Mavy Legaspi Dasuri Choi Lantaran Na Sa Publiko, Kyline Alcantara Tama Ang Hinala

Huwebes, Enero 4, 2024

/ by Lovely


 Inilantad na ng mga Eat Bulaga hosts na sina Mavy Legaspi at Dasuri Choi ang kanilang relasyon, tama pala ang naging hinala noon ni Kyline Alcantara.


Usap-usapan ngayon sa social media ang kumakalat na video nina Dasuri Chou at Mavy Legaspi sa isang mall.


Matatandaan na naging laman ng mga usap-usapan noon ang pagkakadawit ni Dasuri Choi sa napapabalitang hiwalayan nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara. Sa isang social media post noon ni Kyline Alcantara, ibinahagi niya ang video nina Dasuri Choi at Mavy Legaspi na nakuha niya mula sa TikTok.


Makikita sa nasabing video na tila may nagaganap na double date dahil kasama rin ng dalawa ang kakambal ni Mavy Legaspi na si Cassy at isa pang lalaki na pinaghihinalaang ka-date nito.


Natahimik naman ang isyung ito noon dahil sa tila pakikisawsaw ng mga magulang ni Mavy Legaspi kung saan maraming bagay ang iniisyu kay Kyline Alcantara.


Subalit dahil sa video na kumakalat ngayon sa social media, marami ang nagsasabi na talagang may katotohanan ang naging hugot noon ni Kyline Alcantara.


Samantala, binalikan rin ng ilang mga fans ni Kyline Alcantara ang mga naging social media post ni Dasuri Choi sa kasagsagan ng hiwalayan issue nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.


Marami ang nagsasabi na napansin nila na tila magkasama sina Dasuri at Mavy sa mga panahong iyon.



May mga fans naman sina Dasuri Choi at Mavy Legaspi ang nagsasabi na wala namang malisya ang pagsasama ng dalawa dahil magkaibigan ang mga ito dahil araw-araw rin naman silang nagkakasama sa noontime show na Eat Bulaga.


Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag sina Dasuri Choi at Mavy Legaspi sa muling pagkalat sa social media ng mga video nilang magkasama.


Samantala, tila dinedma naman ni Kyline Alcantara ang mga balitang ito na patunay lamang umano na hiwalay na sila ngayon ni Mavy Legaspi.



@akosiabeltrilles Mavy and Dasuri , magkasama sa iisang mall . Nagdate nga ba o sinamahan lang ? 🤔 Grabe sinayang mo ang isang Kyline Alcantara 😓 #mavylegaspi #dasurichoiofficial #fpyシ #fp #fyp #tiktok #philippines #dating #loveteam ♬ original sound - Abel Trilles

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo