Malaking Pasabog! Tinatagong Lihim Ni Xian Lim Ibinulgar Na Ni Kim Chiu Sa Publiko!

Huwebes, Enero 4, 2024

/ by Lovely


 Talagang humabol pa sina Kim Chiu at Xian Lim sa mga celebrity couple na kumpirmadong naghiwalay nitong nagdaang taon.


Noong December 23, 2023 tuluyang kinumpirma nina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang paghihiwalay matapos ang ilang buwan na naging lamang sa social media ang pagwawakas ng kanilang 12 years relationship.


Sa pamamagitan ng kani-kanilang Instagram post, inamin nina Kim Chiu at Xian Lim na winakasan na nila ang kanilang relasyon gayunpaman hindi naman nila ibinunyag ang naging dahilan kung bakit nagwakas ang kanilang pag-iibigan.


Kaya naman, hinihintay ngayon ng mga marites online ang magiging pasabog ni Kim Chiu ngayong taon patungkol sa hiwalayan nila ni Xian Lim na maari umanong ikasira sa showbiz career ng aktor.


Sa isang episode ng Cristy Ferminute nitong martes, January 2, 2024, naitampok nila ang patungkol sa hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim. Ayon kay Cristy Fermin, may nakapagsabi umano sa kanya kung ano ang totoong dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawa matapos ang matagal nilang relasyon.


Pinuri rin ni Manay Cristy Fermin si Kim Chiu dahil sa kabaitan nito, kung gaano ito ka respetadong tao at kung gaano ito ka edukada kaya naman malaking pasabog umano ang magaganap sakaling magsalita na si Kim Chiu na maari pang maging dahilan ng pagkasira sa karera sa showbiz ni Xian Lim.


Samantala, hindi pa naman umano kumpirmado kung magsasalita na ba si Kim Chiu hinggil sa dahilan ng hiwalayan nila ni Xian Lim dahil noon pa man ay palagi na itong nanahimik kung patungkol sa hiwalayan ang usapan.


Matatandaan, na hindi rin naman nagsalita roon si Kim Chiu sa gitna ng malaking usapin sa hiwalayan nila noon ni Gerald Anderson.


Subalit, maari umanong magbigay ng pahayag ngayon ang aktres dahil pumapabor naman sa kanya ang pagkakataon dahil marami ang sumuporta sa kanyang pakikipaghiwalay kay Xian Lim.


May mga nagkomento pa na tila nagtanggal na umano ng helmet ang aktres o di kaya ay binawasan na umano nito ang kanyang pasanin. May mga nagsasabi rin na tila nauntog na umano ang aktres sa katotohanan na walang plano si Xian Lim sa kanilang dalawa.


Sa kabilang banda, marami naman ang naku-curious kung ano ang pinanghahawakan ni Kim Chiu na malaking sekreto ni Xian Lim.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo