipinahayag pa ni Esther na kung wala rin namang magandang sasabihin ang mga bashers ay mas nakabubuti na manahimik na lamang ang mga ito at isara na lamang ng mga ito ang kanilang mga bibig.


Nagbrag pa si Esther sa pagkakaroon niya ng Swiss passport kung saan maari umano siyang magpunta sa iba't-ibang bansa ng hindi na nangangailangan ng VISA. Maari rin umano siyang magtrabaho saan man sa Europe.


Binweltahan din ni Esther ang kanyang basher sa pamamagitan ng pagtatanong rito kung ano ang naiambag nito sa kanyang pamilya at ang sariling pamilya na lamang umano ang intindihin nito.


Nilinaw din ni Esther na hindi naman siya nagtrabaho sa isang chocolate factory may resibo umano siya na nagtrabaho siya sa Geneva International Airport sa chocolaterie sa loob ng duty free shops.


Sumang-ayon naman ang mga fans ni Sarah Lahbati sa mga naging pahayag ni Esther at pagsagot nito sa bashers dahil wala naman umanong mali sa pagbabakasyon at pagrerelax nilang mag-anak.



Dahilan Bakit Binenta Ni Jiro Manio Kay Boss Toyo Ang Kanyang Gawad Urian Award

Walang komento

Huwebes, Enero 4, 2024


 Bumisita ang kilalang former child star na si Jiro Manio sa pawnshop at tindahan ni Boss Toyo upang ibenta ang natanggap niyang prestigious award mula sa Gawad Urian.


Sa kamakailang episode ng Pinoy Pawnstar, itinampok nila ang video kung saan makikita na mismong si Jiro Manio ang nagpunta sa kanilang tanggapan upang ibenta ang natanggap niyang award noon.



Napanalunan ni Jiro Manio ang nasabing parangal noong 2004 sa kanyang pagganap sa pelikulang Magnifico.


Ayon kay Jiro Manio, noon pa man ay plano na niyang magpunta kay Boss Toyo para ibenta ang kanyang award matapos malaman na magtatayo ito ng isang museum. Naisip umano ni Jiro Manio na baka mapabilang siya sa mga dating artistang nakatanggaap ng award noon na makikita sa ipapatayong museum ni Boss Toyo.


Ipinagdiiinan naman ni Boss Toyo na hanggang ngayon ay artista pa rin naman umano ang tingin nila kay Jiro kahit hindi na ito aktibo sa showbiz. Tinanong naman ni Boss Toyo kung magkano ibinibenta ni Jiro Manio ang kanyang prestigious award. Pinresyuhan naman ito ng dating child star ng 500,000.


Tinawaran naman ito ni Boss Toyo, sa huli ay nagkasundo ang dalawa sa halagang 75,000 pesos.


Matatandaan na noong 20015 muling umingay ang pangalan ni Jiro Manio nang kumalat ang mga larawan niya na isa na siyang palaboy sa NAIA Terminal 3.


Kaagad namang nagpaabot ng tulong ang nanay-nanayan ni Jiro sa showbiz na si AiAi Delas Alas.




Mavy Legaspi Dasuri Choi Lantaran Na Sa Publiko, Kyline Alcantara Tama Ang Hinala

Walang komento


 Inilantad na ng mga Eat Bulaga hosts na sina Mavy Legaspi at Dasuri Choi ang kanilang relasyon, tama pala ang naging hinala noon ni Kyline Alcantara.


Usap-usapan ngayon sa social media ang kumakalat na video nina Dasuri Chou at Mavy Legaspi sa isang mall.


Matatandaan na naging laman ng mga usap-usapan noon ang pagkakadawit ni Dasuri Choi sa napapabalitang hiwalayan nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara. Sa isang social media post noon ni Kyline Alcantara, ibinahagi niya ang video nina Dasuri Choi at Mavy Legaspi na nakuha niya mula sa TikTok.


Makikita sa nasabing video na tila may nagaganap na double date dahil kasama rin ng dalawa ang kakambal ni Mavy Legaspi na si Cassy at isa pang lalaki na pinaghihinalaang ka-date nito.


Natahimik naman ang isyung ito noon dahil sa tila pakikisawsaw ng mga magulang ni Mavy Legaspi kung saan maraming bagay ang iniisyu kay Kyline Alcantara.


Subalit dahil sa video na kumakalat ngayon sa social media, marami ang nagsasabi na talagang may katotohanan ang naging hugot noon ni Kyline Alcantara.


Samantala, binalikan rin ng ilang mga fans ni Kyline Alcantara ang mga naging social media post ni Dasuri Choi sa kasagsagan ng hiwalayan issue nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.


Marami ang nagsasabi na napansin nila na tila magkasama sina Dasuri at Mavy sa mga panahong iyon.



May mga fans naman sina Dasuri Choi at Mavy Legaspi ang nagsasabi na wala namang malisya ang pagsasama ng dalawa dahil magkaibigan ang mga ito dahil araw-araw rin naman silang nagkakasama sa noontime show na Eat Bulaga.


Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag sina Dasuri Choi at Mavy Legaspi sa muling pagkalat sa social media ng mga video nilang magkasama.


Samantala, tila dinedma naman ni Kyline Alcantara ang mga balitang ito na patunay lamang umano na hiwalay na sila ngayon ni Mavy Legaspi.



@akosiabeltrilles Mavy and Dasuri , magkasama sa iisang mall . Nagdate nga ba o sinamahan lang ? 🤔 Grabe sinayang mo ang isang Kyline Alcantara 😓 #mavylegaspi #dasurichoiofficial #fpyã‚· #fp #fyp #tiktok #philippines #dating #loveteam ♬ original sound - Abel Trilles

Malaking Pasabog! Tinatagong Lihim Ni Xian Lim Ibinulgar Na Ni Kim Chiu Sa Publiko!

Walang komento


 Talagang humabol pa sina Kim Chiu at Xian Lim sa mga celebrity couple na kumpirmadong naghiwalay nitong nagdaang taon.


Noong December 23, 2023 tuluyang kinumpirma nina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang paghihiwalay matapos ang ilang buwan na naging lamang sa social media ang pagwawakas ng kanilang 12 years relationship.


Sa pamamagitan ng kani-kanilang Instagram post, inamin nina Kim Chiu at Xian Lim na winakasan na nila ang kanilang relasyon gayunpaman hindi naman nila ibinunyag ang naging dahilan kung bakit nagwakas ang kanilang pag-iibigan.


Kaya naman, hinihintay ngayon ng mga marites online ang magiging pasabog ni Kim Chiu ngayong taon patungkol sa hiwalayan nila ni Xian Lim na maari umanong ikasira sa showbiz career ng aktor.


Sa isang episode ng Cristy Ferminute nitong martes, January 2, 2024, naitampok nila ang patungkol sa hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim. Ayon kay Cristy Fermin, may nakapagsabi umano sa kanya kung ano ang totoong dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawa matapos ang matagal nilang relasyon.


Pinuri rin ni Manay Cristy Fermin si Kim Chiu dahil sa kabaitan nito, kung gaano ito ka respetadong tao at kung gaano ito ka edukada kaya naman malaking pasabog umano ang magaganap sakaling magsalita na si Kim Chiu na maari pang maging dahilan ng pagkasira sa karera sa showbiz ni Xian Lim.


Samantala, hindi pa naman umano kumpirmado kung magsasalita na ba si Kim Chiu hinggil sa dahilan ng hiwalayan nila ni Xian Lim dahil noon pa man ay palagi na itong nanahimik kung patungkol sa hiwalayan ang usapan.


Matatandaan, na hindi rin naman nagsalita roon si Kim Chiu sa gitna ng malaking usapin sa hiwalayan nila noon ni Gerald Anderson.


Subalit, maari umanong magbigay ng pahayag ngayon ang aktres dahil pumapabor naman sa kanya ang pagkakataon dahil marami ang sumuporta sa kanyang pakikipaghiwalay kay Xian Lim.


May mga nagkomento pa na tila nagtanggal na umano ng helmet ang aktres o di kaya ay binawasan na umano nito ang kanyang pasanin. May mga nagsasabi rin na tila nauntog na umano ang aktres sa katotohanan na walang plano si Xian Lim sa kanilang dalawa.


Sa kabilang banda, marami naman ang naku-curious kung ano ang pinanghahawakan ni Kim Chiu na malaking sekreto ni Xian Lim.




Hindi Invited Sa Kasal Ni Angelica Panganiban Si Glaiza De Castro

Walang komento


 Buong detalye ng hindi pagpunta ni Glaiza De Castro, kilalang malapit na kaibigan ni Angelica Panganiban sa kasal ng huli noong December 31, 2023.


Sa wakas ay ikinasal na si Angelica Panganiban sa longtime boyfriend nito na si Gregg Homan. Naganap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Los Angeles, California na dinaluhan ng kani-kanilang piling malalapit na kaibigan at mga kamag-anak.


Kabilang sa mga naroroon upang makipagbahagi sa saya nina Angelica Panganiban at Gregg Homan ang mga malapit na kaibigan ni Angelica na sina Kim Chiu at Bela Padilla.


Ayon sa naging pahayag ni Angelica Panganiban na hindi niya inakala na dadating siya sa puntong magpapakasal sa pinakamamahal niyang lalaki bagama't hindi umano niya natupad ang ipinangako niya sa kanyang sarili noon na magpapakasal muna siya bago magkaroon ng anak, malaki pa rin ang pasasalamat ni Angelica dahil pareho pa ring natupad ang kanyang mga pangarap na maikasal at magkaroon ng anak.


Samantala marami naman ang nakapansin na wala sa espesyal na araw ni Angelica Panganiban ang isa pang malapit na kaibigan niya sa showbiz na si Glaiza De Castro.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na malapit sila sa isa't-isa dahil magkababata silang dalawa at nagkakasama pa sa ilang mga out of town trips noon.


Ayon naman sa ilang mga fans ng dalawa na baka hindi na pumunta si Glaiza De Castro dahil sumabay naman ang New Year sa kasal ni Angelica at sa Amerika pa umano ito naganap. Hindi naman umano basta-basta na nakakalipad papuntang Amerika at makakabalik din kaagad sa Pilipinas para ipagdiwang naman ang bagong taon kasama ang pamilya.


Base sa mga social media post ni Glaiza De Castro, nagbakasyon siya kasama ng kanyang mister sa araw ng Bagong Taon kaya naman masasabi na hindi ito nagpunta sa masayang araw ni Angelica dahil may nauna na silang plano ng kanyang asawa.


May mga nagsasabi naman na baka may mas malalim pa na dahilan kung bakit hindi man lang rin nagbigay ng mensahe si Glaiza para kay Angelica sa kanyang social media account.


May mga haka-haka rin na baka ay hindi naman inimbitahan ni Angelica Panganiban si Glaiza sa kasal kaya naman wala ito roon dahil hindi naman umano papalampasin ni Glaiza ang special day ni Angelica.


Dahil dito, umusbong ang mga haka-haka na baka may hindi pagkakaunawaan ang dalawa at hindi na nagkakausap sa ngayon.


Sa kabilang banda, may mga netizens naman na nagsasabi na pabayaan na lamang umano ang mga ito sa kani-kanilang buhay dahil pareho naman na umano silang masaya sa piling ng kani-kanilang mga life partners.

Just in! Kapuso Aktres Sinagot Ang Balitang Paglipat Sa Abs Cbn!

Walang komento

 

Hanggang ngayon ay tila hindi pa rin nakakapag-renew ng kontrata ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa GMA Network, kaya naman hindi rin matigil-tigl ang mga bali-balitang lilipat na ito sa ABS-CBN o sa ibang networks na katapat ng GMA.


Isa pa sa mga pinagbabasehan ng mga netizens na may posibilidad na aalis si Carla Abellana sa GMA ay ang naging pahayag niya noon na open siya na maging guest sa teleseryeng Ang Batang Quiapo ni Coco Martin sa ABS-CBN.


Marami naman sa mga fans ni Carla Abellana ang nabahala dahil baka tuluyan nang talikuran ng aktres ang GMA7 na siyang naging tahanan niya mula ng umpisahan niya noon ang kanyang showbiz career.


Subalit ngayon ay tila napanatag na ang mga Kapuso fans na mananatili pa sa nasabing network si Carla Abellana dahil sa ibinahaging post ng aktres sa kanyang Instagram account.


Ayon kay Carla sa kanyang pagbati sa bagong taon sa kanyang mga tagahanga na hanggang ngayon ay mananatili pa rin siyang Kapuso. Isiniwalat din ni Carla Abellana na may gagawin siyang teleserye kung saan makakasama niya si Bea Alonzo.


Makikita rin sa nasabing post ni Carla Abellana ang teaser ng kanilang teleserye na pinamagatang The Widows War kung saan makakasama rin nila ang aktres na si Gabbi Garcia.


Masaya naman ang mga fans ni Carla Abellana na nagkaroon ng panibagong project si Carla Abella kahit hindi pa natatapos ang teleseryeng pinagbibidahan niya ngayon na The Stolen Life.


May mga naghinala rin na baka malakas umano si Carla Abellana sa mga big bosses ng GMA dahil pinagbigyan ng mga ito ang kahilingan ng aktres na makasama sa iisang proyekto si Bea Alonzo.


May mga nagsasabi rin na talagang inaalagaan ng maayos ng GMA sina Bea Alonzo at Carla Abellana dahil ibinibigay sa kanila ang malalaking proyekto ng nasabing network.



Sharon Cuneta, Kiko, Inaming 'Sandaling Naghiwalay' | Netizens Hindi Na Natutuwa!

Walang komento


 Kamakailan lamang ay nakatanggap ng pambabatikos ang Mega Star na si Sharon Cuneta matapos ang pagpapahiwatig niya na may mga pinagdadaanan siya sa social media.


Marami sa mga fans ni Sharon Cuneta ang nadismaya sa aktres dahil tila pinaglalaruan lamang umano nito ang damdamin ng kanyang mga tagahanga upang mapag-usapan siya at ang kanyang pelikula.


Matatandaan na naging sunod-sunod ang pagbabahagi noon ni Sharon Cuneta ng mga cryptic post na til nagpapahiwatig na naghiwalay na sila ng kanyang asawang si Former Senator na si Kiko Pangilinan.


Samantala, nitong January 1, 2024 sa Instagram live ni Sharon Cuneta nagbigay na siya ng pahayag dahil hindi na umano niya nagugustuhan ang mga natatanggap niyang pambabatikos mula sa mga netizens na nagsasabing may problema na siya sa utak.


Inamin ni Sharon Cuneta sa kanyang nasabing live na totoong may pinagdadaanan sila noon ni Kiko Pangilinan at panandalian ding nagkahiwalay. Makikita rin sa nasabing live ni Sharon Cuneta ang kanyang mister na si Kiko Pangilinan at mga anak nila na sina Frankie, Miel at Miguel.


Ayon sa pag-amin ni Sharon Cuneta, totoo ang mga isyu na may pinagdadaanan noon ang relasyon nila ni Kiko Pangilinan at pansamantala rin umano silang nagkahiwalay subalit naayos umano nila ang kanilang hindi pagkakaunawaan at muli silang nagkabalikang dalawa.


Ayon pa sa naging pahayag ni Sharon Cuneta na lahat ng kanyang mga ibinahaging post ay sumasalamin lamang kung gaano siya nalulungkot sa panahong iyon. Gayunpaman, matapos umano nilang ayusin ang lahat katulad ng mga ginagawa ng mga normal na tao ay nagiging masaya naman ulit sila.


Hindi naman umano alam ni Sharon kung bakit kailangan pang mambatikos ang ilang mga netizens. Ipinagdidiinan din niya na walang mali sa kanilang mga utak.


Ayon naman kay Kiko Pangilinan na normal lamang sa lahat pamilya, lahat ng mag-asawa ay nagkakaroon ng tampuhan.


Nilinaw din ni Sharon na hindi lahat ng kanyang mga ibinahaging quotes ay patungkol sa kanya ang iba umano sa mga ito ay para rin sa mga malalapit sa kanyang tao na sa tingin niya ay nangangailangan ng mga quotes na ito.


Gayunpaman, may ilang mga netizens pa rin ang hindi tinanggap ang kanyang ginawang paliwanag. Marami pa rin ang kumbinsido na sinadya ni Sharon Cuneta na magdrama sa social media para mapansin naman ng mga netizens.



Aktor Laglag Sa Top 10 Kapamilya Stars, Deserved Dahil Manloloko?

Walang komento


 Naligwak umano ang aktor na si Daniel Padilla sa inilabas na Top 10 Kapamilya Artist Biggest Achievers para sa taong 2023.


Ayon sa isang host ng Marites University, nakakagulat umano na wala si Daniel Padilla sa nasabing listahan dahil may mga projects rin naman na ginawa ang aktor nitong huling bahagi ng 2023. 


Ang pinagbasehan sa pagsasagawa ng Top 10 na ito ay mula sa mga projects na ginawa ngayong taon mapa-pelikula man o teleserye, endorsements at mga social media interactions na nakuha nila ngayong noong nagdaang taon.


Samantala, nangunguna naman sa listahan ang dating girlfriend ni Daniel Padilla na si Kathryn Bernardo na bumida sa hit movie na A Very Good Girl kung saan nagpakita ito ng panibagong imahe sa publiko.


Kasunod naman ni Kathryn Bernardo at nasa ikalawang pwesto ay ang Unkabogable Star na si Vice Ganda na isa sa mga main hosts ng Kapamilya noontime show na It's Showtime..


Sinundan naman si Vice Ganda ng actor-director ng FPJ's Ang Batang Quiapo na si Coco Martin. Kasunod naman nito sa pang-apat na pwesto ang actress-host na si Kim Chiu na siyang bumida sa pinanggigigilang digital series na Linlang.


Nasa ikalimang pwesto naman ang isa pang main host ng It's Showtime na si Anne Curtis, ikaanim naman ang Magandang Buhay host at tinaguriang Asia's Song Bird na si Regine Velasquez.


Sinundan naman siya bilang nasa ikapitong pwesto ng controversial young actress na si Andrea Brillantes. Naging kontrobersyal nitong nagdaang taon si Andrea matapos ang break up nila ng kanyang boyfriend noon na si Ricci Rivera at ng madawit ang kanyang pangalan sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Nasa top 8 naman ang singer na si Sarah Geronimo na sinundan naman ni Joshua Garcia sa pang-siyam na pwesto. Nasa huling pwesto naman ang magka-loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.


Marami naman ang nagsasabi na tama lamang ang inilabas na listahan ng Top 10 A Listers ngayong taon ng ABS-CBN dahil talagang pinag-uusapan naman ang mga ito nitong taong 2023.


Kaya naman hiling ng mga hosts sa mga fans ni Daniel Padilla na tulungan ang aktor na makabawi ngayong taon dahil nawala na ito sa listahan sa magagaling na artista ng ABS-CBN.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo