Hindi Invited Sa Kasal Ni Angelica Panganiban Si Glaiza De Castro

Huwebes, Enero 4, 2024

/ by Lovely


 Buong detalye ng hindi pagpunta ni Glaiza De Castro, kilalang malapit na kaibigan ni Angelica Panganiban sa kasal ng huli noong December 31, 2023.


Sa wakas ay ikinasal na si Angelica Panganiban sa longtime boyfriend nito na si Gregg Homan. Naganap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Los Angeles, California na dinaluhan ng kani-kanilang piling malalapit na kaibigan at mga kamag-anak.


Kabilang sa mga naroroon upang makipagbahagi sa saya nina Angelica Panganiban at Gregg Homan ang mga malapit na kaibigan ni Angelica na sina Kim Chiu at Bela Padilla.


Ayon sa naging pahayag ni Angelica Panganiban na hindi niya inakala na dadating siya sa puntong magpapakasal sa pinakamamahal niyang lalaki bagama't hindi umano niya natupad ang ipinangako niya sa kanyang sarili noon na magpapakasal muna siya bago magkaroon ng anak, malaki pa rin ang pasasalamat ni Angelica dahil pareho pa ring natupad ang kanyang mga pangarap na maikasal at magkaroon ng anak.


Samantala marami naman ang nakapansin na wala sa espesyal na araw ni Angelica Panganiban ang isa pang malapit na kaibigan niya sa showbiz na si Glaiza De Castro.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na malapit sila sa isa't-isa dahil magkababata silang dalawa at nagkakasama pa sa ilang mga out of town trips noon.


Ayon naman sa ilang mga fans ng dalawa na baka hindi na pumunta si Glaiza De Castro dahil sumabay naman ang New Year sa kasal ni Angelica at sa Amerika pa umano ito naganap. Hindi naman umano basta-basta na nakakalipad papuntang Amerika at makakabalik din kaagad sa Pilipinas para ipagdiwang naman ang bagong taon kasama ang pamilya.


Base sa mga social media post ni Glaiza De Castro, nagbakasyon siya kasama ng kanyang mister sa araw ng Bagong Taon kaya naman masasabi na hindi ito nagpunta sa masayang araw ni Angelica dahil may nauna na silang plano ng kanyang asawa.


May mga nagsasabi naman na baka may mas malalim pa na dahilan kung bakit hindi man lang rin nagbigay ng mensahe si Glaiza para kay Angelica sa kanyang social media account.


May mga haka-haka rin na baka ay hindi naman inimbitahan ni Angelica Panganiban si Glaiza sa kasal kaya naman wala ito roon dahil hindi naman umano papalampasin ni Glaiza ang special day ni Angelica.


Dahil dito, umusbong ang mga haka-haka na baka may hindi pagkakaunawaan ang dalawa at hindi na nagkakausap sa ngayon.


Sa kabilang banda, may mga netizens naman na nagsasabi na pabayaan na lamang umano ang mga ito sa kani-kanilang buhay dahil pareho naman na umano silang masaya sa piling ng kani-kanilang mga life partners.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo