Dahilan Bakit Binenta Ni Jiro Manio Kay Boss Toyo Ang Kanyang Gawad Urian Award

Huwebes, Enero 4, 2024

/ by Lovely


 Bumisita ang kilalang former child star na si Jiro Manio sa pawnshop at tindahan ni Boss Toyo upang ibenta ang natanggap niyang prestigious award mula sa Gawad Urian.


Sa kamakailang episode ng Pinoy Pawnstar, itinampok nila ang video kung saan makikita na mismong si Jiro Manio ang nagpunta sa kanilang tanggapan upang ibenta ang natanggap niyang award noon.



Napanalunan ni Jiro Manio ang nasabing parangal noong 2004 sa kanyang pagganap sa pelikulang Magnifico.


Ayon kay Jiro Manio, noon pa man ay plano na niyang magpunta kay Boss Toyo para ibenta ang kanyang award matapos malaman na magtatayo ito ng isang museum. Naisip umano ni Jiro Manio na baka mapabilang siya sa mga dating artistang nakatanggaap ng award noon na makikita sa ipapatayong museum ni Boss Toyo.


Ipinagdiiinan naman ni Boss Toyo na hanggang ngayon ay artista pa rin naman umano ang tingin nila kay Jiro kahit hindi na ito aktibo sa showbiz. Tinanong naman ni Boss Toyo kung magkano ibinibenta ni Jiro Manio ang kanyang prestigious award. Pinresyuhan naman ito ng dating child star ng 500,000.


Tinawaran naman ito ni Boss Toyo, sa huli ay nagkasundo ang dalawa sa halagang 75,000 pesos.


Matatandaan na noong 20015 muling umingay ang pangalan ni Jiro Manio nang kumalat ang mga larawan niya na isa na siyang palaboy sa NAIA Terminal 3.


Kaagad namang nagpaabot ng tulong ang nanay-nanayan ni Jiro sa showbiz na si AiAi Delas Alas.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo