Sharon Cuneta, Kiko, Inaming 'Sandaling Naghiwalay' | Netizens Hindi Na Natutuwa!

Huwebes, Enero 4, 2024

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay nakatanggap ng pambabatikos ang Mega Star na si Sharon Cuneta matapos ang pagpapahiwatig niya na may mga pinagdadaanan siya sa social media.


Marami sa mga fans ni Sharon Cuneta ang nadismaya sa aktres dahil tila pinaglalaruan lamang umano nito ang damdamin ng kanyang mga tagahanga upang mapag-usapan siya at ang kanyang pelikula.


Matatandaan na naging sunod-sunod ang pagbabahagi noon ni Sharon Cuneta ng mga cryptic post na til nagpapahiwatig na naghiwalay na sila ng kanyang asawang si Former Senator na si Kiko Pangilinan.


Samantala, nitong January 1, 2024 sa Instagram live ni Sharon Cuneta nagbigay na siya ng pahayag dahil hindi na umano niya nagugustuhan ang mga natatanggap niyang pambabatikos mula sa mga netizens na nagsasabing may problema na siya sa utak.


Inamin ni Sharon Cuneta sa kanyang nasabing live na totoong may pinagdadaanan sila noon ni Kiko Pangilinan at panandalian ding nagkahiwalay. Makikita rin sa nasabing live ni Sharon Cuneta ang kanyang mister na si Kiko Pangilinan at mga anak nila na sina Frankie, Miel at Miguel.


Ayon sa pag-amin ni Sharon Cuneta, totoo ang mga isyu na may pinagdadaanan noon ang relasyon nila ni Kiko Pangilinan at pansamantala rin umano silang nagkahiwalay subalit naayos umano nila ang kanilang hindi pagkakaunawaan at muli silang nagkabalikang dalawa.


Ayon pa sa naging pahayag ni Sharon Cuneta na lahat ng kanyang mga ibinahaging post ay sumasalamin lamang kung gaano siya nalulungkot sa panahong iyon. Gayunpaman, matapos umano nilang ayusin ang lahat katulad ng mga ginagawa ng mga normal na tao ay nagiging masaya naman ulit sila.


Hindi naman umano alam ni Sharon kung bakit kailangan pang mambatikos ang ilang mga netizens. Ipinagdidiinan din niya na walang mali sa kanilang mga utak.


Ayon naman kay Kiko Pangilinan na normal lamang sa lahat pamilya, lahat ng mag-asawa ay nagkakaroon ng tampuhan.


Nilinaw din ni Sharon na hindi lahat ng kanyang mga ibinahaging quotes ay patungkol sa kanya ang iba umano sa mga ito ay para rin sa mga malalapit sa kanyang tao na sa tingin niya ay nangangailangan ng mga quotes na ito.


Gayunpaman, may ilang mga netizens pa rin ang hindi tinanggap ang kanyang ginawang paliwanag. Marami pa rin ang kumbinsido na sinadya ni Sharon Cuneta na magdrama sa social media para mapansin naman ng mga netizens.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo